A/N: Ah buti na lang ok yung last update ko XD feeling ko kasi ang corny nun, parang walang kadating dating hehe, thanks ulit sau @mimaygel :))
---------------
Chapter 28: Finally Confessed [Part 2]
It's lunch time and we are at the green house eating our lunch. Wala naman nagbago sa'min ni Jervin. Parang yung dati pa rin, at saka isa pa, nahihiya pa talaga ako. Hindi ko alam kung paano ako dapat kumilos sa harap nya at ng mga kaibigan namin.
Kaya kesa mahirapan ako, napagdesisyunan ko na itrato na lang sya kung paano ko sya itrato noon.
"Hoy Jervin, timang ka talaga. Kung anu-anong kasinungalingan ang sinasabi mo sa mga yan." Naiinis na sigaw ko sa kanya.
"Sus naman! Wag ka ng denial Jeanelle at saka halata din naman nila 'yun." Tinitigan ko lang sya ng masama while he stuck out his tounge.
Aba't lokong yan malakas din pala mang-asar. Yabang nya! Tss.
"Akala ko ba kayo na? Bakit parang tulad pa rin kayo ng dati?" Puna ni Marco.
"Ewan ko dyan kay Jeanelle. Timang kasi eh." Nginisian ako ng loko pero hindi ko na lang sya pinansin.
Magkaharap kasi yung upuan namin tapos katabi ko sa right si Kyla at si Rizza sa left. Syempre si Ivan na sa tabi ni Kyla at si Rence kay Rizza. Paikot yung upo namin at sya nga ang katapat ko.
"Wag kang ganyan Jervin. Syempre first time pa lang naman na-inlove si Nelle." Sinamaan ko ng tingin si Kyla at nag-peace sign naman sya sa'kin.
"At saka Jervin, ikaw kaya ang first boyfriend nyan. Kung kayo nga talaga." Pang-aasar ni Rizza sa kanya.
"Oy Jeanelle sabihin mo nga sa kanila na tayo na." Naiinis na utos nya sa'kin.
Nag-evil smile lang ako and I stuck out my toungue. Nagtawanan lang kami at inasar nila ng inasar si Jervin habang sya ay nababadtrip sa kakakulit sa'kin na sabihin ko sa harap nilang lahat na mahal ko sya.
Nahihiya ako sa ginagawa nya pero syempre masaya kasi nga hindi na namin kailangan pa na itago ang nararamdaman namin.
---------------
[ NORMAL POV ]
*FLASHBACK*
Pagkagaling ni Kyla sa bahay ni Jeanelle ay nagpunta kaagad sya sa dorm ng mga Halimaw. Naka-receive kasi sya ng message mula kay Rizza. At ayon dito ay may nangyayaring boy's talk sa dorm.
Nang makarating naman sya at makita ni Ivan ay hinila kaagad sya nito papunta sa living room. Doon sinabi ng boys ang lahat ng napag-usapan nila ni Jervin at syempre same goes with Kyla na sinabi din ang napag-usapan nila ni Jeanelle.
BINABASA MO ANG
Biggest Problem: To Fall In Love
Novela JuvenilPaalala: Ang story po na ito ay ang ginawa kong fanfiction noon sa B2ST. K-Pop group! Kung kilala nyo, wave naman dyan haha. Try nyo po basahin. :D Di ko maisip kung ano ba talaga dapat title nung story. Nung unang post ko nyan, "I Don't Know How To...