Chapter 28: Confession? [Part 1]

241 6 2
                                    

Chapter 28: Confession? [Part 1]

Pagkapasok ko ng school automatic na hinigit kaagad ako ni Kyla at Rizza papunta sa rooftop. Hindi ko na sila natanong kung anong meron kasi halos tumakbo na  kami papunta doon.

Nang makarating naman kami, nakita ko na nag-iintay doon ang mga Halimaw, except Jervin.

Syet ~ Parang may balak yata ang mga ‘to na hindi ko gusto o mas magandang sabihin ay hindi ako ready.

Magsasalita pa sana ako ng bigla naman akong higitin ni Rence at Jayden papasok sa pintuan. Dinala nila ako sa malayo sa pintuan at saka ako tinakbuhan. Hinabol ko sila pero huli na, nakalock na ang pinto.

“Syet kayo, ano na naming trip ‘to? Ang aga aga pa huh.” Naiinis na sigaw ko sa kanila.

“Sorry Nelle.” Tanging nasabi ni Kyla mula sa kabilang side.

“Kyla naman eh. Ano ba? Bakit nyo ako ikinukulong dito?” Kainis naman talaga oh. Hindi pa ako ready >.<

“Malalaman mo din.” Sagot naman ni Francis.

At ito nga, nalaman ko na, agad agad =_________=

Kainis talaga >.<

Hindi pa talaga ako ready ngayon. Ang bilis naman. Ano ba ang dapat kong gawin? Pero may choice pa ba ako? Wala na diba? Naman eh ~

“Jeanelle.” Tawag nya sa’kin.

Slowmo pa akong humarap sa kanya. Kinakabahan kasi ako na naiiyak na kasi nga nakakakaba talaga ‘to. Hindi ko alam ang gagawin ko T_____T

“B-Bakit?” Oh diba nag-stammer pa ako.

“Mukhang naisahan ka nila ah.” Napapangiti na sabi nya.

“Lul, at natu-----“ Naputol ang pagsasalita ko ng may sumigaw mula sa kanilang side.

“Wag kayong mag-away. Nandyan kayo para pag-usapan ang dapat nyong pag-usapan.” Sigaw ni Ivan.

“Ganito kaaga? Pinapapangit nyo ang araw ko.” Inis na sagot ko.

“Asus hindi papangit yan, kaming bahala.” Sagot nyang muli.

“Oo nga Jean. Magiging okay ang lahat.” Mahahalata sa boses ni Rizza na nakangiti sya.

“Jervin, ikaw ng bahala sa pagpapaganda ng araw ni Jean.” Sigaw din ni Rence.

“Tama! At saka para happy na lahat.” Katulad ni Rizza, sa tono palang ni Jayden, nakangiti yan.

“Nelle good luck sayo.” Alam ko nakangiti din ng napaka-ganda yang si Kyla. Kainis -____-

Hindi ko na sila sinagot. Nahihiya na ako sa pinagsasasabi nila kasi may something. Ewan ko ba pero nakakakaba pa rin.

Lumayo ako mula sa pintuan at nagtungo sa may railings. Tinignan ko ang mga students sa baba at sako ko sya hinarap.

“So ano ba yung gustong gusto mo na i-explain sa’kin?” Yang ang una kong tanong.

[NORMAL POV]

“So ano ba yung gustong gusto mo na i-explain sa’kin?” Pag-uumpisa ni Jeanelle.

Sumandal si Jervin sa may reailings at saka sya tumingin sa direksyon nya.

“Jeanelle, kung anuman yung mga nakita mo nung magkasama kami ni Ellaine, wala lang yun.” Diretsuhan ng sabi ni Jervin. Napakunot-noo naman si Jeanelle sa narinig nya. Sa isip nya nag-flaschback ang lahat ng nakita nya.

So wala lang pala ang mga yun? Inis na nasambit nya sa isip nya.

“Oh really? So wala lang pala yung hug at ang sabihan ka nya ng mahala ka pa nya at magbalikan kayo?” Nagtataray na sabi nya.

Biggest Problem: To Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon