Chapter 3: What Was That For?

401 5 0
                                    

CHAPTER 3: What Was That For?

Nung sumunod na araw hindi nakasabay si Rizza at Kyla sa'kin sa pagpasok. May aasikasuhin daw kase silang mahalaga sa school.

Loner ako ngayon. Naglalakad ako mag-isa eh! Pero buti na lang at nakita ko ang Beast group. Nakatambay pa sila sa Ice Cream Shop malapit sa school. Feeling close muna ko sa kanila ngayon huh.

"Hoy mga grupo ng Halimaw." Sigaw ko para makuha ang atensyon nila. Humarap naman agad sila ng marinig yun. "Pwede bang makisabay sa inyo papasok ng school?" Tanong ko, tapos nag-nod lang si Francis.

"Naks Jean! Ang cool mo talaga." Rence said.

"I agree with Rence. Di ba guys?" Pag-sangayon naman ni Marco. Uh-kay? Too much for compliments right? Haha.

"T-Thanks." Nahiya naman ako kase nag-agree halos ang lahat. Syempre except sa isa at kilala nyo na kung sino yun.

CURSED YOU JERVIN.

JERVIN's POV:

Naka-stop by kami sa Ice Cream Shop kase WALA LANG. Trip lang namin kase medyo maaga pa naman. Habang nadun kami, may biglang sumigaw.

"Hoy mga grupo ng Halimaw." Hindi namin sigurado kung kami yun. Hindi naman kase yun ang tawag sa grupo namin. Eh? Baka nga kami Beast eh. Ayun humarap na kami at nakita sya. Yung nakakainis na babae. "Pwede bang makisabay sa inyo papasok ng school?" Nakangiti nyang sabi, tapos nag-nod naman si Francis. Tignan mo 'tong babaeng 'to,

FEELING CLOSE.

"Naks Jean! Ang cool mo talaga." Pambungad sa kanya ni Rence habang pinagmamasdan sya.

"I agree with Rence. Di ba guys?" Sus! Na-flattered naman agad sya sa sinabi ni Marco.

Baliw naman nitong iba naki-sangayon din.

"T-Thanks." Nahihiya nyang sabi pero ang cute.

Ano daw? Cute? Erase. Erase. Erase. Boyish yan kaya pano magiging cute.

Pagkatapos syang bolabolahin ng mga bolero kong kaibigan umalis na kami at naglakad papunta sa school. Kasabay nyang mag-lakad sina Francis, Rence, Jayden at Marco. Nasa unahan sila, habang kami naman ni Ivan ay nasa likuran. Dahil nga nasa unahan sila, hindi ko napansin ang sarili ko na titig na titig na pala sa kanya.

"Ang ganda at ang cool nya nu?" Malinaw ang narinig ko, pero kahit ayoko, kusang nag-nod ang ulo ko as a sign of agreement. "So you like her huh?" Dun ako natauhan sa sinabi nya.

AKO? SI JERVIN RABAYA GUSTO SYA?

"Hindi nu." Napasigaw tuloy ako, napatingin tuloy sila bigla sa'min ni Ivan.

"May problema ba Jervin?" Nagtatakang tanong ni Francis sa'kin.

"Hala! naka-drugs ata yan eh." Sabat naman nung babaeng yun. "I'm just kidding." Natatawa tawa nyang sabi.

Aba't.... Grrrr eh MAS MAYABANG PA SYA SA'KIN EH TSK.

"I really don't like you." Naasar kong sabi, pero hindi ganun kalakas. Kaya nga lang, malakas ata pandinig nya kaya ayun nag-react.

"I heard you. Don't worry Jervin, MAS HINDI naman kita gusto." Talagang pinagdiinan pa nya yun huh. Yabang!

Hindi na kami nagpansinan after nun. Pinagpatuloy na lang namin ang paglalakad hanggang sa makarating kami sa building at naghiwahiwalay na papunta sa kanya kanyang room.

Biggest Problem: To Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon