CHAPTER 37: Before Everything Happens [Part 1]
NORMAL POV:
Natapos naman ng maayos at masaya ang lahat sa party. Nakahalubilo at nakasama din ng barkada nila Jeanelle at Jervin ang kapatid nya na si Jamiko. Kahit si Niko ay nakasama nila sa bonding na yun. Dahil sa kanilang kuryosidad sa kung ano ang nangyari, agad agad nilang kinuyog ng mga tanong si Jervin at Jamiko. Pero wala silang nakuhang sagot kay Jamiko dahil hindi rin naman nito alam ang buong detalye. Habang si Jervin at Jeanelle naman ay sinabi sa kanila ang sinabi ni Jade na kinabukasan sa kanila sasabihin ang lahat kaya naman hinayaan na lamang muna nila at nag-saya na lang sila dahil sa magandang nangyari sa dalawa nilang kaibigan na ngayon ay officially mag-fiancee na.
***
Ang araw kung saan mabibigyan linaw lahat ng pagtataka sa utak ni Jervin. Kung paanong ang magulang nya at ang magulang ni Jeanelle ay naging magkakilala. Marami rin syang tanong na gusto nyang magkaron ng linaw.
Napagdesisyunan naman ng mga magulang nila na sa Eugenio Residence na lamang sila magpa-family gathering. It’s a peaceful afternoon at tamang tama lang ang weather at napakaganda ng araw na ito para pag-usapan ang lahat ng dapat nilang pag-usapan. Nang makarating ang family nila Jervin sa bahay ng mga Eugenio ay si Jade at Brix naman kaagad ang bumati sa kanila.
“Balae.” Halos patili na bati ng dalawang babae. Nagbeso sila sa isa’t isa at agad nag-usap ng tungkol sa anak nilang dalawa. Napailing na lang ang mga asawa nila sa asal nilang dalawa but at the same time natutuwa na maganda ang relasyon ng pamilya ng bawat isa.
“Hay nako kayong dalawa, excited na naman.” Pagpuna ni Brix kay Mina at Jade na parang wala ng balak magpapigil sa pag-uusap.
“Hayaan mo na pare. Dyan sila masaya eh, at lahat naman tayo sigurado na magiging masaya sa mga mangyayari pa sa pamilya natin.” Napapailing pero nakangiti namang komento ni Ram sa nangyayari.
“Buti naman at alam nyong magiging masaya ang lahat.” Sobrang ganda ng ngiti ni Mina sa asawa nya at kay Brix.
“Dapat lang! At buti naman naiintindihan nyo din ang ginawa namin para sa mga anak natin.” Sa tuwa ni Jade ay halos pumalakpak pa sya, pero napatigil sya at napatingin sa taong nag-“ehem” which is Jervin.
“Buti pa kayo Ma nagkaka-intindihan, kami ni Jeanelle hindi maka-relate oh. Pwede paki-intindi din po sa’min?” Wala syang galang? Hindi. Ganyan sya sa magulang nya dahil kahit sabihin pa na hindi sya nagii-stay sa bahay nila, malapit pa rin sya sa mga ito.
“Jervin ang sama ng ugali mo, gumalang ka nga.” Pag-puna naman sa kanya ni Jeanelle na ikinaangal nya pero agad na kinuha ng Mama nya ang atensyon nya ng mag-cling ito sa kanya.
“Jervin talaga mainipin. Ito na nga po sasabihin na namin sa inyo ang dapat nyong malaman, wag ka ng mainip anak ko.” Paglalambing ni Mina sa anak nya na ikinahiya nya dahil syempre kaharap nila ang babaeng mahal nya. Pero ng tignan nya ito ay masaya sya nitong pinagmamasdan kaya napangiti na rin sya.
“Sige na Jervin hijo ikukwento na namin. Pero san ko ba uumpisahan?” Humalumbaba pa si Jade at nag-iisip ng magtanong naman si Jeanelle.
“Mommy uhm... nagtataka lang ako, paano mo po ba nalaman na nagpanggap lang kami na magka-relasyon?” Napatigil si Jade sa pag-iisip at doon inumpisahan nya ang paglilinaw ng lahat.
“Good question anak. Dyan nag-simula ang lahat dahil simula pa lang ng pagpapanggap nyo, alam ko na ang totoo.” Nakangiting sagot naman nito na mas ikinalito ng dalawa.
BINABASA MO ANG
Biggest Problem: To Fall In Love
Подростковая литератураPaalala: Ang story po na ito ay ang ginawa kong fanfiction noon sa B2ST. K-Pop group! Kung kilala nyo, wave naman dyan haha. Try nyo po basahin. :D Di ko maisip kung ano ba talaga dapat title nung story. Nung unang post ko nyan, "I Don't Know How To...