CHAPTER 28

166 7 1
                                    

Warning: This chapter contains SPG scenes. Proceed at your own risk.

Birthday ni Jaiden ngayon, kaya balak ko siyang regalohan pagkatapos ng klase namin dahil last day na rin at next year na ang susunod na pasokan.

Akmang kakakatok ako sa kwarto nila Mama dahil aalis na ako para makapasok na, ngunit nakarinig ako ng kalabog.

"They can't be together! Andrea and I had an agreement!" sigaw ni Mama. Ito ang kauna-unahang narinig kong sumigaw siya.

"It was just an agreement, Glaiza! Why can't you just let your daughter and his boyfriend Jaiden have a happy relationship they deserve!" rinig kong sagot ni Papa, na halos sumigaw na rin, ngunit nasa tono ang pagmamakaawa.

Napatakip ako sa bibig. Anong agreement ang ibig nilang sabihin?

"It's not, that contract is legal! They shouldn't be in a relationship together when Andrea and I friendships ended and we made that agreement!" sagot ni Mama. "No! I won't allow it!"

Bumuka ang bibig ko sa narinig. Friendship? Magkaibigan sila ni Tita Andrea dati?

Nanginginig ang kamay kong pinihit ang doorknob at sumilip. Nakatalikod sa akin si Papa habang si Mama ay nakaharap sa bintana.

"Fuck that agreement, Glaiza!" sigaw ni Papa, ngunit lumuhod siya sa harap ni Mama. "Why can't you just let your daughter be happy and forget that agreement? Ibigay mo na sa kaniya ito bilang pambawi. I can't lose my daughter... We can't lose and disappoint her, again. Glaiza. Please, let her be. Isipin mo ang kaligayahan ng anak natin..." pagmamakaawa niya. Base sa tono niya, umiiyak na siya.

Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Nang humarap si Mama kay Papa, isinarado ko ang pinto upang hindi niya ako makita.

Anong klaseng agreement 'yon at halos hindi pwedeng maging masaya kami ni Jaiden?

Itinapat ko ang tainga sa pinto upang marinig sila. "Okay... I'm sorry... Stand up. I'm sorry for my sudden outburst. I'll let them... I will let her love Jaiden and get the love she deserves. I will go to Russia... para mawala ang bisa ng contract..." rinig kong sabi ni Mama, may halong pagsisi.

Hindi ko na alam kung anong sunod na pinag-usapan nila dahil umalis na ako.

Gusto kong umiyak habang nag-d-drive pero hindi naman ako marunong, hindi ako makapag-emote. Sayang yung bigay nilang kotse.

Huminga ako ng malalim nang makababa sa taxi.

Nginitian ko ang mga estudyanteng nakakasalubong ko na ngumingiti sa akin. Mabuti na lang at hindi mugto ang mata ko.

I took a deep breath, trying to calm my nerves.

"Eliana!" rinig kong sigaw sa pangalan ko hindi kalayuan.

Hinarap ko ang taong 'yon, si Jaiden, habang nakahawak ang kamay niya sa kapatid niyang kumakaway sa akin habang malaki ang ngiti sa labi.

Tinakbo ko si John at niyakap. "How are you, baby?" tanong ko. Ang laki niya na!

Niyakap niya rin ako ng mahigpit. "I'm pretty fine, Ate Eli! I missed you so much!" sigaw niya. Tinawanan ko siya at binuhat.

Hiding His DaughterWhere stories live. Discover now