49

829 19 2
                                    

Fabio's Pov

"Baby ko, paki check naman si Everlie. Maluluto na kasi tong adobo pero wala pa sya, baka natabunan na yun ng asukal." Pabirong wika ni Yvette kaya lumabas na ako.

Sa pinto palang ay tanaw ko na ang nag kakagulong mga tao. Mabuti nalang at tumila na ang ulan. Ilang sandali pa ay may dumating ng ambulance.

Bigla akong nakaramdam ng kaba, nag madali ako para tingnan kung anong nangyare.

"Kawawa naman sya, buhay pa kaya?" Dinig kong usapan ng mga nakiki-isyoso. Ilang sandali pa ay nasa unahan na ako. Napatabon ako ng bibig ng makilala ang babaeng duguan at walang malay.

"E-everlie." Nauutal na tawag ko dito. Napaluhod ako sa pwesto ni Everlie. Gusto ko syang hawakan pero yung kamay ko na nginginig sa takot.

"Tumabi kayo, tabi!" Sigaw ng rescue ni Everlie. Ni hindi ko magalaw ang katawan ko sa sobrang shock. Bakit nangyare to kay Everlie?

"Ikaw ba ang kamag anak ng pasyente?" Tanong ng isa sa mga nakasakay sa ambulance.

"O-oo kaibigan ko sya." Sagot ko dito.

"Sige, sumama ka samin." Wika nito at pinasakay na din ako ng ambulance.

Wala akong magawa kundi ang maupo sa paanan ni Everlie habang ang mga rescuer ay ginagawa ang lahat para masalba si Everlie. Nilagyan na ito ng oxygen pump, namumutla na rin ang muka nito.

"Please Everlie lumaban ka." Naiiyak na wika ko dito. Sa loob ng maraming taon, Ikaw ang kasama ko. Naging saksi ka sa lahat ng mga pinag daanan ko nung si Paula pa ako. Tinangap mo ako ng buong buo at walang pag alinlangan. Mas kapatid na nga kita kesa sa totoong mga kapatid ko, kaya please lang lumaban ka!" Pasigaw na wika ko kasabay ng pag agos ng luha ko.

Awang awa ako sa Bestfriend ko, may pinag dadaanan pa nga ito tapos ganito naman ang mangyayare sa kanya. Hindi nya deserve to, pero bakit sa kanya nangyayare yung mga ganitong bagay.

Pag dating namin ng hospital ay agad itong dinala sa emergency room. May mga form na pinasagutan sakin about kay Everlie. Habang nag hihintay ako ng result ng test sa kanya tinawagan ko na si Yvette, maging si Mariel and Cleo. Hindi nag tagal ay dumating na sila. Kapwa mga nag aalala ang mga ito.

"Anong nangyare? Okey na ba si Everlie?" Pag aalalang wika ni Mariel.

"Hanggang ngayon ay hindi pa lumalabas yung doctor. Sana ay hindi malala ang pag kakabangga sa kanya." Wika ko sa mga ito.

Niyakap ako ni Yvette, alam kong pinapakalma nya lang ako. Kung ako lang mag isa ngayon, baka hindi ko kayanin. Hindi pa naman ako ganun ka strong, nasa processing pa din ako sa pag buo ng pag katao ko.

After 2 hours ay lumabas na yung doctor. Agad kaming lumapit dito.

"Kamusta na po ang kaibigan namin doc?" Tanong ni Mariel dito.

"Sa ngayon okey na sya, pero hindi ko alam kung kelan sya magigising. Medyo naapektohan ang ulo ng pasyente kaya kailangan nya pang sumailalim sa ilang test." Wika ni doc.

"Sige doc, alam naman po namin na gagawin nyo ang lahat para mapabuti ang kaibigan namin." Muling wika ni Mariel.

"Sige, pwede nyo na syang puntahan sa room nya once na nailipag na ito." Wika ni Doc.

Napabuntong hininga ako at naupo ulit kami sa waiting area. Sa pag hihintay namin, may lumapit samin.

"A-anong nangyare sa anak ko?" Wika ng isang babae.

"Erceles anak, nandito na kami ng daddy mo wag mo kaming iiwan!" Pasigaw na iyak ng isang ginang.

Kawawa naman itong ginang na ito. Kung nandito siguro ang Ina ni Everlie, tiyak na ganyan din ang magiging reaksyon nito.

"Hon tama na, baka mahimatay ka nanaman." Wika ng Asawa nito.

Parang namumukaan ko silang dalawa. Hindi ako pwedeng mag kamali.

"Mr and Mrs Ocampo?" Tawag ni Mariel dito.

Lumapit kami sa mag asawa at tinulungan namin si Mr Ocampo na pakalmahin ang Asawa nya. Agad na kumuha ng tubig si Yvette para ipainom Dito.

