TRIGGER WARNING: This chapter contains disturbing scene, depression, strong language, and suicide. Please proceed with caution.
Kumatok ako sa kwarto ni Mama saka pumasok, naabutan ko siyang kumakain, gumilid naman ang nurse niya.
Nginitian niya ako. "Anong ginagawa mo rito?" malumanay niyang tanong. I can't bear seeing her like this, nanghihina, namamayat at halos hindi na makalakad. May sariling nurse si Mama dahil desisyon iyon ni Papa.
"Mag c-cake tasting kami at magpapa sukat ng gown, sama ka, Ma?" tanong ko sa malambing na boses.
Umiling siya. "Hindi na... Sa kasal mo na lang ako babawi, para hindi na kayo mahirapan." nanikip ang dibdib ko.
Inayos ko ang buhok niya. "Bakit naman kami mahihirapan?" tanong ko at yumuko upang hindi niya makita ang mata kong paiyak na.
"Alam mo anak," sabi niya habang hinahawakan ang kamay ko, "Masaya ako para sa'yo. Alam kong matagal mo nang pinapangarap ang araw na 'to. At kahit hindi ako makasama sa lahat ng preparasyon, narito lang ako sa puso mo, sumasaya kasama ka."
Tumingin siya sa mga mata ko, puno ng pagmamahal at pag-unawa. "Huwag mong kalimutan na mahal na mahal kita, anak. At lagi kang tatandaan, kahit anong mangyari, lagi kang magiging espesyal sa akin."
Napaluha na ako. "Ma naman, huwag ka ngang magsalita ng ganyan. Para ka namang nagpapaalam."
"Anak," sabi niya, "Ang buhay ay parang isang biyahe. May mga panahon na masaya, may mga panahon na mahirap. Pero ang mahalaga, nakapagbigay tayo ng saya sa mga taong mahal natin. At iyon ang lagi kong gagawin, ang magbigay ng saya sa'yo."
Hinawakan niya ang mukha ko at pinunasan ang luha ko. "Huwag kang mag-alala, anak. Kahit hindi ako makasama sa kasal mo, narito lang ako, lagi kang binabantayan at minamahal."
"Mahal na mahal din kita, Ma," bulong ko habang yakap siya ng mahigpit. "Babalik ako rito mamaya, ipapakita ko sayo ang gown na susuotin mo. Hindi ako papayag na wala ka sa kasal ko."
Bumukas ang pinto niya at pumasok si Jaiden at Jaiena.
"Mama La!" sigaw ni Jaiena at patalon na pumunta sa kama at saka yumakap.
Ngumiti si Mama. "Ang maganda kong apo," sabi niya.
Nagdaldalan sila, nilingon ko si Jaiden dumaan ang pag-aalala sa mata niya.
Lumapit siya sa akin at niyakap ako. "What's wrong, hmm?" malambing niyang tanong umiling lang ako saka lumayo sa kaniya.
"Wala 'to, maiwan ko muna kayo rito, puntahan ko lang si Easton, aalis na tayo pagka tapos ko siyang kausapin." saad ko saka humalik sa pisngi niya, tumango siya saka ako hinalikan sa noo.
"Okay, I'll be right here," sabi niya. "Just call me if you need anything."
Tumango ako at lumabas ng kwarto. Habang naglalakad ako sa pasilyo, naririnig ko pa rin ang masayang tawanan ni Mama at Jaiden. Pero ang puso ko ay nananatili pa ring mabigat. Alam kong malapit na ang araw na kailangan kong tanggapin ang katotohanan na hindi na magiging katulad ng dati ang relasyon namin ni Mama.
Kumatok ako sa pinto ng kwarto ni Easton saka pumasok. Bumungad sa akin ang madilim na silid.
Kinapa ko ang sindihan ng ilaw niya. Hindi siya tulog dahil naka-switch ang ilaw niya, pero tila sinadyang patayin ang ilaw para magmukhang tulog. May kakaiba.
Kumurap-kurap siya at bumangon dahil sa pag sindi ko ng ilaw niya. Mukhang nagulat siya. Nakakunot ang noo niya, buhok na medyo gulo-gulo.
YOU ARE READING
Hiding His Daughter
RomanceEliana Xianel Romanova × Jaiden Luke Ceresae The Romanova family lived a quiet life. Their father had passed away, leaving their mother frail and struggling. To help her family, Eliana made the difficult decision to leave the province and move to Ma...
