CHAPTER 27

1.1K 19 1
                                        

Katatapos ko lang maligo dahil balak naming lumabas nila Mama.

“Ma, mahal namin ang isat-isa kaya malamang na susundin namin kung anong gusto namin,” sabi ko.

Katawagan ko ngayon si Mama Eliza.

Bumuntong-hininga siya. “Hindi sa ganon, anak. Ang sa akin lang hindi para sainyo ang pagmamahalan na mayroon kayo,” saad niya. Kinunotan ko siya ng noo.

"Hindi para sa amin ang pagmamahal na mayroon kami?" tanong ko.

“Bakit… Bakit hindi para sa amin? Wala namang masama kung magmahalan kami,” giit ko.

“May masama nga, Eliana! Hindi ka ba nag-iisip? Ano ang sasabihin ng mga tao? Ano ang mangyayari sa iyong kinabukasan?”

Hindi ko siya maintindihan, hindi ko maintindihan ang gusto niyang iparating.

“At ano naman kung may sabi ang iba sa relasyon namin ni Jaiden?”

“Hindi kayo maaaring—”

Huminga ako nang malalim at hindi siya hinayaang tapusin ang sasabihin. “—Ma, maari niyo bang ipaliwanag sa akin kung bakit? Hindi ko kayo maintindihan, naguguluhan ako kung bakit ganyan kayo, parang ayaw niyong maging masaya kami ni Jaiden.”

Kinagat ko ang labi ko. “Hindi naman ganito nung una… Halos ipamigay mo na nga ako kay Jaiden… Bakit nag-iba na ngayon?” puno ng hinanakit kong sambit.

Nakarinig ako ng katok mula sa labas ng kwarto ko. “Eliana, let’s go, we’re leaving,” rinig kong sigaw ni Papa.

Bumuntong-hininga siya. “Wala ako sa lugar para magpaliwanag, tanungin mo na lang ang Mama mo o ang Papa mo. May mga bagay na… mga bagay na dapat mong malaman.”

Kinagat ko ang labi ko, nag-uumpisa nang tumulo ang luha ko. Ang sakit ay parang matalim na kirot sa dibdib ko. Parang malayo ang boses ni Mama, para bang pinapanood ko lang ang usapan mula sa labas ng sarili ko. Hindi na nga ako nakapagpaalam kay Mama nang lumabas ako dahil hindi na ako sumagot at pinatay ko na lang ang tawag. Hindi na lang ito tungkol kay Jaiden… sa relasyon namin; tungkol na ito sa pagtatago nila ng kung ano na hindi nila masabi sa akin.

Tahimik akong bumaba. Nakaayos na si Mama at Papa, ako na lang ang hinihintay.

Ngumiti sila at tumayo nang makita ako.

Inilahad ni Mama ang kamay niya. “Let’s go?” saad niya at nginitian ako ng maliit. Tumango ako at humawak sa kaniya. Magkahawak-kamay kaming lumabas habang si Papa ay nasa likod namin.

Nasa garahe pa lang kami nang may pumasok na isang sasakyan.

Kumunot ang noo ko nang mamukhaan ang dumating.

Si Alexis.

Si Papa ay hinintay maka baba si Alexis habang si Mama ay nasa tabi ko lang hawak pa rin ang kamay ko.

Pinatunog ni Mama ang dila niya. "I bet you wanted to meet your sister, I'm sure you two will have a good bond," sabi niya. Pilit akong ngumiti. Kung alam niya lang kung paano halos araw-araw kaming nag-aaway sa school, baka madismaya pa siya. "Pero sana naman," sabi ni Mama, biglang sumeryoso ang tono, "Ay maging maayos ang lahat sa pagitan ninyo." A chill ran down my spine. What did she know that I didn't?

Bakit ko ba nakalimutan na sila ang may-ari ng Casa De Unibersidad? Malamang na may nagsasabi ng nangyayari sa school.

“Where have you been, Alexis?” malumanay na sabi ni Papa nang makababa ang babae. Mukhang galing siyang club dahil naka-dress siya at gulo-gulo ang buhok.

Umirap ang babae. “I went to a bar, Dad, what’s new?” Maalat niyang sabi. “Your real daughter is here, don’t bother your adopted daughter anymore.”

Hiding His DaughterWhere stories live. Discover now