"Matanong lang po, sino po bang pasyente ang sadya nyo dito at labis ang pag aalala nyo?" Tanong ni Mariel.

"S-si Everlie, si Everlie na nawawala naming anak." Sagot ni Mr Ocampo at muli nanamang humagolhol ng iyak ang Asawa nito.

"T-teka lang po ah, si Everlie po? As in si Everlie na kaibigan namin ang nawawala nyong anak?" Pag lilinaw na tanong ni Mariel.

"Oo, nag pa investigate kami sa taong kumuha sa anak namin at napag alaman namin na si Everlie at ang nawawala naming anak na si Erceles ay iisa. Sobrang saya namin na malaman na si Everlie yun, pero ng puntahan namin sya sa bahay nyo ay may nakapag sabi na' na hit in run ito.   Sobrang sakit para samin na mangyare ito sa kanya. Yung Akala naming masayang reunion para samin ay hindi pa pala. Parang ayaw kaming maging masaya ng tadhana. Ngayon na kapit kamay na namin ang anak namin, nangyare pa ang bagay na to." Wika ni Mr Ocampo sabay punas ng luhang pumatak sa mga mata nya.

Hindi ako makapaniwala sa nalaman namin ngayon. Ibig sabihin may ama at Ina pa si Everlie, matagal nya ng pangarap na makilala ang Ina nya dahil wala namang ipinakilalang Ina ang tatay nyang si Sebastian. Ito pala talaga ang totoo nyang pag katao. Natutuwa ako para sa kaibigan ko. Matutupad na ang pangarap nyang mag karoon ng masayang pamilya.

Everlie gumising kana, hinihintay kana ng totoo mong mga magulang. Huwag mo na silang pag alalahanin pa.

**Third personal's Pov**

Lumipas ang tatlong araw at hindi pa rin nag kakamalay si Everlie. Napag disisyonan ng mga magulang nitong dalhin nalang sya sa ibang bansa para doon ipag patuloy ang pag papagamot nito.

Nalaman din nila na si Larra ang gumawa nito sa kanya kaya hinahanap na ito ng mga pulis. Kahit na adopted daughter ng mag asawang Ocampo si Larra ay hindi sila nag dalawang isip na ipakulong ito. Gusto nilang pag bayarin ito dahil sa ginawa nya sa nag iisang anak nilang si Erceles.

Sa kabilang banda, wala pa ding alam si Garri sa nangyare. Sinimulan na ng magulang nito na ipakilala si Garri sa ibat-ibang babae para muling makahanap ng babaeng papakasalan. Inamin na din ni Garri sa mga ito ang tungkol sa pag papangap nila ni Everlie kaya mas lalo syang pinupush ng mga magulang nya na maikasal.

Wala sa isip ni Garri na muling mag mahal dahil si Everlie lang ang laman ng puso't isip nya. Kung ito lang ang paraan para hindi paki-alaman ng magulang nya ang buhay ni Everlie, gagawin nya ito para sa ikabubuti nito.

"This is Roseben Miranda, the CEO of Blue Rose Group of companies." Pakilala ng Ina ni Garri sa babaeng ka dinner meeting nila.

"Nice to meet you." Walang ganang sagot ni Garri dito sabay inom ng wine sa baso nya.

Si Roseben ang napili ng Ina ni Garri na maging legal wife nito. Kilala si Roseben dahil sa edad nitong 26 ay may sarili na itong companies dahil sa pag susumikap nito. Marahil ay ito na nga ang perfect girl para kay Garri. Tiyak na magiging makinang ang pangalan ng dalawa sa business industry kapag sila ang nag katuluyan.

"So iha, ano sa tingin mo yung offer namin?" Nakangiting tanong ng Ina ni Garri.

"Okey lang naman po sakin tita, Akala ko nga totoong kasal na itong si Garri. Isa pa naman ako sa mga nangangarap na maging isang Clinton." Pabirong wika nito.

"Talaga ba? Mabuti na nga lang iha at Isa lamang yung kasulatan. Siguro talaga ay nangyare yun dahil kayo talaga ang para sa isat-isa." Wika ng Ina ni Garri.

Nag tuloy-tuloy ang pag uusap nila habang si Garri lumilipad ang isip ni Garri kay Everlie. Miss na miss nya na ito, pero wala syang magawa para sa pag mamahal nya para dito.

***Someone's Pov***

Malapit na kapatid ko, malapit na kitang makuha. Ipag hihiganti kita sa mga taong nanakit sayo.

Hindi ko hahayaan na tapaktapakan ka nila, gagantihan natin sila at sisiguraduhin kong mapapasayo lahat ng gusto mo.

Babawi ako sayo, tutulungan kitang mag higanti. Hintayin mo lang ako at hindi mag tatagal ay mag sasama na tayo.

Mr Billionaire's Fake Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon