Warning: This chapter contains SPG scenes. Proceed at your own risk.
Inaayos ko na ang mga gamit ko, sinasamahan ako ni Jaiden pero bumaba siya saglit dahil may kukunin lang daw.
"Mabuti naman at naisipan mo na umalis," rinig kong sambit ng kung sino.
Si Petchay, itinigil ko ang ginagawa at hinarap siya. "Ano naman ngayon?" mataray kong sabi.Ngumisi siya. "Wala naman. Iisa lang naman ibig sabihin niyan, e, mapapa sa akin si Jaiden," mayabang niyang sabi.
Tumawa ako ng sarkastika. "Ayon ay kung mangyayari 'yan, mawawala lang ako pero hindi mawawala sa akin si Jaiden at mas lalong hindi siya mapupunta sa'yo," sambit ko at tinalikuran siya saka isinara ang maleta. "Kung maaagaw mo man siya sa akin, congrats," sabi ko at saka siya nilampasan habang guyod ang maleta.Nilingon ko siya ng matapat ako sa pinto. "Huwag mong akalain na ganoon kadali ang lahat, Petchay. Mas kilala ko si Jaiden kaysa sa'yo. Alam ko kung ano ang gusto niya, at alam ko kung ano ang hindi. At hindi ikaw 'yon."
"Huwag kang masyadong magtiwala! May paraan pa ako! Hindi pa tapos ang laban!" pasigaw niyang sabi.
Nginisihan ko siya. "Mukhang may kailangan ka pang patunayan. Hintayin ko na lang," huling saad ko at umalis na ng tuluyan.Tinungo ko ang living room kung nasaan sila Ma'am Andrea.
"Ma'am Andrea, handa na po ang gamit ko," sabi ko.
Bumuntong-hininga si Ma'am Andrea. "Eliana, anak... I'm so sad to see you go. You've been such a wonderful help." Niyakap niya ako ng mahigpit.
Naka-uwi na sila noong nakaraan pa, alam na rin nila ang namamagitan sa aming dalawa ni Jaiden.Nangilid ang luha ko. "Salamat po, Ma'am. Bibisita din po ako dito," sabi ko.
Umiiyak na lumapit sa akin si John. "Wait! Ate Eliana can't leave! Who will take care of me?"
Ma'am Andrea pats John's shoulder. "John, anak... Eliana's parents need her. We have to let her go."Humikbi siya. "But... but... I don't want Ate Eliana to leave!"
Iniluhod ko ang isa kong tuhod upang magpantay kami. "John, mag-iingat ka ha? Tatawagan kita, and we'll see each other sa school, okay?" Niyakap ko siya ng mahigpit.
Mas lumakas ang hikbi niya, yumakap sa akin. "I don't want you to leave..."Tumulo na ang luhang kanina ko pa pinipigilan.
"Ate needs to leave po, bibisita naman po ako dito," saad ko at nginitian siya ng maliit.
Nakarinig kami ng busina sa labas. Binuhat ni Jaiden ang mga gamit ko.
Pumunta sa harap ko si John, hinaharangan ako."She's not leaving! I don't want it! Mommy... Please..." hikbi niya sa Mommy.
Binuhat siya ng Daddy niya. "John, you need to understand. This is for Ate Eliana's best. Her parents need her," saad niya.
"Don't worry, anak. Ate Eli will visit you, okay? Stop crying," blankong sabi ni Sir Freddieric ngunit nasa boses ang lambing. "Let's meet Ate Eliana's parents."Hinatid nila ako hanggang sa labas ng bahay nila.
Ngumiti ako ng makita si Mama at Papa, ngumiti rin sila pabalik.
Nawala ang ngiti nila nang makalapit kami.
"Mama, sila Ma'am Andrea po... Ang boss ko po at saka si Jaiden... B-boyfriend ko," pakilala ko at humarap kila Ma'am Andrea na sa hindi malamang dahilan ay nawala rin ang kaninang ngiti sa labi nila.Taka kong nilingon si Jaiden, kahit siya ay tahimik lang.
"May problema po ba?" mahinang tanong ko, sapat na para marinig nila.
Umiling si Ma'am Andrea at pilit na ngumiti. "Nothing... They are your parents?" Tumango ako. "It's nice to meet you, Mr. and Mrs. Romanova. I just... wasn't expecting to meet your parents so soon. Freddieric and I were just discussing some work matters, and..." she trailed off, glancing at Jaiden who looked equally uncomfortable. "We should probably get going. It was nice meeting you." She gave my mother a slightly forced smile.Ngumiti rin si Mama. "I'm glad to meet you, Mr. and Ms. Ceresae," pilit na sabi ni Mama at inilahad ang kamay. Inabot naman ni Ma'am Andrea iyon at mabilisang nag-shake hands.
Nagtataka ako sa akto nila.
Nilingon ko si Jaiden. "May problema ba sila ni Mama?" kunot noo kong tanong.
Umiling siya. "Nothing, they are just shocked," he explained, lowering his voice. "It's just... Mama is quite traditional, and she probably wasn't expecting to meet your parents so soon, especially given... well, us." He trails off, leaving the implication hanging in the air.