Chapter 7: Let's Talk About Love

336 2 0
                                    

CHAPTER 7: Let's Talk About Love

Dahil weekend pa din naman at wala ngang pasok. Ngayong araw ay napagdesisyunan ni Kyla at Rizza na tumambay dito sa'min. Namiss ko din kase ang makipag-bonding sa kanila.

Alam nyo naman, halos si Jervin na ang lagi kong nakakasama ng dahil kay Niko. At dahil sa kabaliwan na ginawa ko!

Di kaya sila nakakahalata ng kakaiba sa'min? Tsk.

"Miss Jeanelle, nandito na po sina Miss Kyla at Miss Rizza." Sabi nung made ko.

"Ah sige papasukin mo na sila. Salamat." Sagot ko naman, tapos pinapasok na nya yung dalawa at hinatid hanggang dito sa kwarto ko.

"Jean!" Sigaw ni Rizza ng makita ako. At syempre, mawawala ba naman ang pagyakap nya sa'kin.

"Hello Nelle." Nakangiting sabi sa'kin ni Kyla.

"Namiss ko kayo." Gigil na niyakap ko silang dalawa.

"N-Nelle, b-bitawan m-mo na a-ako." Nahihirapang sabi ni Kyla kaya kumalas na ko sa pagkakayakap. Huminga muna sya, inhale, exhale. "Grabe ka makayakap. Parang kulang na lang patayin kami huh."

"Sorry naman!" Nakangising sabi ko. "Namiss ko lang talaga kayo ng sobra eh."

"Ikaw naman kase Jean. Ano bang pinaggagagawa mo lately? Hindi ka naman nagsasabi samin." Naka-cross arms at naka-pout na sabi ni Rizza.

"Ah wala naman. Napapadalas lang na isinasama ako ni mommy sa mga lakad nya." Oo na alam ko na sinungaling ako. Pero hindi naman pure na kasinungalingan yan ah. :3

Habang itong mga besties ko ay kwento ng kwento about dun kay Lance at kay Kevin. Bigla akong nakaramdam ng interest kung paano ba malalaman na gusto ang isang tao.

"Kyla, alam mo ba kung paano malalaman na gusto mo na ang isang tao?" Nakatingin ako sa kawalan ng tanongin ko sya.

"Hmp, hindi ko alam eh. Basta alam ko mahirap eexplain pag yun na ang naramdaman mo. Na parang malilito ka." Sagot nya sa'kin at napatingin sya sa'kin. "Bakit mo natanong?"

"Ah wala lang, gusto ko lang malaman." Tumingin na ko sa kanya at ngumiti.

"Jeaaaan ako alam ko." Ngumiti ng nakakaloko sa'kin si Rizza.

Talaga? Alam nya yun? Eh para nga syang bata eh. At saka sya din naman pinakabata sa'ming tatlo.

Inexplaine na nya.

LOVE SICK

1. Kapag sya ang nakikita mo yung tibok ng puso mo biglang nagiging abnormal. Sobrang bilis ng tibok nito at talagang kinakabahan ka.

2. You feel butterflies in your stomach once na naramdaman mo din yung kaba. Para kang natatae na ewan.

3. Kapag tumitig na sya sayo, ang pakiramdam mo tumitigil na ang mundo mo. And at the same time, hindi mawawala yung pagka-ilang.

4. Halos hindi na rin sya mawawala sa isip mo. Parang kahit ayaw mo syang isipin, sya at sya pa din ang pumapasok sa isip mo.

5. And last, kapag sya ang kasama mo ang puso mo galak na galak sa tuwa. Yung ngiti sa mukha mo hindi na mabura. At sa tuwing maalala mo yun, kahit mag-isa ka lang matutuwa ka at kikiligin.

[A/N: Hindi ko sure yan! Haha nabasa ko lang sa ibang story na may ganyang nararamdaman. Sorry kung yan lang dontknowtruelove eh :p. Pagpasensyahan nyo na Hopeless Romantic ako eh XD.]

Biggest Problem: To Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon