Chapter 15: Slumber Party

293 2 0
                                    

A/N: Oy! Kung sinu man ang ANIME LOVER dito, come on talk to me haha xD .. kung sino may alam na author na mahilig gumawa ng anime fanfic sabihin nyo sa'kin.

CHAPTER 15: Slumber Party

Yes! Party time.

Dito kami ngayon sa living room at nakikipagkwentuhan sa mga besties ko at sa mga halimaw. Ang saya at ang kulit ng lahat. Nakakatuwa talaga sila.

Kaya nga lang, natigilan kaming lahat ng lumapit sa'kin si Jervin. He touches my forehead and I blushed. Kasi naman eh. Nakakahiya!

Nakatingin ba naman sa'min ang lahat.

"Yah Jervin ano ba? I'm already fine okay." Naiirita na sabi ko. Nahihiya talaga ako eh tsk.

"Gusto ko lang manigurado. At isa pa po, baka mabinat ka tss." Sarcastic na sabi nya.

Ba yan? Ano bang ugali meron sya? Naasar ba sya o nag-aalala? Di ko maintindihan.

"Pagamit ulit ng kitchen nyo." Pumunta agad sya ng kitchen pagkasabi nya nun.

Natahimik naman ako dun. Kasi naman ayaw nyang mag-ingat sa mga actions nya. Mas lalo tuloy akong nahihirapan. Mas lalo tuloy hindi ko alam kung dapat pa ba na tapusin ko yung fake relation namin.

Kung umamin na lang kaya ako?

Kaya lang hindi pa rin naman ako ganun kasigurado kung gusto ko sya o mahal. Ni hindi ko nga alam kung ano ang nararamdaman nya for me. Parang ayoko naman alamin dahil ayokong masaktan.

Hays!

"Oy Jean, kanina ka pa walang imik ah." Pagpuna ni Rence sa akin. He patted my shoulder kaya natauhan ako at natigianl sa kakaisip.

"Ah s-sorry huh." Yun lang ang tangi kong nasabi.

"Ayos ka lang ba? Masama ba ulit ang pakiramdam mo?" Nag-aalalang tanong naman ni Kyla.

"Hindi. Ayos lang ako. Excuse lang muna huh." Tumayo na ako at naglakad paakyat sa kwarto ko.

Wala naman akong gagawin sa kwarto pero gusto ko lang na mapag-isa kahit saglit. Hays!

Yung saya ko nawala bigla. Pero natutuwa ako sa mga ginagawa ni Jervin in front of our friends. Kaso di ba parang lampas na kami masyado sa limit.

Ang pagpapanggap lang dapat namin ay sa harap lang ni Niko at ng parents ko.

Bakit ba ngayon, kahit na iba ang kaharap namin feeling ko nagpapanggap pa rin kami, kahit hindi na kailangan?

(??__??)

KYLA's POV:

Gosh!

Kakilig 'tong si Jervin. Obvious ang pagiging iba nya pag dating kay Nelle. Infairness talagang hindi papabayaan ang besty namin.

Dapat lang!

"Tama ako! In love si Jervin kay Jean." Said Francis.

"At tama rin ako na hindi nya ito maipakita. Hindi maamin sa sarili na mahal nya na si Nelle." Said Ivan.

Paano ba nila nalaman? Kinikilig ako sa mga ginagawa ni Jervin, oo. Pero kahit ganun medyo nalilito pa din ako sa mga kilos nito. Hindi ko mabasa kung may gusto ba ito o wala. Pero sige na nga.

"I guess," Nag dadalawang isip pa ko pero sige na talaga. "You guys are right."

"But do you think Nelle like him?" Ivan asked.

Napaisip naman ako dun. Hindi ko pa kasi nakita na in love si Nelle sa isang tao. Hindi ko alam kung paano sya mag-express ng feelings nya sa mga ganung bagay.

Biggest Problem: To Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon