CHAPTER 36: Meet The Fiancee
Ito na. This is it. Iaannounce na nila kung sino ang lalaki. Pero teka? Asan ba yung lalaki? Eechos pa ba yun ng bonggang entrance? Ang corny naman. At saka sino ba ‘tong lalaki na kasama namin sa harapan ng stage? Ang sabi ni Mommy yun daw ang mag-aannounce, pero bakit pa kailangan ng ibang announcer kung pwede naman na sya na lang. Ang gastos talaga nitong si Mommy TT______TT.
Si Jervin naman kitang kita ko mula sa kinatatayuan ko. Hindi naman kasi sya ganun kalayo sa inuupan namin nila Mommy. Nakakainis nga yung mokong eh, pati sina Kyla. At kasama din pala nila si Niko. Ano bang pinag-uusapan nila dun? Bakit parang wala na silang paki-alam ngayon na iaannounce na kung sino ang BUSET NA LALAKING MAGIGING FIANCEE KO. BUSET TALAGA TῳT.
“Good evening po sa inyong lahat. Sorry kung natagal ang pag-aannounce ng importanteng announcement.” Sabi nung gwapong lalaki.
Sumigaw lang yung iba na okey lang basta ngayong nasa harapan na sya, iannounce na agad agad kung sino ang taong yun. Naalis din ang tingin ko kina Jervin ng magsalita yung gwapong lalaki na kasama namin. Buset nga eh, nagpapabitin pa ang putek! Halos magpigil na ko ng iyak sa inis dito eh. Takte! Nababadtrip na ko ng sobra sobra kasi hindi ko na makita sina Jervin dun sa pwesto nila kanina. Asan na yung mga yun? Umalis na? Hindi na aalamin kung sino ang BUSET? Eh si Jervin? Isinuko na ba nya ko? Nakoooo naman oh! TT_____TT
“Nako mukhang nasa ibang planeta po ata ngayon ang soon-to-be bride ng groom natin eh.” Narinig ko ang tawanan ng mga tao kaya napasimangot ako at nilingon ang gwapong lalaki ng naiinis.
“Are you with us na? Hindi na ba lumilipad isip mo?” Nakakalokong tanong nito kaya inisnaban ko lang sya. Kainis yung ugali nya parang kay Jervin nung una ko syang nakilala. “Hindi mo tuloy narinig ang sinabi ko na ako ang magiging fiancee mo.”
Agad akong napalingon ulit sa gwapong lalaki na emcee lang ampeg. Lakas maka-trip ng lokong ‘to porket gwapo sya ah. Buset talaga! Oh anong gagawin ko ngayon kung sya? Wala akong pakialam. Si Jervin ang iniisip ko. Nasan na ba syaaaaaaaaaa? TT________TT
“Hindi mo ba ko type? Gwapo naman ako ah.” Nag-tss lang ako at nag-crossarm. Nagagawa ko pa talagang mag-taray! Eh sa ayoko ng nangyayari eh. Ang hangin pa ng taong katabi ko. Hinayaan ko na lang sya mag-salita, syempre napapakinggan ko, naka-mic ba naman -____-
“Yung maswerteng lalaki na magiging fiancee ng magandang binibini na katabi ko ay abangan saglit habang inaantay natin na mabuo ang pamilya nila dito sa stage. Sa ngayon kasalukuyang naglalakad na sa gitna ng crowd ang magnanay habang nag-aaway, ganun na din ang tatay at ako bilang isa pa nilang anak ay nandito na sa tabi ng magandang dilag.” Pabirong sabi ng buset na gwapong emcee. Dahil na-curious ako sa napaka-ganda nyang description, napaikot din ang tingin ko sa crowd at napansin ang lalaking nakikipag-away nga sa nanay nya hanggang sa makarating sila dito sa mini-stage.
Natatawa na lang ang mga tao dahil sa eksena nung magnanay na yun habang ako ay nakatulala lang sa lalaking nakatayo na ngayon sa harapan ko. Hindi ko alam kung natutuwa, naiinis o nahihiya ba sya. Nakikipagtalo pa rin kasi sya sa mama nya hanggang sa may dumating pang isang lalaki na siguro ay nasa 50’s na. Kamukha nung matanda yung lalaking nasa tabi ko na ngayon, pati na rin yung emcee. Nang mabuo ang sinasabi ng emcee na pamilya nila, nilapitan na din ako ni Mommy at Daddy. May hawak din na mic si Mommy at ng makalapit sya sa’kin saka sya nag-salita.
“Ngayon na buo na din ang pamilya nila dito sa unahan, sino sa magkapatid ang tingin nyo na pinili ko – namin rather, bilang fiancee ng anak ko?” Kanya kanya ng bet ang mga babae, nakakabwisit. Daig pa nito ang auction ah >____< “Gusto nyo na bang malaman kung sino sa kanila?”
BINABASA MO ANG
Biggest Problem: To Fall In Love
Fiksi RemajaPaalala: Ang story po na ito ay ang ginawa kong fanfiction noon sa B2ST. K-Pop group! Kung kilala nyo, wave naman dyan haha. Try nyo po basahin. :D Di ko maisip kung ano ba talaga dapat title nung story. Nung unang post ko nyan, "I Don't Know How To...