TRIGGER WARNING: Please be advised that this story contains TRIGGER WARNINGS, SENSITIVE CONTENTS, MATURE THEMES, STRONG LANGUAGE. Proceed at your own risk.
"Eliana, let's go!" aya ni Allison, ngayon kami mag s-swimming, kasama sila Jaiden at mga kaibigan niya. Kasama rin namin si Jaiena upang makapag enjoy siya.
Tumango ako sa kaniya at kinuha ko ang gamit ko at gamit ni Jaiden.
Hindi niya pa rin ako pinapansin ni Jaiden pero naiintindihan ko naman.
Lumabas ako ng bahay habang bitbit ang mga dala ko nasa gate pa lamang ako ay may kumuha ng mga bitbit sa kamay ko.
Kinuha ni Jaiden ang mga hawak ko at tahimik na sumunod sa anak niyang panay ang talon dahil sa tuwa.
Nginitian ko si Maella ng makitang nakatingin siya sa akin. Hindi ko alam kung saan ako sasakay dahil puno na kila Allison at Benjie.
"Mommy, let's go!" aya ni Jaiena sa akin habang naka-silip sa labas ng kotse ni Jaiden. Pilit ko siyang nginitian at umiling. Baka ayaw akong kasama ni Jaiden sa iisang kotse at nangako akong bibigyan ko siya ng space.
"Hey... Xianel," napalingon ako sa likod ko ng may nag salita. Si Christian.
Hindi ako umimik.
"Do you want to ride with me?" tanong niya. Nginiwihan ko siya. Bakit naman niya ako aayaing sumakay sa kotse niya?
Bumuntong hininga ako, wala naman akong choice. "Sige," pag payag ko. Ngumisi naman siya. Nauna siyang sumakay, at habang sasakay pa lamang ako sa passenger seat, may humawak sa braso ko at bahagya akong hinila.
"What are you doing?" kunot noong tanong ni Jaiden. "You are riding his car?"
Tumango ako. "Wala na akong masakyan kaya makikisabay na lang ako sa kaniya. Baka ayaw mo rin ako kasama sa sasakyan," paliwanag ko.
Inilingan niya ako at masamang tinaponan ng tingin si Christian na naghihintay. "No, you are not going to ride his car. And I didn't say that I don't want you to ride in my car, leaving us and riding another man's car? How disrespectful for me as your HUSBAND." diin niyang wika sa huling sinabi niya.
Lumabas si Christian sa sasakyan niya.
"Jaiden, chill ka lang," sabi ni Christian, "Hindi naman ako masamang tao. Wala lang akong magawa, nakita ko lang na wala siyang masakyan."
"That doesn't mean you can just ask my wife to ride with you," sagot ni Jaiden, "She's with me, and we're going to the same place."
"Okay, okay, I get it," sabi ni Christian, "I was just thinking that she might want to ride with me."
"Jaiden, hindi naman ako nag-iisip ng masama," sabi ko, "Wala lang talaga akong masakyan."
Hindi ko alam bakit umaakto siya ng ganito parang kanina lang ay hindi niya ako pinapansin. Ngunit sinakyan ko na lang siya sa wife, husband moment niya.
"I know," sagot ni Jaiden, "But it's just... It's not a good look, you know? You're my wife, and I don't want anyone else to think that you're available."
"Okay, I understand," sagot ko, "Sorry."
"It's okay," sabi ni Jaiden, "Let's just go." At naglakad na kami papunta sa sasakyan niya. Iniwan naming nakatunganga si Christian, mukhang medyo nagulat pa siya sa biglaang pagbabago ng ihip ng hangin.
"That bastard he even call you Xianel, how disrespectful... I am the only one who's allowed to call my woman like that. He is not the husband at all, I call you Xianel when we make love, how dare him?" Bulong-bulong niya pa. Nginiwihan ko na lamang siya at hindi na nagsalita pa.
YOU ARE READING
Hiding His Daughter
RomanceEliana Xianel Romanova × Jaiden Luke Ceresae The Romanova family lived a quiet life. Their father had passed away, leaving their mother frail and struggling. To help her family, Eliana made the difficult decision to leave the province and move to Ma...
