Chapter 9: Another Problem

309 3 1
                                    

CHAPTER 9: Another Problem


 

Bago kami tuluyang pumunta ni Jervin sa bahay namin. Syempre kailangan ng mga palusot para hindi kami mahalata ng mga kaibigan namin. Hindi naman kase namin masabi sa kanila yung sitwasyon namin.


Si Jervin umuwi na agad kase magpapalit pa daw sya ng suot nya. Ako naman nagpaiwan na muna kasama yung ibang halimaw at yung mga besties ko.





Nahingi ko na nga din pala ang cellphone numbers nila. ^_______^



"Guys, mauna na ko sa inyo huh. Nag-aantay na kasi si mommy sa bahay." Paalam ko sa kanila.


"Sabay na kami sayo Nelle." Kyla. Tatayo na sana silang dalawa ni Rizza, pero pinigilan ko sila.


"Wag na! Makipag-bonding na lang muna kayo dyan sa mga halimaw." Nakangiting sabi ko naman sa kanya.


"Ayos lang ba talaga na di ka nila sabayan o di ka namin ihatid?" - Francis.


"Okay lang talaga. Sige na, bye!" Nagwave na ko sa kanila at tumakbo na palayo sa kanila.



Papunta na ko sa park ngayon. Naglalakad ako ng may ngiti sa labi ko. At pakiramdam ko ay excited ako na makakasama ko ulit sya.



 

Yun ang nararamdaman ko.




Nang makarating naman ako sa park, hindi ko sya nakita. Akala ko hindi sya sisipot ng biglang may nagbusina ng sasakyan.



"Get in the car now. Baka kanina pa nag-aantay si Tita Jade eh." Utos nya sa'kin.




Grabe close sila ni mom ano ba yan. ^///^



Naupo na ko sa tabi nya. Sa loob ng kotse nakita ko ang 2 boquet.


"Oo nga pala Jervin, paano nakuha ng mom ko ang number mo?" Nagtatakang tanong ko. Nauna pa sa'kin si mommy eh tsk.


"I forgot how." Nag-aalangang sagot nya. "Hindi ko talaga alam." Natawa na lang sya.


"Are you serious? Baliw!" Nag-smirk na lang ako.



Saglit lang naman ang byahe kaya ito nandito na kami sa tapat ng bahay namin. I knock on the door and let my maid to address Jervin.


Hinayaan ko na lang muna si Jervin sa living room namin. Ako naman, dumeretso muna papunta sa kwarto ko. Maliligo muna kase ako at magpapalit ng outfit ko para naman hindi nakakahiya.




JERVIN's POV:




Hays! Hindi ko alam kung bakit ako pa mismo ang nag-volunteer kay Jeanelle. I mean, bakit ko pa sya binigyan ng another chance sa kalokohan na 'to?





Nababaliw na yata ako eh! >.<




Andito na kami ngayon sa bahay nila. Iniwan ako saglit ni Jeanelle dito sa living room nila. Maliligo daw muna kasi sya at magpapalit kaya hinayaan ko na.




Buti nandito na si Tita Jade para i-entertain ako.




"Jervin, thank you so much dahil pinaunlakan mo ang aking inbitasyon." Masayang sabi sa'kin ni Tita Jade.


"You're always welcome po Tita Jade." Nakangiting sabi ko naman sa kanya.



Ang tagal naman nitong si Jeanelle. May kalahating oras na yata kaming nag-uusap dito ni Tita Jade eh.



Mula sa kinauupuan ko kita ko naman ang hagdan pataas. Yung mata ko napatingin tuloy dun kakaintay sa kanya.





At natulala ako ng makita syang naglalakad na pala pababa.



"Ang ganda nya pala talaga." Lumabas na lang yun sa mga labi ko habang nakatingin pa rin ako sa kanya.


"You like her so much, right?" Tanong ni Tita Jade. Dahil siguro sa sobrang focus ako sa pagtitig sa kanya, hindi ko na inisip kung ano ang masasabi ko.


"Yeah, I really her." Yun ang nasabi ko.




Nagising lang ako nang marinig ko ang pag-giggle ni Tita Jade. Ako naman nahiya at biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi kung yun.





Yeah, I really like her? (?____?) Anong kalokohan mo yan Jervin? Tsk.




JEANELLE's POV:



Pababa na ko ng hagdan ngayon. Baka naiinip na si Jervin, alam ko kase na napakatagal ko na. XD


Habang naglalakad ako pababa, nakita ko si Jervin na kasama na si mommy. Nabigla naman ako ng tumingin sya sa dereksyon ko.





At paksyet! Para akong matutunaw sa mga tingin nya. Hindi na kasi nya inalis ang mga mata nya sa pagtitig sa'kin.




Nakatingin pa rin sya sa'kin kahit na nakatayo na ko sa harapan nya. Nahihiya na tuloy ako at kinakabahan sa kanya.  o(≧▽≦)o


"Jervin, ayos ka lang ba?" Wala nga pala kaming endearment. Ang baduy kasi nun para sa'kin.


Tinatanung ko sya kaso parang hindi nya ko narinig. Tinapped ko na lang sya sa balikat nya. Malalim yata ang iniisip eh.


"N-Nadyan ka na pala." Yun lang ang sinabi nya at inalis na ang tingin sa'kin. Natawa naman si mommy kay Jervin.



"Nakikita ko na sobrang in love ka nga talaga kay Jeanelle." Natatawa tawang sabi ni mommy. Nag-blush naman kami pareho.




Sya in love sa'kin ng sobra? Pano naman kaya nasabi yun ni mommy? Hmp.



Pinapunta na kami ni mommy sa dining room. Susunod na lang daw sya kasi may iintayin pa sya. Hindi ko nga alam kung sino eh.




Di kase ako makapag-isip dahil ang naiisip ko lang ngayon ay yung nangyari kanina. Nung titig na titig sa'kin si Jervin. Natatawa tuloy ako, siguro ito yung kilig na tinatawag nila.




"Hoy pwede ba Jeanelle tumigil ka na sa kaka-giggle dyan." Naka-pout nyang sabi.



Oh di ba, kahit na mayabang na tulad nya marunung nun. Ang cute!



"Kasi naman nakakatuwa ka talaga kanina. Nawawala ka sa sarili mo." Pinipigilan kong mapatawa.


"Alam kong nakatitig ako sayo kanina. Bakit ikaw? Nakakatitig ka din naman sa'kin ah." Natameme ako dun sa sinabi nya. "Oh bakit ka natahimik?" Nakangiti na sya ng nakakaloko.


"Baliw ka! Hindi naman kaya ako nakatitig sayo. Feelingero ka!" Pagde-deny ko sa kanya.


"Yabang mo naman. Kung feelingero ako, feelingera ka naman." Tumingin sya sa ibang dereksyon.



Habang nag-aasaran kaming dalawa ni Jervin at nagkwentuhan after ng asaran, pumasok na ang mommy ko. At nanlaki ang mga mata ko ng makita ko kung sino ang kasama nya.






Si daddy.




JERVIN's POV:



Nakakahiya! (>////<)



Kaasar naman 'tong si Jeanelle inaasar pa ko. Lakas ng loob! Sumbong ko sya sa mommy nya eh.


Pero after naman ng asaran ay nagkwentuhan na kami. Madami akong nalaman na bago about her at natutuwa ako na malaman yun. Ganun din sya, maraming nalaman sa'kin.


Ayan na pala si Tita Jade. Teka may kasama sya. Lalaki, siguro mas matanda lang sya ng 1 or 2 years kay Tita Jade. Sino naman kaya sya?



Biglang tumayo si Jeanelle. Tumingin sya sa'kin at sinenyasan ako na tumayo din. Nagtataka ako kung bakit pero sumunod na lang ako.



"Who is he?" Bulong ko pero nakatingin ako sa dereksyon nila Tita Jade.


"Daddy ko yan." Parang kinakabahan nyang sabi. "You should greet him." Dagdag pa nya, nag-nod ako.


"Good evening, Sir." Di ko alam pangalan eh.


"Good evening." Masigasig na sabi nung dad ni Jeanelle. Tapos tinignan nya ko mula ulo hanggang paa. "Sige maupo na kayong dalawa." Utos nito.




Pagkaupo namin, naupo na din silang dalawa ni Tita Jade. Bali ang arrangement ay, katabi ko si Jeanelle. Katapat ko naman dad nya at katabi nito si Tita Jade.



"Good evening nga pala dad." Pahabol na bati ni Jeanelle.



Pagkasabi nun ni Jeanelle, ngumiti lang sa kanya ang dad nya at tumingin na ulit sa'kin ito.


"Ikaw ang boyfriend ng anak ko diba?" Seryosong tanong sa'kin ng dad nya.




Nakakakaba naman 'to. At dagdag problema din. >____<



"Opo, ako nga. I'm Jervin Rabaya." Pakilala ko dito.


