THE LETTER

1.7K 17 1
                                        

Years had passed, and I never imagined I'd return to the room where Easton ended his life. Since his passing, we hadn't touched or even opened the door again after it was cleaned the day after his funeral.

Mama Glaiza and Papa Eduardo and I finally decided to clear out his room and Mama Eliza's.

At napag pasyahan ilagay ang kanilang mga litrato, nagmimistulang memorya na kasama sila. Iyong kwarto naman ni Mama ay ginawa naming guess room dahil tapos na rin namang mabless iyon.

I surveyed Easton's room. He might not be here physically, but he's in my heart, as are Mama and Papa. They aren't my biological parents, but we still share the same blood.

Bumuntong-hininga si Jaiena at pinasadahan ako ng tingin. "Mommy," tawag niya. Nginitian ko siya, hinihintay ang susunod niyang sasabihin. "I think you should rest. Hindi maganda sa'yo ang maglinis.Buntis ka, dapat magpahinga ka."

Ngumiti ako at umiling. "Kaya ko pa naman. Hindi naman ako nagbubuhat ng mabibigat, don't worry," tiyak ko.

Tumango na lamang siya at tinungo ang aparador kung nasaan ang mga gamit ni Easton.

Sumama siya sa paglilinis, kasama namin ni Jaiden, dahil wala raw siyang pasok kaya umuwi na muna siya ng bahay.

Ikalawang taon na niya ngayon sa kolehiyo, kumukuha ng Bachelor of Science in Psychology.

Nakatira na siya mag-isa. Pagkatapos ng senior high school, nagdesisyon siyang lumipat at kumuha ng condominium malapit sa unibersidad na papasokan niya. Nung una, ayaw na ayaw namin dahil sa pag-aalala na baka hindi niya kaya, pero tiniyak niya sa amin na kaya niya.

Pumayag na lamang kami dahil tiwala naman kami sa kanya at naniniwala kaming kakayanin niya. Ngunit si Jaiden naman, hanggang ngayon ay medyo may tampo pa rin sa anak dahil sa desisyon niya. Pero alam kong mahal na mahal niya ang anak.

Natatawa na lang ako sa tuwing gabi, dahil tatawagan niya ang anak para kamustahin at panay ang bilin na mag-ingat.

Bumalik ako sa ulirat ng may inilapag si Jaiena na box sa harap ko, itinigil ko ang pagtupi ng mga damit ni Easton at saka siya pinasadahan ng tingin dahil sa pagtataka.

She smiled at me. "This box is for you, Mommy." saad niya tinuro ang pangalan na nakadikit sa box at saka naupo sa tabi. "The box looks old but the things inside were safe and prepared, sinilip ko lang po ang laman but I didn't touch anything." paliwanag niya.

Tumango na lang ako at iginilid ang mga ginagawa ko upang silipin muna ang mga laman ng kahon. Hindi siya malaki hindi rin mahaba. Sakto lamang para nagkasya ang mga kung anong bagay na mensahe.

"Puntahan ko lang po sila Dad sa baba," paalam niya. "Babalik din po ako agad." saka niya ako hinalikan sa noo.

Tumango na lang ako at hindi na siya pinansin dahil nasa kahon lamang ang atensyon ko. Lumang luma na ang kahon at ang ibang parte nito ay may butas at punit na.

Binuksan ko ang kahon at litrato, sulat at saka envelope ang bumungad sa akin.

Kinagat ko ang labi ko ng makita ang litrato kung saan kompleto kami. Sanggol pa lamang si Easton habang ako ay mukhang nasa sampung taong gulang na habang si Papa ay yakap-yakap si Mama sa likod.

Marami pa ang litrato na yun simula magdalaga at binata kami.

Sunod kong kinuha ang mga envelope at mga sulat.

Liham para kay Ate Eliana.

Ayon ang nakasulat sa papel. Ang isa galing kay Easton ang isa naman ay kay Mama. Una kong binuklat ay galing kay Easton.

Hiding His DaughterWhere stories live. Discover now