CHAPTER 16: Love! Love! Love!
Umaga na naman.
Yey! Sa wakas wala na akong sakit, makakapasok na ako. Haha sino ba naman ang hindi gagaling ng mabilis kung ang nag-alaga ay gwapong gwapo. Tapos super caring pa ang loko. XD Kakilig!
Nagawa ko na ang daily routine ko. Chine-check ko na lang gamit ko ng biglang tumunog ang phone ko. Someone text me! Sino naman kaya yun?
I check the phone. Si Kyla pala.
From: Kyla bessy
Nelle, gising ka na ba? Kung oo at naka-ready ka na, punta ka kaagad dito sa Glass house okay.
To: Kyla bessy
Ang aga pa ah. Andyan na kayo kaagad? At saka anong gagawin dyan?
*message send*
Ang bilis nyang sumagot. Wala pang isang minuto naka-tanggap na ulit ako ng text mula sa kanya.
From: Kyla bessy
Secret! Basta magpaganda ka huh. Dalian mo na.
Hala excited ang loka! Ano kayang meron? Hmp bahala na nga.
Hindi ko na sya ni-replayan. Nag-paalam na ako at lumabas na ng bahay. Nanlaki naman ang mga mata ko ng makita ko sya.
Ano namang ginagawa nya dito?
Napakibit balikat na lang ako at lumapit sa kanya. Wala na naman akong magagawa kasi andito na sya eh.
"What are you doing here?" Tanong ko at inalalayan sya sa pag-tayo.
Nakaupo kasi sya sa tabi ng kotse nya habang inaantay ....
AKO! Siguro naman ako lang inaantay nya di ba?
"Sinusundo ka. Bakit masama?" Bakit ba pag nagsasalita sya parang ang taray na ang sarcastic ng tono nya? Tsk.
"Hindi naman. Pero teka, inutos ba yan ni mom?" Nagtatakang tanong ko.
"Hindi huh. Kagustuhan ko 'to." Sabi nya naman.
Syet! Baka naman talagang in love sa'kin 'tong tao na 'to? Haha XD.
JERVIN's POV:
Ngayong umaga napagdesisyunan ko na sunduin si Jeanelle para masigurado na okay sya. Hindi ko sya sinabihan o itinext. Basta pupuntahan ko na lang sya para sunduin.
Nag-intay ako sa labas ng bahay nila. Napaaga yata ako kaya ang tagal nyang lumabas.
O baka naiinip lang talaga ako. Paksyet yun oh!
Habang nakaupo ako sa tabi ng kotse ko, may biglang nag-salita. Tinignan ko kung sino 'to at malamang nga sa alamang ay si Jeanelle yun.
"What are you doing here?" Tanong nya tapos inalalayan nya ako sa pagtayo.
Pang-asar 'to! Parang sa tono ng pagtatanong nya ayaw nya ng ginawa ko ah. Tsk!
"Sinusundo ka. Bakit masama?" Ayan naaasar tuloy ako ng bahagya. =_____=
"Hindi naman. Pero teka, inutos ba yan ni mom?" Tanong nya ulit.
Ang tungags nya din. Lahat ba ng ginagawa ko sa tingin nya utos ng mom nya? Tsk.
Isa pa, bakit naman kailangan pang iutos sa'kin yun ni Tita? Eh hindi naman sya ang nag-sabi na maging boyfriend nya ko. Di ba? Sya pa nga dapat nag-uutos ng mga ganung bagay eh para mag-mukhang makatotohanan.
Pero wala! Ito ako, ako na din ang gumagawa ng paraan para mag-mukhang totoong kami hays.
"Hindi huh. Kagustuhan ko 'to." Naka-pout ako pero di nya nakita kasi tumalikod na ako.
BINABASA MO ANG
Biggest Problem: To Fall In Love
Novela JuvenilPaalala: Ang story po na ito ay ang ginawa kong fanfiction noon sa B2ST. K-Pop group! Kung kilala nyo, wave naman dyan haha. Try nyo po basahin. :D Di ko maisip kung ano ba talaga dapat title nung story. Nung unang post ko nyan, "I Don't Know How To...