Chapter 32: Her Presence

196 1 2
                                    

CHAPTER 32: Her Presence

 

 

JERVIN’s POV:

 

 

Takte! Kinakabahan ako habang inaantay si Niko na nasa loob ng bahay. Gagawin nya kaya ang favor na hiningi ko sa kanya? Malamang hindi dahil katulad ng sinabi nya sa’kin, alam ko na mahal nya si Jeanelle, mahal na mahal. Yan ang mga nasa isip ko habang nag-aantay, pero lahat ng kaba ko nawala dahil sa sinabi nya bago sya umalis.

“Siguraduhin mong hindi mo sya i-gi-give up at makukuha sya ulit. Siguraduhin mo din na hindi sya masasaktan at iiyak ng sobra tulad ng pag-iyak nya nitong mga nakaraan. Ipapaubaya ko sya sayo hangga’t alam ko na masaya sya sayo. Pero once na malaman kong sinasaktan mo sya, sisiguraduhin ko na kukunin ko na sya sayo ng tuluyan.”

 

Hindi man lang ako naka-react sa mga sinabi nya. Sobra kasi akong natulala sa mga narinig ko. Hindi ko akalain na pagbibigyan nya pa rin ako sa kabila ng lahat ng nalaman nya. Alam ko masakit para sa kanya yun pero nagpapasalamat ako na binigyan nya ako, kami ni Jeanelle ng pagkakataon. Ang saklap lang hindi man lang ako nagsalita at nagpasalamat kanina.

“Pangako hindi ko sya isusuko, lalo na ngayon.” Mas lumakas ang loob ko dahil sa ginawa nya. At bilang kabayaran sa malaking utang ko sa kanya, sisiguraduhin ko na makukuha ko sya ulit at hindi na papabayaan pa.

Pero sa ngayon mukhang nauubusan na talaga ako ng lakas. Bukod sa basang basa na ako, inumaga na ako sa pagluhod dito sa harap ng bahay nila Jeanelle. Hindi ko na magawang tumayo dahil feeling ko hindi ko na ma-control ang mga paa ko at namamanhid na ang legs at binti ko sa sakit. Kaya naman ng magbukas ang pinto nakita ko ang pagkagulat ni Tita Jade ng makita ako.

“W-What are you still doing here?” Mahina pero loud enough para marinig ko sya.

“I told you Tita hindi ko isusuko si Jeanelle at ang pakikiusap sa inyo na pagbigyan pa ulit kami. Hindi ako magsasawa na ulit ulitin sa inyo na mahal ko ang anak nyo maniwala lang kayo.” Halos mahina na rin ang boses at parang paos na.

“Y-Yeah right! Sige na, panalo ka na. Pero sa ngayon umuwi ka muna dahil ayokong makipag-usap sayo ng ganyan ang itsura mo.” Lumapit sya sa’kin at saka ulit nagsalita, “Intayin mo na lang ang tawag ko. Sa ngayon hindi pa ako ganoon ka-ready na kausapin ka ng matino.”

 

Napangiti ako sa sinabi ni Tita Jade sa’kin. YES! Sa wakas napansin na din nya ang effort ko. Takte! Hindi sayang ang ginagawa ko alam ko yun kaya mas pagpupursigihan ko pa talaga ‘to.

Tinulungan muna akong tumayo ng driver ni Tita Jade bago sila tuluyang umalis. Pagkaalis nila ay sinulyapan ko lang ang kwarto ni Jeanelle ng may ngiti at saka umalis ng tuluyan. Nang makarating naman ako sa bahay ay napabagsak agad ako sa kama ko. Nagpahinga lang ako saglit at nagayos na din ng sarili. Pagkagaling ko sa banyo at pagbalik sa kwarto ay nagulat ako ng makita ang mga barkada ko.

Biggest Problem: To Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon