Chapter 2: Too Much For The First Day

467 4 0
                                    

CHAPTER 2: Too Much For The First Day

Sa wakas lunch break na. Dali dali naman akong pumunta sa canteen para i-meet yung 2 besties ko. And as usual, nung makita ako ni Rizza yumakap agad sya sa'kin.

"Wag mong sabihin sa'kin na namiss mo na naman agad ako." Pang-aasar ko kay Rizza.  

"Syempre naman no. Kaya nga ayoko ng napapahiwalay sayo eh." Tatawa tawang sabi nya.  

"Ano ba naman yan Rizza, para ka talagang sira. Nelle, tara ng bumili ng lunch natin." Anyaya ni Kyla.      

Pumunta agad kami ng counter para bumili ng foods namin. After nun naghanap na kami ng table na pwede naming kainan. Nang may mahanap kami, pumunta na agad kami doon at naupo. Ready na ko to eat my foods kaso may biglang umepal na naman.

BADTRIP NA EPAL YAN!

Lilingunin ko na sana kung sino yung paksyet na epal kaya nga lang nadistract ako ng biglang may yumakap sa'kin.

"Jeaaaaaan." Masayang banggit nya sa nickname ko.

"Oh Rence!" Napatingin naman ako kay Rizza at Kyla. Mga mukhang gulat eh. "Rence let me introduce my besties to you, her name is Kyla Cabrera and the other one is Rizza Esquivel."

"Nice to meet you sa inyong dalawa. I'm Rence Dela Cueva." Masiglang sabi nya dito.

"Nice to meet you too! Pwede ka nang umalis sa pagkakayakap kay Jean ngayon." Mataray na sabi sa kanya ni Rizza. Sumunod din naman sya at kumalas na sa pagkakayakap.

"Rence kasama mo din ba ang mga friends mo?" Nag-nod lang sya sa'kin tapos may biglang nag-salita from behind.

"Pakilala mo naman kami sa new friends mo Rence." Yun ang sabi, at ang angas pa magsalita kaya naman nilingon ko kung sino yun.

"Oh my, IKAW NA NAMAN!" Asar na sabi ko.

"Yup! Ako na naman. Rence dali na ipakilala mo na kami." Nakangising sabi nya, mukhang gustong mang-asar.  

"Sige! He's name is, Francis Manarin ang nagsisilbing leader ng grupo. Marco Suelila, Jayden Molinyawe, Ivan Falceso and Jervin Rabaya." Isa isa nyang pinopoint yung mga taong yun.

So JERVIN RABAYA pala ang name nya. Heh! Boastful Jerk.

"At kilala ang group namin dito as BEAST, they spelled it as B-E-A-S-T pero the truth meaning daw ay BEST." Dagdag pa ni Rence.

"Nice meeting you all, pati na rin ikaw. I'm Jeanelle Eugenio, and this is Kyla Cabrera and Rizza Esquivel." Inilahad ko naman ang kamay ko sa kanila para maki-pagshake hands.

"Nice meeting you all too." Sabi nung leader at nakipagshake hands na. "Sorry nga pala dun sa inasal nitong baliw naming kaibigan." Nag-bow pa sya ng konti sa'kin.

"Hindi ikaw ang kailangan mag-sorry. Wag kang mag-sorry para sa kanya." Pagkasabi ko nun tumayo na ko sa kinauupuan ko. "Girls tara, napangit ang atmosphere sa paligid eh." I glared to that Jervin guy at inirapan sya.

"Bye Jean, see yah later." Narinig kong sigaw ni Rence.

See yah later nya mukha nya. Grrrr! Kasasabi lang nya kanina na his not one of them tapos ngayon ipapakilala nya sa'kin yung boastful jerk na yun as one of his friend. Nakakasar sya! Ang bad nya para mag-sinungaling sa'kin.  

Biggest Problem: To Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon