Chapter 13: How Sweet!

314 4 2
                                    

CHAPTER 13: How Sweet!

Monday morning. =_____=

Paksyet! Ang sama ng pakiramdam ko. Nakakapanglambot. (._.) May pasok pa naman ako ngayon.

I did my daily routine. Naligo, nagpalit ng uniform at kumain. Tapos inaantay ko na lang ngayon ang mga besties ko.

=_________=

Okay ang sama na talaga ng pakiramdam ko. Badtrip!

Kumuha ako ng termometer para macheck na nga kung may sakit ako. 39.1 Patay meron nga. Uwaaaah~ T3T

"Bakit naman ngayon pa?" Bumalik na ako sa living room. Sakto nandun na din pala sila.

"Nelle, may problema? Parang ang tamlay mo!" Kyla. Lumapit sya sa'kin at hinawakan sa kamay. "Ang init mo ah. May sakit ka?"

"Hala! May sakit? Wala nu. Buhay kasi ako kaya mainit ang katawan ko." Ngumiti ako sa kanya at masiglang nagsalita.

"Are you sure? Iba kasi ang init mo eh. Wag ka na lang kayang pumasok?" Nag-aalalang sabi nito.

"Oy anong meron? Jean, may sakit ka?" Lumapit sa'kin si Rizza. Hahawakan pa sana nya ko pero umiwas na ko.

"Tara na! Male-late na tayo eh. At saka wala naman akong sakit." Ngumiti ako sa kanilang dalawa.

Naglakad na kami papuntang school. Ito namang si Kyla at Rizza alalang alala sa'kin. Gusto na kong pauwiin kaya lang ayoko talaga. So, I tried my best to pretend na okay lang ako, na kaya ko.

Kahit na pakiramdam ko anytime ay parang mahihimatay ako. Tsk!

Sa paglalakad namin nakita namin ang mga Halimaw. Syempre lumapit kami sa kanila.

"Good morning mga halimaw." Masayang bati ko sa kanila.

Asan kaya yung isang yun? Hanap! Hanap Hanap! May biglang tumapik sa likuran ko.

"Are you looking for me?" Sarcastic na tanong nya. Sino pa? Eh di si Jervin.

Langya! Nagwala yung puso ko dahil dun. Daig ko pa ang walang sakit. XD

"Hoy ang kapal mo. Bakit naman kita hahanapin." Pag-dedeny ko.

"Ah talaga? Minsan galingan mo sa pagsisinungaling huh." Tapos kinurot nya ko sa pisngi. "Teka, ang init mo ah." Hinawakan nya ang noo ko. "'May lagnat ka."

Namula ko sa mga actions nya. Alalang alala sya kahit sa harap ng mga kaibigan ko at kaibigan nya. Parang pakiramdam ko tuloy totoo ang mga ginagawa nya.

Kasi naman di ba. Wala dito si Niko. So, no need to act that way. Baka lalo akong ma-inlove sa kanya nyan eh tsk.

"W-Wala kaya! Buhay pa kasi ako kaya ganyan." Inalis ko na yung tingin ko sa kanya.

Yung iba tuloy ni-check na din ako kung may sakit ako pero tanggi pa din ako ng tanggi kahit alam kong meron naman talaga. Ayoko kasing umabsent!

Kasi naman eh!

JERVIN's POV:

Baliw talaga yung babaeng yun! Sobrang init nya at parang ang taas taas na ng lagnat nya. Kaso ang kulit naman hindi namin mapilit na umuwi.

Hays! >______< Pasaway!

Kailangan ko pa tuloy syang bantayan buong maghapon. Mamaya baka mahimatay pa yan dyan eh.

Bakit nga pala kaya sya nilagnat? Tsk. Baka dahil nung hindi sya natulog. Kasi napaka-pasaway talaga.

"Hoy Jeanelle, pag di mo na kaya sabihin mo sa'kin huh para maiuwi kita." Paalala ko sa kanya habang naglalakad na kami papuntang class room.

Biggest Problem: To Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon