chapter 17

828 24 0
                                    


** Mariel's Pov **

"Iha, paki tawag naman ang sir Garri at Everlie mo at tayo'y manananghalian na." Wika ni nanay Lucy.

"Ako na po nay." Pag presenta ni Cleo.

Naalala ko nanaman yung pag uusap namin kagabi. Wala itong ginawa kundi ang umiyak sa harapan ko. Sobra nya daw na pinag sisihan yung nangyare samin lalong lalo na sa magiging baby sana namin.

Hindi ako marupok na babae, yung kapag nag sorry at umiyak sa harapan ko ang taong mahal ko ay magiging okey na kami.

Si Cleo ang 1st love ko, sa kanya ko binigay ang lahat ng una ko. Kaya hindi ko matangap na nauwi kami sa ganito. Habang lumilipas ang panahon, mas nagiging bato ang puso ko sa kanya. Pero alam ko rin sa sarili ko na mahal ko pa sya.

"Hindi ako susuko sayo Mariel, mag hihintay ako hanggang sa tuluyan mo na akong mapatawad." - Yan ang tumatak sa isip ko na sinabi nya kagabi.

Habange hinihintay namin si Cleo, sir  Garri and Everlie. May lumapit samin na isang stuff ng villa.

"Ma'am Lucy, pasensya nandyan na po ange parents ni Sir Garri. Nasa labas na po sila." Wika nito na ikinagulat namin.

"Sh*t, Akala ko ba bukas pa?" Wika ko. Nag madali kami ni nanay Lucy na pumunta ng gate upang puntahan ang parent ni Sir Garri.

Kahit kelan talaga itong si Madam Rizza pa surprise!

Naabutan namin ang mga ito na pababa na ng sasakyan. Ang mga tauhan ng villa ay agad na inasikaso ang kanilang mga gamit. Kasama din pala nila ange kapatid ni Sir Garri at ang mag Ina nito.

"Wow, napakaganda naman dito." Manghang wika ni mam Rizza.

"Mam Rizza, sir Gabriel napaaga po ata ang inyong pag dating." Wika ko sa mag asawa.

"Ito kasing si Rizza mashadong excited." Wika ni Sir Gabriel.

"Ahm, by the way po, this is mam Lucy Castro. Ang mama po ni mam Everlie." Pakilala ko kay nanay Lucy.

"Ikinagagalak kitang makilala balae!" Masiglang wika ni mam Rizza.

"Sa inyo rin Mr and Mrs Castro. Tumuloy na muna kayo sa loob at siguradong pagod kayo sa mahaba b byahe. Sakto ang dating nyo dahil naka ready na din ang lunch." Nakangiting wika ni nanay Lucy. Mabuti pa itong si nanay Lucy, mukang hindi kinakabahan. Bibigyan ko to mamaya ng award bilang best in acting.

"Napaka ganda naman nitong resort nyo Balae, walang sinabi ang mga resort na pag mamay-ari namin." Wika ni mam Rizza habang nag lalakad kami.

"Si Everlie ang pumili ng disenyo nito. Marami nga ang nag sasabi na maganda ang pag kakagawa nito. Mabuti naman at nagustuhan nyo." Sagot ni nanay Lucy.

Naku nanay Lucy, -1 talaga tayo nito sa langit. Sobra sobra na ang pag sisinungaling natin alang alang lang kay Sir Garri.

-

Pag dating namin sa lobby, napakunot ang noo ko ng makita sila Cleo, Yvette and Paula. Teka bakit wala si sir Garri and Everlie?

"Maligayang pag dating po mam and sir." Pati nung tatlo sa mag asawa.

"Nasan na ang Sir Garri and Everlie?" Tanong ni Nanay Lucy.

"Cheneck na po namin sa kwarto nila pero wala po dun eh. Tinawagan na din po namin pero hindi po namin ma contact." Sagot ni Cleo.

"Hayaan nyo nalang muna, alam nyo naman ang mag kasintahan. Baka bumubuo na yun ng apo natin Honey." Kinikilig na wika ni mam Rizza. Muntik na akong maubo dahil sa sinabi nito.

Mr Billionaire's Fake Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon