@iamgrumpyme oo tanda pa kita ^_^ haha ikaw ung dating nag-iintay din ng update ko hihi buti binabasa at inaantay mo pa din update ko khit sobrang tagal XD thank you
@mimaygel nabasa ko yung mahabang comment mu bout jervinelle haha XD thank you sa mga comment mu huh, ang saya magbasa ng comment eh hehe :))
--------------------------------------------------------------------------------------
Chapter 27: Problem Solving
"Wag mo nga akong lokohin Nelle. At sabihin mo nga sa'kin ang totoo, ano bang meron sa inyo ni Jervin?"
Nag-flashback sa isip ko ang tanong ni Kyla. Ano nga ba kasi ang meron samin? Hindi ko pa rin talaga alam.
"Alam mo ba Nelle, nung nawala ka bigla, sa'ming lahat si Jervin ang pinaka-nag alala." Sa ibang direksyon sya nakatingin, para bang may mas malalim pa syang iniisip.
"So?" Nakapag-taray pa tuloy ako. Maniniwala ba ako?
"Nelle, I guess he really care for you. Can't you feel it?" Hinarap na nya ako. "And there's one thing I notice."
"And w-what is it?" Kinakabahan na tanong ko.
"Please lang wag ka ng mag-sinungaling huh, pero in love ka na ba kay Jervin?" Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong naiyak.
Siguro kasi na-realize ko na nandyan si Kyla, syempre pati si Rizza, na mga kaibigan ko at handang makinig sa'kin. Pero ang ginawa ko sinarili ko ang mga problema ko kaya naman ngayon nahihirapan ako. Kung sasabihin ko ba sa kanya ang lahat giginhawa ba ang pakiramdam ko? Siguro.
"Kyla ~" Iyak ko sa kanya at niyakap nya ako.
"I know Nelle. Nasasaktan ka ngayon dahil sa EX nya, right?" Tumango ako. "Pero Nelle sa tingin ko naman iba na ang gusto ni Jervin, at sa tingin ko ikaw yun."
Kumalas sya sa pagkakayakap sa'kin at pinunasan nya ang luha ko na ayaw tumigil sa pag-agos.
"Pero paano mo nasabi? Bakit ako hindi ko maramdaman yun? Bakit pag nakikita ko sila parang mahal na mahal pa rin nila ang isa't isa? Bakit parang sila ulit?" Ang daming tanong ang gusto kong masagot.
"Nelle, hindi ko alam kung anong tamang sagot sa mga tanong mo. Sa kanya mo dapat mismo malaman." Nginitian nya ako at pinunasan ulit ang mga luha ko. "You are a brave girl Nelle, I know kaya mo tanggapin ang lahat."
"Hindi totoo yan Kyla." Umiiling na sagot ko. "Kanina nandito sya. Gusto nyang mag-explain pero hindi ko sya hinayaan. Takot ako Kyla, natatakot ako na baka madagdagan pa yung sakit na nararamdaman ko."
"Pero mas mahihirapan ka kung hindi mo malalaman ang totoo. Lakasan mo ang loob mo Nelle. Pakinggan mo sya dahil sigurado nasasaktan at nahihirapan din sya sa sitwasyon nyo."
"Susubukan ko." Pinilit ko na patigilin ang luha ko.
"Gawin mo Nelle para hindi ka mag-sisi sa huli." Niyakap nya ulit ako. Ang sarap sa feeling na may napagsasabihan ng problema. Nakakagaan ng loob.
"Paano mo pala nalaman na gusto ko sya?" Nagtatakang tanong ko.
"Hindi mo sya gusto Nelle, mahal mo sya." Hinarap nya ako at nahiya sa kanya. "At saka I'm your bestfriend diba? I know you for a long time and this is the first time I've seen you with so much happiness especially when you are with him."
Mas namula ako sa sinabi nya. Ang obvious ba sa harapan nila? Kung ganun, bakit si Jervin hindi man lang yun napansin.
Pinayuhan pa ako ni Kyla ng mga dapat at hindi ko dapat gawin. Basta bahala na kung anong mangyari. Sa susunod na kakausapin nya ako, susubukan ko na lakasan ang loob ko. Sana lang makayanan ko na napakinggan sya.
BINABASA MO ANG
Biggest Problem: To Fall In Love
Подростковая литератураPaalala: Ang story po na ito ay ang ginawa kong fanfiction noon sa B2ST. K-Pop group! Kung kilala nyo, wave naman dyan haha. Try nyo po basahin. :D Di ko maisip kung ano ba talaga dapat title nung story. Nung unang post ko nyan, "I Don't Know How To...