"Daddy, mamaya na yang usapan na yan. Kumain na muna tayo, okay." Sabi ni Tita Jade sa kanya ng nakangiti.


Nag-nod na lang ito sa'kanya. Nag-umpisa na kaming kumain. Paunti unti ay nag-uusap din naman kami habang kumakain.





Brix pala name ng dad nya. Tito Brix!




JEANELLE's POV:



Nakakaloka! TT_____TT




Bakit naman hindi sinabi sa'kin ni mommy na dadating pala si daddy? Pano na yan? Pano ko pa tatapusin ang ginawa kong kalokohan kung pareho na nilang alam ang tungkol dito?





PATAY TALAGA KO!




Tapos na kaming kumain ngayon. Nagpapahinga na kami dito sa living room ng biglang yayain ng daddy ko si Jervin sa labas. Sabi nya mag-uusap lang daw sila ng lalaki sa lalaki.




Pano kung ilaglag ako nitong si Jervin? Nako namaaaan~




Kanina pa sila nasa labas ah. Kinakabahan na talaga ako. Ano kayang pinag-uusapan nilang dalawa? Baka naman umalis na si Jervin? Uwaaah~ natataranta ako.



"Nak, bakit ba parang balisa ka?" Tanong sa'kin ni mommy.


"Eh kase naman po si daddy. Kanina pa po sila sa labas eh." Kinakabahan talaga ko. Nginitian naman ako ni mommy.


"Wag kang mag-alala sa boyfriend mo. Wala namang gagawing masama si daddy mo dun eh."


"Alam ko naman po yun eh." Sabi ko. Pero kase iba ang naiisip ko. Baka mamaya uwaaaaaaah~ nakakaloka.



After ng pag-hihintay sa kanila ng napaka-tagal, sa wakas bumalik na silang dalawa.




Si daddy ang ganda ganda ng ngiti habang si Jervin ay halos parang napipilitan lang na ngumiti sa harap nito.



Lumapit sila pareho sa'kin. Itinayo ako ni daddy mula sa pagkakaupo. Hinawakan nya ang right hand ko, tapos kinuha nya yung left hand ni Jervin at pinaghawak ito.





Ano bang ginagawa ni daddy? Nakakahiya.



"D-Dad a-ano bang nangyayari sayo? A-At saka a-anong g-ginagawa mo?" Natatarantang tanong ko sa kanya.



Hindi nya sinagot ang tanong ko. Bagkus ay humarap sya kay Jervin saka nagsalita.



"Jervin, ipinagkakatiwala ko na sayo itong si Jeanelle. Pumapayag na ko sa gusto nitong si Jade na ikaw na lang ang maging fiancé ng anak ko." Nakangiting sinasabi sa kanya ni daddy yun.




Ano? Fiancé ko na si Jervin? Hindi pwede! Ayoko.



"Please take good care of her. Buti na lang at boto din sayo itong si Brix." Nakisali na sa usapan si mommy. Kami naman ni Jervin pareho siguro nasa state of schock. "Sige maiwan na namin kayong dalawa."



Pagakasabi nila nun, umalis na nga sila agad. Uwaaaaaah~ ano 'to? Faincé ko na ba talaga sya? Ayoko!






Ayoko talaga!




JERVIN's POV:



Bakit pinaghawak ni Tito Brix ang kamay namin ni Jeanelle? Ano namang pakulo 'to? Naku naman!


"D-Dad a-ano bang nangyayari sayo? A-At saka a-anong g-ginagawa mo?" Natatarantang tanong nya sa dad nya.



Hindi nya sinagot ang tanong ni Jeanelle. Bagkus ay humarap sya sa'kin saka nagsalita.



"Jervin, ipinagkakatiwala ko na sayo itong si Jeanelle. Pumapayag na ko sa gusto nitong si Jade na ikaw na lang ang maging fiancé ng anak ko." Nakangiting sinasabi nya iyon sa'kin.




Ano daw? Fiancé na ako ni Jeanelle? Anong kalokohan yun? Paksyet naman oh! Kaya ba tinatanung nya ko ng ganun kanina? Tsk.




ASAR!



"Please take good care of her. Buti na lang ang boto din sayo itong si Brix." Nakisali na sa usapan si Tita Jade. Kami naman ni Jeanelle pareho siguro nasa stage of schock. "Sige maiwan na namin kayong dalawa." Umalis na sina Tita Jade at pumanhik papunta sa kanilang kwarto.




Uwaaaaah~ si Tita Jade ang may pakana nito. Ano na naman 'tong gulong pinasok ko? Grrrrrrr nakakaasar naman. Bakit ba kasi di ko na lang ibuko 'tong babaeng 'to ng matapos na ang lahat?




