Dedicate ko ulit sayo 'to ^_________^ masyado mo akong pinapasaya tahaha XD .. Dahil tuloy alam kong may nag-iintay ng update nagsisipag na naman akong mag-type nitong story hehe .. Thank you, Than you! Tahnk you, thank you ng sobrang dami hehe :DD
CHAPTER 11: Spin The Bottle
Star Gazing.
Ang saya palang gawin ang ganitong bagay kapag mga kaibigan ang kasama. Sobrang saya talaga. Sa sobrang saya ko sa kakaisip at kaka-star gazing di ko na tuloy sila napansin.
Hindi ko napansin na tahimik na pala sila, dahil mga tulog na.
LANGYA! Tulugan daw ba ako? Tsk.
Walang latag yun huh. Pano daw kasi mapi-feel na nasa dagat kung ganon di ba? Haha baliw mga yan eh.
Bumalik ako saglit sa loob ng bahay para kumuha ng blankets. Pagkabalik ko kinumutan ko na sila. Kaya nga lang may mali eh. May kulang na isa.
Si Jervin. Asan kaya yun?
Naglakad lakad na ko para hanapin kung nasan sya. Mamaya nawawala na pala yun, nalunod o kaya nakuha ng shokoy. Nako lagot pa ko sa parents nun.
Asan na ba? Ang layo ko na eh. Psssf! Yaan ko na nga yun malaki na naman yun. Kaya na nya sarili nya!
Tumalikod na ulit ako at ready na maglakad pabalik ng biglang may nag-suot ng sweater sa'kin.
"Malamig na, wala ka pang suot na jacket o kahit ano. Mamaya magkasakit ka, alagain ka pa nyan." Sa tono ng sarcastic nyang boses. 100 % sure ako na sya yun kaya lumingon na ko.
"San ka ba galing? Nag-alala ako. Kala ko nakuha ka na ng shokoy sa dagat." Medyo nakasimangot na sabi ko.
Nag-alala talaga ko. Kaya nga hinanap ko sya eh di ba? Kahit na ba nakakasuko agad syang hanapin. Layo eh!
"Tama ba ang narinig ko? Nag-alala ka sa'kin?" Tanong nya.
"Oo! Bakit masama? Girlfriend mo naman ako ah." Naitaklob ko bigla ang mga kamay ko sa bibig ko at tumingin sa kanya.
Paksyet! Bakit naman yun ang lumabas sa bibig ko? Nakakahiya! At saka ano ba yun? Feeling ko ba kami na talaga? Syet! Syet! Syet! Nakakahiyaaaaa~ >///<
JERVIN's POV:
Naglakad lakad ako kung saan. Natatanga kase ako sa kakatitig kay Jeanelle kanina. Kung anu ano ang naiisip ko tsk.
Napalayo pala ang paglalakad ko. Baka mag-alala yung mga yun.
Pabalik na ko ng may makita akong babae. Papunta sya sa dereksyon ng rest house. Nakilala ko naman ito base sa hugis ng katawan at sa pag lalakad.
Lumapit agad ako dito at saka ipinatong sa balikat nya ang sweater na kanina lang ay suot ko.
"Malamig na, wala ka pang suot na jacket o kahit ano. Mamaya magkasakit ka, alagain ka pa nyan." Sarcastic ata pagkakasabi ko, pero ayos lang yun sanay na sya. Humarap na sya sa'kin.
"San ka ba galing? Nag-alala ako. Kala ko nakuha ka na ng shokoy sa dagat." Nakasimangot sya. At saka yung mukha nya, mukha talagang nag-alala. Natuwa naman ako kaya gusto ko ulit marinig.
"Tama ba ang narinig ko? Nag-alala ka sa'kin?" Simpleng tanong ko.
"Oo! Bakit masama? Girlfriend mo naman ako ah." Nabigla ako sa sinabi nya at na speechless.
Nakatitig lang ako sa kanya. Sya naman tumingin na sa'kin at nahihiyang ibinaba ang mga kamay nya.
"J-Joke lang y-yung sinabi ko. W-Wag kang f-feeling huh." Napangiti naman ako sa ginawa nya.
BINABASA MO ANG
Biggest Problem: To Fall In Love
Teen FictionPaalala: Ang story po na ito ay ang ginawa kong fanfiction noon sa B2ST. K-Pop group! Kung kilala nyo, wave naman dyan haha. Try nyo po basahin. :D Di ko maisip kung ano ba talaga dapat title nung story. Nung unang post ko nyan, "I Don't Know How To...