Napaiwas ako ng tingin nang makita ko si Jaiden sa corridor, probably waiting for me again.
"Eliana, hey!" he called out.
Nagmadali akong maglakad, but he still caught up to me.
"Love, why are you ignoring me? You've been ignoring me for three weeks, I miss you already," he whispered, habang nakayakap sa likod ko.
Kinagat ko ang labi. I've been ignoring him for three weeks now because of what happened. I'm still embarrassed.
"Hindi ko kaya magpa kita sayo, okay?" I whispered.
He furrowed his brow. "Is it because of the chocolate?" I nodded. "Didn't I tell you to forget about it? It's not your fault, okay?" he said in a soothing tone.
Yumakap ako sa kaniya. "Kasalanan ko pa rin, hindi ko binasa yung sa likod, basta lang ang pag kuha ko." sambit ko.
"It doesn't matter po, pansinin mo na po ako, ha?" saad niya. Tumango ako.
Nakarinig ako ng mga impit na tili sa likod ko.
"Bati na sila guys!" sigaw ni Ernesto.
Pumalakpak naman ang iba.
"Grabe, parang ako yung hindi pinansin ng three weeks," maarteng sabi ni Erika.
"Bati na ang Mama at Papa ko," astang iyak na sabi ni Maella na sinabayan naman ng iba.
Suminghot-singhot si Gerald. "Grabe, namiss ko ang lambingan niyo," saad naman niya. Inirapan ko siya.
May kasalanan pa sa akin 'tong lalaking 'to.
Siniko niya ako. "Ito naman, bati na tayo, hindi ko alam na ganon pala 'yon, aabangan ko sa gate si Alexis para sayo."
Speaking of the devil, kalalabas lang niya sa room, mugto ang mata.
Mahina akong hinila ni Jaiden at gumilid kami para makaraan siya.
Nilampasan niya ang lahat except sa akin. Huminto siya sa harap ko, inilagay ako ni Jaiden sa likod niya.
"You," malamig na sabi niya. Tinaasan ko siya ng kilay at itinulak ng mahina si Jaiden upang maharap ko siya ngunit hindi pumayag ang lalaki.
"Ano?" taas kilay kong saad.
Walang pahinga 'tong babaeng ito sa pang-aaway.
Akmang aabutin niya ako ngunit natulak siya ni Jaiden. "Don't you dare, Jovellanos," madiin asik ni Jaiden.
Nanlilisik ang mata niyang lumapit kay Jaiden at saka siya sinampal na ikina-gulat ko. Tumabingi ang ulo niya. Nang makabawi sa pagka-gulat ay sinamaan ko ng tingin ang babae at saka siya sinabunutan.
"Sumusobra ka na! Kung yung ibang kagagawan mo sa akin pinalampas ko, ang pagsampal mo sa boyfriend ko hindi!" galit kong sabi at pinahiga siya saka siya sinampal.
Nasagi niya ang kamay ko at inabot ang buhok ko.
"Bitawan mo ako! This is all your fault! Because of you nawalan ako ng parent!" itinulak niya ako. Hinawakan siya ni Gerald, Matt, at Stephen.
Pinatayo ako ni Jaiden. Ang mata niya ay galit habang inaayos ang buhok ko.
Pumagitna si Allison. "Eliana, Alexis, calm down!" sigaw niya.
Pati sina Maella pumagitna na rin, sinisigurado na hindi kami magkalapit.
"Huminahon kayo! Wala tayong mapapala sa pag-aaway!" puno ng pro-testasyon sigaw ni Janna.
Sarkastika akong tumawa. "Nawalan ng magulang? Kasalanan ko? Paano? Ni hindi ko nga kilala magulang mo," giit ko.
Nanginginig na ang labi niya dahil sa pag-iyak. "Y-you... You are my adoptive parent's d-daughter... Ever since they saw you... again. Nawala lahat sa akin, y-yung pagmamahal ng magulang na sakanila ko naramdaman... Nawala. B-bakit bumalik ka pa?" puno na hinanakit niyang saad. Pare-pareho kaming natigilan.