Everlie's PovNagising ako dahil sa ingay na naririnig ko mula sa labas. Napakunot ang noo ko ng makitang nasa condo nanaman ako ni Garri.
Jusme nakakahiya na talaga tong pinag gagawa ko. Pag labas ko ng kwarto naabutan kong nakikipag usap ng seryoso si Garri sa isang babae.
"S-Sorry kung naabala ko kayo, balik nalang muna ako sa loob." Nahihiyang wika ko ngunit pinigilan ako nito.
"Come here, we need to talk." Seryosong wika ni Garry kaya napalunok ako.
Pag upo ko sa sofa, nakatitig sakin yung babae. Siguradong girlfriend nya ito. I need to explain kung anong nangyare, ayuko naman na ako ang dahilan ng pag aaway nila.
"I'm so sorry miss, huwag ka sanange magalit kay Garry. Wala kaming relasyon, ang totoo nyan tinulungan nya lang ako kagabi dahil nakatulog ako. But believe me, wala talaga kaming relasyon, walang nangyare samin-"
"Hahahah, teka lang miss, wag kang mag explain sakin." Wika nito kaya naputol ang pag papaliwanag ko sa kanya.
"What do you mean?" Pag tataka ko.
"By the way, I'm Mariel Santos, secretary ako ni Sir Garri." Nakangiting wika nito at nakipag kamay sakin.
"G-ganun ba, sorry kung napag kamalan kitang girlfriend nya." Nahihiyange sagot ko dito at nakipag kamay sa kanya.
"I'm sorry kung naabala ko kayo ni Sir Garri ng ganito kagaaga. Gusto ko lang malaman mo miss na nasa news ka ngayon." Wika nito at may inabot sakin na tablet.
Tiningnan ko ang sinasabi nitong article tungkol sakin. Napakunot ang noo ko dahil sa mga nabasa ko.
"T-teka lang, ako ba ang sinasabi nilang secret girlfriend ni Garri?" Di makapaniwalang wika ko.
"Yes, may mga nakakita sa inyo kagabi sa bar at sa hotel nung buhat buhat ka ni Sir Garry. If you don't mind miss, maari ba kitang operan ng work?" Wika nito habang tahimik lang si Garri.
Work daw, need na need ko ang work ngayon. Alam nyo naman na tinangal ako sa trabaho, tapos kailangan ko pang bayaran yung utang ni tatay kay Mr Tan.
"Work? Oo naman!" Agad na sagot ko.
"Excuse us muna Mariel, kakausapin ko lang si Everlie." Seryosong wika ni Garri at hinila ako nito sa kamay pa puntang kwarto nya.
Sobrang seryoso kasi nito. Para bang may malaki itong problemang kinakaharap.
"I'm sorry Everlie kung nadamay ka pa sa problema ko." Wika nito.
"Okey lang yun, kasalanan ko din naman yun. Ako nga ang may utang na loob sayo dahil lagi nalang kitang naabala sa tuwing nalalasing ako." Nakangiting sagot ko dito.
"Pero iba kasi tong problema ko, hindi ko alam kung tama bang maipit ka dito." Sagot nito.
"Don't worry Garri, willing akong tulungan ka. Ano ba yun?" Nakangiting tanong ko dito.
Bigla itong natahimik habang seryosong nakatingin sakin.
"Kailangan kong mag pakasal sa lalong madaling panahon." Wika nito na ikinalungkot ko. Kakikilala palanv namin pero kailangan nya ng mag pakasal. Hindi sa nag assume akong mag kagusto sya sakin, pero alam nyo naman na sya yung yung taong nakakausap ko sa tuwing nag dadrama ako.
"So this is goodbye na ba? Sorry Garri, mukang nakakaabala ako sayo. Baka mag away pa kayo ng fiance mo dahil sakin-"
"It's not what you think, the main problem here ay wala akong babaeng papakasalan." Wika nito kaya parang nag diwang ang puso ko.
BINABASA MO ANG
Mr Billionaire's Fake Wife
RomanceUmuwing luhaan si Everlie Laine Castro ng malaman nyang niloloko pala sya ng long time boyfriend nya. Sa pag dadalamhati ng puso nya, sumabay pa ang problema nya sa taong pinag kakautangan ng ama nyang namayapa. Sa loob ng isang buwan ay dapat nya...