Chapter 29: Separation [Part 1]

220 2 2
                                    

Kung may readers man ako bukod kay @mimaygel, @iamthatgirl_ at @AntoistheName hehe, paki-read din ng story ni @mimaygel na "I'm Still Holding On To The Promise I Made" 1st story nya yan pero maganda ^_^ dami agad nagbabasa :)) try nyo huh

Ito link: http://www.wattpad.com/17062474-im-still-holding-on-to-the-promise-i-made-prolouge#.UZ8sutksG34

---------------------------------------------------

Chapter 29: Separation [Part 1]

[ NORMAL POV ]

Saturday Night.

Jervin received a message from Tita Jade. She invited him on a dinner at the restaurant where they eat before with Jeanelle.

Jervin felt so nervous that time. Hindi kasi maiwasan na mag-isip sya ng kung anu-ano. Parang kahapon lang kasi napag-desisyunan na nila ni Jeanelle na sabihin kay Tita Jade ang lahat. Pero ngayon, he don't know what to do.

Ang plano kasi nila ay magkasama nila itong sasabihin kay Tita Jade. Kaya lang parang imposible na ngayon. Pakiramdam nya may iba na mangyayari.

"Jervin here." Pagkabukas nya ng pinto ay may narinig agad sya na tumawag sa kanya.

Hinanap nya ito at nakita naman nya si Tita Jade na nakangiti sa kanya.

"Good evening po Tita." Bati nya dito. Kahit papaano kasi ay nawala ang kaba nya ng makita ang ngiti nito.

"Maupo ka na at kumain." Nakangiti pa din na anyaya nito.

"Sige po Tita, salamat. Kayo din po." Naupo na sya at nag-umpisa na silang kumain.

Nabalot sila ng katahimikan na naging dahilan para bumalik ang kaba na nararamdaman ni Jervin. Noon kasi ay masaya sya nitong kinakausap kapag kumakain sila. Pero ngayon iba na.

"M-May problema po ba?" Napansin ni Jervin ang pagtitig sa kanya ni Tita Jade.

"Itigil mo na ang pagpapanggap na boyfriend ni Jeanelle." Nanlaki ang mga mata nya sa narinig.

Hindi nya alam kung ano ang sasabihin. Hindi sya handa.

At Eugenio Residence …

"Anong ginagawa nyo?" Nagtataka at naiinis na tanong ni Jeanelle.

Kinuha kasi sa kanya ang phone nya, inalis ang computer sa room nya at ngayon naman pati pag-gamit ng telephone ay ipinag-babawal sa kanya.

"Sorry po Ms. Jeanelle." Halos nakatungo ng sabi sa kanya ni Ate Beth, ang yaya nya.

Naiinis man sya ay hinayaan na nya ito at pumanhik na lamang sa kanyang kwarto. Inisip na lang nya na tatanungin na lamang nya sa mommy nya kung ano ba ang nangyayari.

JERViN's POV:

Hanggang ngayon nagtataka pa rin ako kung paano ba nalaman ni Tita Jade ang totoo. Sino kaya ang nag-sabi? Si Niko ba? Hindi ko alam.

Kainis! Kung kailan naman nagpa-plano kami na ayusin na 'yun saka naman kami naunahan na mag-sabi kay Tita.

Pucha!

"T-Tita teka lang, let me explain about that." Kinakabahan na sabi ko.

"No need to, Jervin. I already know everything. Kaya mula ngayon, iwasan mo na si Jeanelle." Tumayo sya sa kinauupuan nya at akmang aalis na.

"Kung ganoon tita, hayaan nyo ako na sabihin na totoo na kung ano ang meron sa'min ni Jeanelle ngayon. Maniwala po kayo. Mahal namin ang isa't isa." Okay ang corny. Pero kailangan nyang malaman na totoo na ang lahat.

Biggest Problem: To Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon