Chapter 34: Giving Up!

176 2 4
                                    

CHAPTER 34: Giving Up!

Hanggang ngayon nag-aalala pa rin ako sa lagay ni Jervin, pero siguro naman okay na sya. Isang linggo na rin naman ang nakalipas simula ng dalawin ko sya eh. Miss ko na nga agad ang loko. Kahit pala di naging maganda ang umpisa namin, ganun na rin ang ending, nakakamiss talaga ang kayabangan nya. Nakakamiss yung mga times na nakakasama ko sya. Nakakamiss ang mga actions nya sa tuwing kailangan nya magpanggap na boyfriend ko. Ang kasweetan nya, ang pagiging concern nya, pati na rin ang pagluluto nya para sa’kin. Ang daming nakakamiss about sa kanya. Sayang hindi ko pa nararamdaman na lahat ng gagawin nya ay hindi na lang basta actions kundi totoo na.

“Iniisip mo na naman sya?” Nagulat ako ng biglang may magsalita mula sa likuran ko. “Do you love him that much? Na halos sya na lang yata ang nag-o-occupy ng isip mo.”

“I’m sorry mom. Sorry talaga sa nagawa ko. Sana wag mo na lang syang idamay at pahirapan pa.” Malumanay na sagot ko naman sa kanya.

“Pero hindi ko kagustuhan ang mahirapan sya, sya mismo ang nagpapahirap sa sarili nya gayong hindi naman kailangan.” Bakit parang ibang iba na si Mommy? Ang cold nya, parang hindi na sya yung dating Mommy ko.

“Kung alam nyo naman pala yun, bakit hindi nyo pa rin magawa na maniwala sa kanya? Sa mga sinasabi nya at gusto nyang patunayan sayo?” Takte! Naiiyak na naman ako. Kailan ba titigil ang pagpatak ng luha ko, buset talaga.

“Ewan. Wag na natin pag-usapan yan. May mas mahalaga akong sasabihin sayo.” Nagcrossarm sya at saka lumapit sa’kin.

“A-Ano naman po yung mahalaga na yun?” Kinakabahan na naman ako sa mga maririnig ko.

“You have an engagement this Saturday evening at the Bothanical Garden. Hindi ka pwedeng tumakas o umaway.” Seryoso lang na sabi nya sa’kin.

“H-Huh? P-Pero diba po ba hindi na pumayag si Niko?” Nagtatakang tanong ko. Ano ba yan? Akala ko okay na, wala ng engagement. Ano na naman ‘to? Nakakainis! Sino ba kasi ang nagpauso ng engagement na yan eh TT_______TT

“Hindi lang sya ang lalaki Jeanelle. At malay mo, sa huling pagkakataon napapayag ko pa rin sya. Abangan mo na lang sa Saturday.” Makahulugan na sagot sa’kin ni Mommy.

Hindi kaya pumayag talaga si Niko? Hindi kaya palabas lang nila ang pag-ayaw ni Niko noong nakaraang dalaw nya dito sa bahay. Buset ang daya daya. Ayoko ng umiyak eh. Nahihirapan na ko. Gusto ko na talagang bumalik sa dati ang buhay ko. Maayos at masaya, walang problema. Pero kung babalik naman ako dun, ayoko, dahil sa dating buhay ko wala si Jervin. Masaya nga ang noon, pero mas masaya pa rin yung mga panahon na nakilala at nakasama ko sya.

“Mommy naman eh, bakit kasi ayaw nyo na lang kaming bigyan ng chance ni Jervin?” Pagmamaktol ko na dito.

“Sige nga Jeanelle, bigyan mo ako ng magandang dahilan para bigyan ko kayo ng chance? Bakit ba pinagpipilitan nyong dalawa yan?” Medyo tumataas na ang boses ni Mommy.

“Dahil alam mo na mas sasaya ako kung sa kanya ako mapupunta kaysa dyan sa engagement na ipagpipilitan mo sa’kin. Mommy, alam mo naman ang totoong nararamdaman ko eh, ayaw mo lang pansinin. Alam mo naman na mahal ko sya, mahal na mahal. At alam mo rin na mahal naya rin ako talaga, di ba ikaw pa nga ang nagsabi sa’kin noon.” Mahabang paliwanag ko sa kanya at nakahawak na ako sa kamay nya habang patuloy ako sa pag-iyak.

“K-Kahit na. N-Napapaniwala nyo lang naman a-ako noon sa kalokohan nyo. Hindi nyo na ako maiisahan pa ngayon.” Pakikipagtalo pa nya.