"Hoy Jervin! Ano bang pinag-usapan nyo ng dad ko at biglang ganun?" Natauhan na ko ng mag-salita na si Jeanelle.



*FLASHBACK*



Niyaya ako ni Tito Brix sa labas nila para daw mag-usap kami ng lalaki sa lalaki. Ako naman, sumunod lang sa kanya.



Andito kami sa garden nila at nakaupo sa isang bench. Tahimik lang sya! Nakakabingi sa sobrang tamihik. At nakakagulat naman ng bigla syang mag-salita.



"Ikaw? Mahal mo ba talaga ang anak ko?" Unang tanong nya sa'kin.



'Syempre hindi nu.' Kung pwede ko lang sabihin yun tsk.


"Opo! Mahal na mahal." Puro kasinungaling na ang lumalabas sa bibig ko eh.


"Maipapangako mo ba sa'kin na hindi mo ako niloloko? Lalo na sya?" Ikalawang tanong nya. Tsk.



'Sorry po kung niloloko ko kayo. Pero kasalanan itong lahat ng anak nyo.' Yan ang gusto kong sabihin.


"Pangako po. Hinding-hindi ko po gagawin iyon. Lalo na po sa kanya." Bakit ko naman lolokohin si Jeanelle? Eh sya naman mismo nanloloko sa sarili nya.



"Siguraduhin mo lang na mamahalin mo sya ng totoo. Pakiusap wag mo din syang sasaktan at papaiyakin." - Tito Brix



Hindi naman namin mahal ang isa't isa eh kaya sigurado na hindi talaga sya masasaktan at iiyak sa'kin.



Pero teka? Nakita ko na syang umiyak ng dahil sa'kin ah. Dahil ba sa'kin yun? Hindi, hindi dahil sa'kin yun. Takot lang syang sabihin ang totoo sa parents nya kaya sya umiiyak nun.



"Maasahan nyo po. Mamahalin ko sya ng buong puso at tapat. Hindi ko po hahayaan na umiyak sya." Uwaaaaah~ sorry po talaga kung puro kasinungalingan ang sinasabi ko.

"Maraming salamat kung ganon. Mahal na mahal ko kasi yang si Jeanelle, kami ni Jade mahal na mahal sya kaya naman iniingatan talaga namin sya." He tried to smile at me. Pinapakita ang lakas ng loob nya kung gaano nya kamahal si Jeanelle.      

Tanga ni Jeanelle! Sobra. Dapat sinabi na lang nya ang totoo at hindi na gumawa ng gulo tsk.



Kung anu ano pa ang napag-usapan namin ni Tito Brix bago kami tuluyang bumalik sa loob ng bahay.



*END OF FLASHBACK*



"Ano ka ba naman? Bakit sinabi mo pa kasi yung mga yun eh!?" Aba't sya pa talaga ang galit huh. Sumosobra na 'tong babaeng 'to.


Pagtataasan ko na sana sya ng boses ng magsalita ulit sya.


"Sorry huh! Pati tuloy ikaw nadadamay sa katangahan ko eh. Dahil sa'kin napahamak ka pa tuloy." Nakatungong sabi nya.



Napahamak? San? Baka yung pagiging fiancé ko ang tinutukoy nyang pahamak.


"Hays! Pasalamat ka ayoko kitang ilaglag sa dad mo, pati na rin sa mom mo. Ang gusto ko kasi, sayo nila mismo malaman yung ginawa mong kalokohan." Explain ko sa'kanya at itinaas mula sa pagkakatungo ang ulo nya.

"Salamat talaga. Wag kang mag-alala, gagawan ko na talaga 'to ng paraan para matapos na ang lahat ng ito." She weakly smile at me. Yung ngiting sigurado ako na hindi nya alam kung paano gagawin yun.





At sigurado din ako, na ang pagpapanggap na ito ay magtatagal pa talaga. Baka nga matutunan ko pa syang mahalin dahil sa kalokohan na 'to eh.












Pero joke lang yun. Makaalis na nga! Nakakabaliw talaga 'tong babaeng






Nakakaasar!










Nakakapansising tinulungan ko pa sya. Kasi naman eh! Di ko magawa na pabayaan na lang sya basta.








Bakit kaya? May feelings na ba ko para sa kanya? Ewan ko! Para sa'kin naman kasi parang wala. Eh kayo ba?








XOXO 

♥αииcнαи♥

Biggest Problem: To Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon