Chapter 22: Man-To-Man
[ NORMAL POV ]
Bago pa makarating si Jervin sa park ay kanina pa nag-iintay si Niko sa kanya. Habang nag-iintay si Niko, makikita sa kanya ang pagkaasar dahil sa mga nalaman nya.
Hanggang ngayon ay hindi sya makapaniwala na hinayaan nyang mawala ang pagkakataon nya para mapalapit sa babaeng mahal nya.
Kung sana lang pinaglaban nya ito. Kung sana lang noon pa nya sinabi ang nararamdaman nya para dito. Siguro masaya sya, masaya sila at hindi nangyayari ang mga ito.
Yan ang nasa isip nya. Natauhan lang sya ng may mag-buzz. Napatingin sya dito at nakita si Jervin na lumabas mula sa kotse nito. Tumayo sya sa kinauupuan nya at nilapitan si Jervin.
"What do you want to talk?" Hindi nya sinagot si Jervin at sinapak nya agad ito. Natumba si Jervin dahil dito. Nilapitan sya muli ni Niko, lumuhod sya at hinawakan nya si Jervin sa collar. Nakataas ang kanang kamay kamay at handa na ulit itong sapakin pero pinipigilan nya ang sarili nya.
"T@ngna, para san 'yon?" Asar na tanong ni Jervin. Nagtitigan sila ng masama. Inalis ni Niko ang pagkakahawak sa kanya. Tumayo si Jervin at saka pinahidan ang dugo sa labi nya.
NIKO's POV:
Syet!
Nang makita ko ang pagmumukha ni Jervin sobrang nagdilim ang paningin ko kaya naman nilapitan ko sya at sinapak agad. Kung pwede nga lang bugbugin ko na sya eh. Tsk!
"T@ngna, para san 'yon?" Asar na tanong nya sa'kin.
"Pucha Jervin, tinatanong mo pa talaga? T@ngna, para yan sa pananakit mo kay Jeanelle. Kulang pa nga yan eh." Asar na sagot ko naman sa kanya. Umiwas sya ng tingin at sumandal sa kotse nya.
"Sorry." Ang tangi nyang na sabi.
"Sorry? T@ngna talaga Jervin, mahal ko yung sinaktan mo. Ngayon sabihin mo sa'kin, mawawala ba ang sakit na nararamdaman nya dyan sa sorry mo?" Tahimik lang sya habang nag-sasalita ako.
Siguro kung kay Jeanelle nya sinabi yun mapapatawad sya nito. Mahal sya ni Jeanelle eh at talagang nakakademonyo yun.
Gusto ko na talaga syang sapakin ulit dahil parang wala syang planong gawin para ayusin ang gusot na ginawa nya.
Kainis!
Bakit kasi sa kanya pa? Bakit ba kasi minahal sya ni Jeanelle?
Nang-gigigil na talaga ako sa inis kaya naman naisuntok ko sa lamesa ang kamao ko.
"Tell me Jervin, mahal mo ba si Jeanelle?"
Hindi ko alam kung bakit gusto kong malaman, siguro dahil gusto ko na maging okay si Jeanelle. Masaktan na ako maging okay lang sya.
"Yeah! Mahal ko sya." Seryosong sagot nya sa'kin.
Bakit kasi tinanong ko pa? Halata ko na naman, tsk.
"Anong plano mo? Aaminin mo ba?" Sinusubukan kong ikalma ang sarili ko pero ang hirap.
"Oo." Matipid na sagot nya.
"Kailan mo pa balak umamin?" Hindi talaga ako makakalma, nyeta!
"Hindi ko pa alam."
"Nyeta, paano pag nalaman ni Tita Jade ang totoo? Na nagsinungaling si Jeanelle sa kanya, pati na din ikaw."
Hindi ko na napigilan pa at nasabi ko na rin ang tungkol sa ginawa nila. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha nya. Kainis lang, ang sarap basagin ng pagmumukha nya.
JERVIN's POV:
Nyeta ang sakit ng pagkakasapak sa'kin ni Niko. Pero ayos lang, tutal naman alam ko na galit lang sya dahil sa ginawa ko kay Jeanelle. Pero bakit pati ang tungkol dun alam nya? Sinabi din ba ni Jeanelle?
Syet ~ Trouble 'to!
"Paano m------?" Di ko na natapos ang sasabihin ko dahil sinagot na nya.
"Sinabi na sa'kin ni Jeanelle ang katotohanan. So anong plano mo?" Tanong nya ulit.
"Sasabihin ko ang tunay na nararamdaman ko para kay Jeanelle bago malaman ni Tita Jade ang totoo." Agad na sagot ko sa kanya.
Ngayon alam ko na mas dapat ko na talagang gawin 'to lalo na't alam na ni Niko ang totoo.
"Siguraduhin mo na gagawin mo yan. Dahil kung hindi, maghanda ka na, aagawin ko sya sayo --- ay hindi pala, hindi kailangan na agawin pa sya sayo dahil hindi naman sya sayo." Naasar ako sa sinabi nya pero alam ko na yun ang katotohanan.
"Teka lang, bakit parang binibigyan mo pa ako ng pagkakataon na maging sa'kin sya?" Nagtatakang tanong ko.
"Dahil gusto kong maging masaya sya. Kaya please lang, sa huling pagkakataon gawin mong maayos ang lahat." Nasa tono ng boses nya ang pagsusumamo.
Umalis na sya after nya sabihin yun. Hindi ko alam kung sobrang duwag lang ba nya o tanga. Kung pwede lang sana na sapakin ko na din sya. Kaya lang hindi ko kaya. Masyadong mapagmaraya ang taong yun.
Ganun pa man, natatakot pa rin ako na makarating kay Tita Jade ang katotohanan. Hindi ko alam kung ano pa ang pwedeng mangyari. Maaaring sya mismo ang magsabi ng totoo kay Tita Jade. At syempre maaari din na si Jeanelle na mismo.
Hindi ko alam, pero kailangan kong masigurado na bago pa mabunyag ang totoo ay masabi ko na kay Jeanelle na mahal ko sya.
Kailangan masabi ko yun bago pa mahuli ang lahat.
XOXO
♥мεαии εcнizεи♥
COPYRIGHT © 2012
DONTKNOWTRUELOVE ®
ALL RIGHTS RESERVED
BINABASA MO ANG
Biggest Problem: To Fall In Love
Teen FictionPaalala: Ang story po na ito ay ang ginawa kong fanfiction noon sa B2ST. K-Pop group! Kung kilala nyo, wave naman dyan haha. Try nyo po basahin. :D Di ko maisip kung ano ba talaga dapat title nung story. Nung unang post ko nyan, "I Don't Know How To...