“Hindi mommy, sigurado ako na napansin nyo ang hindi ko pinapansin noon. Naramdaman nyo ang nararamdaman nya para sa’kin kaya nasabi nyo yun. Hindi sa mga actions nya nakabase ang pagkakasabi nyo noon, at isa pa seryoso kayo ng sabihin nyo sa’kin yun. At hindi lang ikaw ang nagsabi sa’kin ng bagay na yun, si Kyla din. Hindi ako naniwala sa sinabi nyo na mahal nya ako noon hanggang sa kanya ko na mismo nalaman.” Tumigil ako saglit at pinunasan ang mga luha ko saka ko sya tinitigan. “Pero sige mommy, kung ang pakikipag-engage lang ang makakapagpawala ng galit na nararamdaman mo para sa’kin, papayag ako. Kahit masakit, at kahit ang kapalit nun ay iwan si Jervin. Mas mabuti na nga siguro yun, para hindi ko na rin madagdagan pa ang paghihirap nya.”

Tumayo na ako sa pagkakaupo ko at dumeretso sa kama ko. Doon nagpatuloy na naman ang pag-iyak ko. Itutuloy ko na ba talaga ang engagement? Hindi ba nadadala lang ako ng sakit na nararamdaman ko?

“Jeanelle, hindi mo ako masisisi kung nagkakaganito ako. Hindi ko lang talaga matanggap na kinailangan mo pang gawin yun para hindi matuloy ang engagement mo kay Niko noon gayong pwede mo naman sabihin sa’kin ang magiging opinyon mo kapag nakilala mo sya nung mga panahon na yun. Kilala mo ako Jeanelle, kahit gaano ko pa kagustong kontrolin ang buhay mo hindi ko ginagawa dahil kaligayahan mo pa rin ang iniisip ko. Ang akala ko talaga kilalang kilala mo na ako bilang nanay mo at laging nakakasama mo, pero hindi pa rin pala talaga.” Narinig ko ang mga paghikbi ni Mommy. Nasaktan ko din talaga sya sa ginawa ko.

Tama sya. Dapat alam ko yun dahil kilalang kilala ko sya. Alam ko na kapakanan at kasiyahan ko ang laging inuuna nya, ganun na din si Daddy. Kaya nga close kami nyan ni Mommy eh, kasi kahit busy sya sa trabaho hindi nya nakakalimutan na pagtuunan pa din ako ng pansin, kaya naman kilalang kilala nya din ako. Ang sakit lang na kasalanan ko ang lahat kung bakit nangyayari ang lahat ng ‘to. Kung bakit ang mga tao sa paligid ko at mahalaga sa’kin ay nasasaktan ngayon.

“Mahal na mahal kita Jeanelle. Mauna na ko. Good night.” Malungkot ang mga boses ni Mommy habang nagpapaalam kaya naman napasigaw na ako.

“MOMMY I’M REALLY SORRY. MAHAL NA MAHAL DIN KITA ALAM MO YAN. Pangako.... Pangako babawi ako. Ngayon gagawin ko ang gusto mo kahit na..... kahit na ang kapalit ay ang pakawalan si Jervin.” Lumingon sya sa’kin at nginitian lang ako.

TT______TT

Nahihirapan na ako sa paghinga dahil sa labis na pag-iyak. Ang sakit sakit ng nararamdaman ko. Ang sakit bitawan ng mga salitang pakakawalan ko na si Jervin. Pakakawalan ko sya ng wala man lang akong nagawa para ipaglaban sya sa Mommy ko habang sya gumagawa ng paraan para ipaglaban ang nararamdaman naming dalawa. Pero anong magagawa ko? Wala akong magagawa pag ganitong seryoso si Mommy.  Ang mailaban sya kay Mommy ay talagang para bang napaka-imposible na. Parang wala na talagang pag-asa dahil sa nagiging bato na ang puso nya pag tungkol sa’min ni Jervin ang usapan </3

====================================

AN: 3 Chapter Update ulit. Nira-rush ko na kasi sobrang tagal na nito eh XD nakakahiya naman kung di ko pa tapusin eh matagal ko na naman tapos ang orig story nyan :P.

Enjoy reading po ^^

Salamuch sa nagbasa, magbabasa at babasa pa lang XD (ayy tama ba? shunga kong author XD)

Makiki-read na din po nung isa kong story na si Ivan Falceso at Kyla Cabrera ang character. Check nyo lang naman kung magugustuhan nyo hehe~ Thanks ulit ^^

http://www.wattpad.com/story/5684072-my-bossy-lover

Biggest Problem: To Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon