CHAPTER 29: Separation [Part 2]
NORMAL POV:
1 week na ang lumipas mula ng malaman ng Mommy ni Jeanelle ang tungkol sa pagsisinungaling nya about sa relationship nila ni Jervin. 1 week na rin syang hindi umaattend ng klase sa school. Walang kaalam alam sina Kyla at Rizza sa kung ano ba nangyayari. Nag-aalala na sila dahil hindi manlang nila makausap o mapuntahan si Jeanelle sa bahay.
“Kyla may idea ka ba kung ano ang posibleng nangyari kay Jean?” Nalulungkot na tanong ni Rizza.
“Ewan ko, pero maari kaya na tungkol yun kay Jervin?” Nag-iisip na sagot naman ni Kyla kay Rizza.
“Teka, anong pinag-uusapan nyo?” Nagtatakang pagsabat naman ni Francis sa usapan nila.
“Si Nelle.” Matipid na sagot ni Rizza.
“Ano na nga bang nangyari sa kanya? Halos isang linggo na syang hindi napasok ah.” May pagtataka din sa boses ni Marco.
“Ky sa tingin nyo ba dahil sa relationship nila ni Jervin?”Tanong naman ni Ivan at tumango si Kyla bilang sagot dito.
“Pero paano nyo naman na sabi na dahil dun? Sigurado ba?” Nag-aalala na tanong ni Francis.
“Hindi rin namin sigurado dahil hindi pa namin nakakausap si Nelle. Hindi rin kami pinapapasok sa bahay nila, hindi talaga namin alam ang dahilan pero yun lang ang naiisip ko na pwedeng dahilan.” Seryosong sagot ni Kyla sa kanila.
“Pero ang tanong, paanong yun ang naging dahilan?” Napapaisip na tanong ni Ivan.
“Baka naman ayaw ni Tita na magkaroon ng karelasyon si Jean.” Sagot naman ni Rizza.
“Sa tingin nyo alam kaya ni Jervin ang dahilan at nangyari?” Nag-aalala na talaga na tanong ni Kyla.
“Maari, kung gusto nyo kausapin natin sya mamaya.” Suggestion ni Francis at nagtanguan naman sila.
Lahat sila napapaisip kung ano nga ba ang magandang dahilan para mangyari ang nangyayari kay Jeanelle. Ano nga ba ang dahilan? Wala talaga silang idea dahil kahit sina Kyla at Rizza walang alam kung ano na ba ang kaganapan sa buhay ni Jeanelle sa mga nag-daang buwan.
JERVIN’s POV:
1 week na ang nakalipas mula ng hindi ko na makita si Jeanelle. Mababaliw na ko sa kakaisip kung ano ba ang kailangan kong gawin para lang patawarin ni Tita Jade. Pero ayokong sumuko, kailangan kong patunayan sa kanya na mahal ko si Jeanelle at ayoko syang mawala sa’kin. Ayokong isuko lang agad sya. Ayoko na maiwan na naman at mawalan ng taong mamahalin ko at mamahalin ako.
“JERVIN!!!!” Nabingi ako sa sigaw na yun =_____= buset! Nag-iisip ang tao eh.
“Ano natauhan ka na ba?” Nilingon ko ang nagtanong at nakita ang pagmumukha ni Rence at Jayden.
“Ano bang kailangan nyo na dalawa?” Naiinis na tanong ko.
“Uhm....” Makikita sa mukha ni Rence na nagdadalwang isip pa sya sa sasabihin nya kaya naunahan sya ni Jayde, “Jervin alam mo ba kung bakit hindi nakakapasok si Jean? Isang linggo na kasi syang absent. Hindi man lang sya nagte-text o tumatawag.”
Nakita ko na tumango naman si Rence sa sinabi ni Jayden at malungkot ang mga mukha nila. Sigurado na sina Kyla at ang iba ay nagtataka na din. Kinakabahan ako, hindi ko alam kung paano ko sila sasagutin. Sasabihin ko ba sa kanila ang ginawa naming kalokohan (na kalokohan lang naman talaga ni Jeanelle)? Naman oh! Ang laki talaga ng problema na pinasok ko. Pero okey lang, handa na akong harapin ang problemang yan, maging okey lang ulit ang takbo ng relasyon namin.
BINABASA MO ANG
Biggest Problem: To Fall In Love
Teen FictionPaalala: Ang story po na ito ay ang ginawa kong fanfiction noon sa B2ST. K-Pop group! Kung kilala nyo, wave naman dyan haha. Try nyo po basahin. :D Di ko maisip kung ano ba talaga dapat title nung story. Nung unang post ko nyan, "I Don't Know How To...