Jaiden was driving while I was in passenger seat.
"You're quiet, what's our problem, love?" tanong niya. Tinapunan ko siya ng tingin at bumalik sa bintana.
Bumuntong hininga ako. "I wonder kung hanggang saan aabutin ng relasyon natin." makahulugang sambit ko.
He chuckled. "Of course, our relationship will lead to marrying each other."
Pilit ko siyang nginitian ng matamis. Lying is number one could lead to break up and break someones trust.
Bumaba ako ng kotse niya ng makarating sa school.
Napatigil ako ng marinig ko ang pagtawag ni Jaiden. Nilingon ko siya, patakbo na siya palapit sa akin. "You forgot my kiss," sambit niya, nakanguso. Napangiti ako ng bahagya, kahit na pilit lang.
Wala pa namang masyadong tao kaya agad ko siyang hinalikan—isang mabilis at magaan na halik.
Hinalikan ko siya para lang mawala ang pag-aalala niya, pero ang totoo, mas lalo akong nailang. Tinalikuran ko na sana siya pero hinawakan niya ang kamay ko.
"You are distant to me lately. I... I thought we are okay?" bulong niya, ang boses ay puno ng pag-aalala.
Binawi ko ang kamay ko. "Ayaw ko lang makita pagmumukha mo. Napapangitan ako sayo." sabi ko na ikinalaglag ng panga niya.
Ayaw kong sabihin sa kaniya na iniisip ko pa rin yung away namin.
"What?" hindi siya makapaniwalang nakatingin sa akin. "I'm ugly, after what happened between us?" Mukhang offend na offend siya sa sinabi ko.
Pinalo ko siya at tumawa. "Huwag mo nga binibring up 'yan, nandito tayo sa school." sambit ko ramdam ko ang pag init ng pisngi ko.
Tinulak ko siya ng mahina. "Sige na, umalis ka na." sabi ko.
Nginisihan niya ako. "Okay, okay, stop pushing me..." aniya, ang boses ay may halong paglalambing at panunukso. "Are you sure you don't want me to go with you?" paninigurado niya, ang tono ay nagpapahiwatig ng pag-aalala. Tumango lang ako at saka tumalikod na upang hindi pa humaba ang pag uusap namin.
"I love you!" rinig ko pang sigaw niya. Nag thums up lang ako habang hindi na lumingon at patuloy lang sa paglalakad.
Nabanggit ko kay Mama ang sirang elevator hindi naman niya pinaabot ng isang araw ay ipina ayos niya na sa mga maintenance stuff.
Kumatok ako sa pinto ng classroom. "Hi mga tao! Namiss ko mga pangit niyong mukha!" bungad ko, na may malapad na ngiti.
Agad naman silang nag komento ng kung ano-ano habang ang mukha ay nakabusangot.
"Maka-pangit ka naman sa amin, buntis! Parang hindi tayo bff," biro ni Gerald na sinundan ng pagtawa.
"Pinaglilihian mo yata kami," dagdag ni Clarissa na may pagngiti na rin.
"Mukhang nadiligan ka, buntis! Lapad ng ngiti mo," sabi ni Janna at tumawa ng malakas.
Inirapan ko lang siya.
Isa lang subject namin sa malamang ay maboboring na naman kami dahil wala pa kaming masyadong gagawin.
Nagtaka ako nang may mag-vibrate sa bag ko. Kinakap ko iyon at may nahawakan akong... cellphone? Cellphone ni Jaiden. Paano napunta ito rito?
Sinuri ko iyon.
Unknown Number is calling...
Sino kaya ito?
Nagdalawang-isip ako kung sasagutin ko ba ang tawag. Ngunit sa huli ay sinagot ko rin at saka lumabas saglit, para hindi marinig ng mga kasamahan ko.
Hindi ako nagsalita at hinintay lang na magsalita ang nasa kabilang linya. Isang pamilyar na boses ang narinig ko, pero hindi ko mawari kung sino.

YOU ARE READING
Hiding His Daughter
RomansaEliana Xianel Romanova × Jaiden Luke Ceresae The Romanova family lived a quiet life. Their father had passed away, leaving their mother frail and struggling. To help her family, Eliana made the difficult decision to leave the province and move to Ma...