A/N: Haha sa phone lang akk nag-UD ..
@Geleen, ayus ung naisip mo Niko X Ellaine wahaha XD naiisip ko din yun eh .. Perp tignan lang natin kung may mangyayari nga haha chos ~
----
Chapter 26: Lover's Quarrel?
Class dismiss na at si Jervin hindi na bumalik mula nung umalis sya. Ngayon naglalakad ako mag-isa pauwi sa bahay. Hindi sumabay sa'kin si Kyla kasi uuwi daw muna sya bago sya pumunta sa bahay. Si Rizza naman ay sumama sa mga Halimaw. Wala lang lalakwatsa lang sila.
"Hindi ka yata hinatid ng NIKO mo." Pagkapasok ko ng gate yan agad ang bumungad sa'kin, boses ni Jervin.
"Oo nga eh. May dinner kasi ang NIKO KO with his family." I emphasize 'Niko ko' at nilampasan na sya. "Oh and by the way, hindi naman 'to bahay ni Ellaine so what are you doing here?"
Nilingon ko ulit sya at nakita ko na naiinis sya pero sinusubukan nya na ikalma ang sarili.
"Anong kinalaman nya sa usapan natin?" Tanong nya.
"Same goes with Niko." Pagtataray ko.
"Teka nga, n-nagkakamabutihan na ba k-kayo?" Naiinis na tanong nya.
"As if you care." Pabulong na sabi ko.
Aalis na sana ako ng bigla nya akong pigilan. Hinawakan nya ko sa kamay. Sa pagkakahawak nyang nun nakaramdama ako ng inis. Hindi ko alam pero naiinis talaga ako sakanya ngayon.
"Ano pa bang kailangan mo?" Inis na tanong ko.
"Kailangan natin mag-usap Jeanelle." Mahinahon na sabi nya.
"Ano naman pag-uusapan natin?"
"Yung about sa'tin pati na rin kay Ellaine." Seryosong sagot nya.
Oh great! Ano naman tungkol sa'min? Nyeta mas naiinis tuloy ako.
"Bakit kasali ako? Ano ba ang meron sa'tin?" Natigilan sya sa sinabi ko habang ako naman nasaktan sa sarili kong tanong.
"A-Ano ...... Ah basta feeling ko kasi umiiwas ka sa'kin mula ng magpakita si Ellaine. So let me explaine." Nahihiya at parang kinakabahan na sabi nha pero nasa tono nya ang pagkainis.
"Bakit ka mag-eexplaine sa'kin? No need Jervin." Kahit sa totoo lang gusto kong maliwanagan sa sitwasyon namin.
Para kasing hindi ko kayang marinig ang magiging explanation nya. Paano kung masaktan ako lalo? Ayoko nun.
(A/N: Nega much.)
"Pero kailangan. Ayoko ng ganito tayo. Ayoko ng iniiwasan mo ko." Sana sinabi mo na din ang reason kung bakit ayaw mo. Naiiyak ako. Ang gulo gulo nya, hindi ko maintindihan kung ano ang gusto niang iparating.
"Like what I've said, ano ba ang meron sa'tin? There's no need for you explaine naman Jervin kasi I am not your girlfriend."
Syet! Ang sakit aminin sa sarili ko na hindi nya ako girlfriend. Na wala naman akong karapatan sa explanation nya dahil wala namang "KAMI."
"I don't care Jeanelle. Just let me explaine. Please." Paki-usap nya sa'kin.
"Wag ka na ngang makulet." Tumalikod na ako sa kanya. "Ni wala naman tayong special na nararamdaman para sa isa't isa, so bakit pa di ba? Masasayang lang ang effort mo. At isa pa hanggang pag-papanggap lang tayo, yun lang."
Naglakad na ako palayo sa kanya. Ang hirap mag-pretend sa harap nya na wala lang lahat para sa'kin kahit na sa loob ko sobrang nanghihina at nasasaktan ako sa sitwasyon namin.
Sorry ang duwag kong makinig sa explanation mu Jervin. Pero masisi mo ba ako? Takot na akong madagdagan pa yung sakit na nararamdaman ko ngayon.
JERViN's POV:
Nang umalis ako sa school dumeretso agad sa bahay ni Jeanelle. Doon ko na hinintay para magkausap kami. Gusto ko na talagang mag-explaine sa kanya para maging okay na kami.
At gusto ko rin na masabi na sa kanya at malaman nya na mahal ko sya.
Pero wala na namang nangyari. Nakakapanghina lang. Ang sakit na wala akong magawa.
"Like what I've said, ano ba ang meron sa'tin? There's no need for you explaine naman Jervin kasi I am not your girlfriend."
Naisip ko na naman ang tanong nya sa'kin. Pati ako napapaisip, "ANO NGA BA ANG MERON KAMI?" Isang fake relation na walang happy ending. Sa ngayon yan ang meron kami, pero ayoko na hanggang dyan lang.
At mas natigilan ako sa isa pa nyang sinabi. Parang sa isang iglan nawala ang pag-asa ko.
"Ni wala naman tayong special na nararamdaman para sa isa't isa, so bakit pa di ba? Masasayang lang ang effort mo. At isa pa hanggang pag-papanggap lang tayo, yun lang."
Pero hindi naman ako basta basta susuko. Ngayon pa na napatunayan ko na mahal ko sya. Ayoko na basta na lang isuko ang nararamdaman ko para sa kanya.
At isa pa, hindi totoo ang sinabi nya na wala kaming special na nararamdaman para sa isa't isa dahil alam ko na meron. Mahal ko sya at mahal nya din ako. Pareho lang kaming natotorpe at natatakot umamin sa isa't isa.
Nyeta naman kasi, bakit hindi ko pa maamin na mahal ko sya gayong alam ko naman na mahal nya ako? Badtrip!
JEANELLE's POV:
Habang naglalakad ako palayo sa kanya ah umagos ang luha sa mga mata ko. Parang kanina lang ang saya saya ko at walang problema. Pero ito ako ngayon, umiiyak at nasasaktan na naman. Ayoko na ng ganito. Gusto ko na talagang mawala yung sakit na nararamdaman ko. Pero paano?
Nakapasok na ko sa room ko, dumapa sa kama ko at umiyak ng umiyak. Napatigil lang ako ng biglang may kumatok sa pintuan ko.
"W-Wait lang." Sagot ko at agad na pumunta sa banya para ayusin ang sarili ko.
Nang buksan ko ang pintuan ay si Kyla ang bumungad sa'kin.
"What happen Nelle? Umiyak ka ba?" Nag-aalalang tanong nya.
Nag-act naman agad ako na nagtataka at tinignan ang sarili ko sa salamin. "Hindi naman ah!" Pag-sisinungaling ko.
"Wag mo nga akong lokohin Nelle. At sabihin mo nga sa'kin ang totoo, ano bang meron sa inyo ni Jervin?"
Natigilan ako sa tanong nya. Patay hindi ako ready sa isasagot ko sa tanong na yan.
Kasi kahit ako hindi ko alam kung ano ang meron sa'min.
XOXO
♥αии♥
BINABASA MO ANG
Biggest Problem: To Fall In Love
Teen FictionPaalala: Ang story po na ito ay ang ginawa kong fanfiction noon sa B2ST. K-Pop group! Kung kilala nyo, wave naman dyan haha. Try nyo po basahin. :D Di ko maisip kung ano ba talaga dapat title nung story. Nung unang post ko nyan, "I Don't Know How To...