Chapter 23: Its Still Hurts

223 3 2
                                    

Chapter 23: Its Still Hurt

Nagising ako ng sobrang sakit ng ulo ko. Halos hindi ko na rin matandaan kung paano ba ako nakauwi dito sa bahay. Hays ~

Pagkabangon ko dumeretso agad ako ng banyo at nag-ayos ng sarili. Pagkatapos bumaba na din agad ako at hinanap si Ate Beth, yaya ko.

"Ate Beth where are you?" Sigaw ko habang pababa ako ng hagdan.

"Dito po Ms. Jeanelle." She yelled back at lumapit sa'kin. "Bakit po?"

"Uhm, pano ako nakauwi dito?" Nahihiyang tanong ko sa kanya.

"Hinatid po kayo ng boyfriend mo." Sagot nya habang naglalakad kami ng living room.

"Ah sige yun lang, salamat Ate Beth." Umalis na sya at naupo naman ako sa sofa.

Habang iniisip ko ang nangyari kagabi, saka lang nag-sink in sa'kin yung sinabi ni Ate Beth.

T-Teka? Boyfriend ko daw ang nag-hatid sa'kin? o.O

Pero ang pagkakaalala ko si Niko ang kasama ko kagabi. Tapos, nasabi ko sa kanya ang lahat. As in lahat.

Sya naman siguro ang napagkamalan ni Ate Beth di ba? Siguro naman sya din ang nasabihan ko ng lahat at hindi ibang tao.

Waaaaaaaaah ~

"Ate Beth ~" Sigaw ko ulit.

"B-Bakit Ms. Jeanelle?" Natatarantang tanong nya.

"Ate Beth paki-describe naman nung sinasabi mong boyfriend ko!" Nagtaka sya sa sinabi ko. "A-Ano kasi ..... baka iba yun Ate Beth." Naweirduhan sya sa tawa ko pero buti na lang nakalusot.

"Uhm, para syang bad guy eh, yung mayabang. Cool sya, gwapo din, ma-charisma at saka mga 179 cm ang tangkad." Nginitian nya ako.

"A-Ah s-salamat Ate Beth." Kinabahan ako bigla at nagpanic ng makaalis si Ate Beth.

Syeeeet ~ Si Jervin yun. Alam kong si Jervin yun. Dahil si Niko ay gwapo din syempre, pero cute sya at mala-anghel ang mukha.

Waaaaah ~ Anong gagawin ko? Narinig kaya nya ang mga sinabi ko kay Niko? Sinabi kaya ni Niko ang mga sinabi ko sa kanya? Alam na kaya nya na gusto ko sya? Kainis naman oh ~

Habang natataranta ako sa kakaisip kung alam na ba nya ay biglang nag-ring ang phone ko. Kinabahan ako sa thoughts na baka si Jervin yun. Pero na-disappoint ako ng ang makita sa screen ng phone ko ay name ni Niko.

"H-Hello." Nahihiyang sagot ko. "Uhm, can I ask you something?" Sabi ko agad.

(Sure! What is it?)

"Are you with me at the bar last night?"

(Yeah! And actually I know everything now kung yun ang inaalala mo.) Narinig ko ang pag-smirk nya, mahina lang and it sounds irritated but at the same time sad and worried. (By the way, how are you feeling now?)

"Masakit ang ulo ko but I'm fine."

(Mabuti naman. Inom ka ng gamot sa hangover. Sige, bye ~)

"Ah sige salamat."

May itatanong pa sana ako sa kanya kaya lang pinutol na agad nya yung tawag.

At least na-confirm ko na si Niko ang nakarinig ng lahat. Okay na yun. Pero nagtataka pa rin ako kung paanong si Jervin ang nag-uwi sa'kin. Tsk!

Pero bago ang lahat, patay ako. Alam na ni Niko ang totoo. Should I also tell to my mom the truth? Ewan ko! Parang hindi ko yata kaya.

Bumalik ako sa kwarto ko na malalim ang iniisip. Thursday pa lang ngayon at may pasok pa bukas. Makikita ko na naman sya at kailangan ko na naman magpanggap na okay ako sa harap ng mga kaibigan ko lalo na sa kanya.

At isa pa, kailangan ko na din ihandan ang sarili ko sa mga susunod na mangyayari lalo na sa pinaka-masakit na part.

Naiyak na lang ako bigla sa na isip ko.

Kailangan ko na ba syang pakawalan? Syet lang ~ Iniisip ko pa lang hindi ko na kaya. Masakit isipin pero alam ko yun ang tamang gawin. Dahil una sa lahat, ang taong mahal ko ay hindi sa'kin.

"T@ngna Jervin sana kasi mahal mo na lang ako, dahil alam ko di mo ako sasaktan ng ganito." Kinakausap ko ang picture nya sa wallpaper ng phone ko habang umiiyak.

Ang sakit talaga. Ang hirap sa pakiramdam. Akala ko kapag dinaan ko 'to sa pag-inom mawawala na,

hindi rin pala. Nandito pa rin yung sakit.

XOXO

♥мεαии εcнizεи♥

COPYRIGHT © 2012

DONTKNOWTRUELOVE ®

ALL RIGHTS RESERVED

Biggest Problem: To Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon