CHAPTER 17: Sweet In Public
Sa mga oras na 'to, andito pa rin kami sa glass house. Hindi ko alam kung anong meron, pero sa tingin ko wala silang balak pumasok? Basta.
Ayun nga pinakilala nila Francis samin yung mga girls na kasama nila. Kaso umalis din agad sila. Hanggang ngayon kinukulit namin sila kung ano ba talaga nila yun. Kaya lang di sila mapaamin eh, friends lang daw talaga nila yung mga yun. Eh di sige!
"Guys, bakit hindi kayo natulong sa pag-aayos para sa event?" Mukhang bored na tanong ni Francis.
"Oo nga pala nu. Ang daya nyo! Kami kanina pa nakatulong dun kahit papano." Said Jayden.
"Bakit ano bang meron?" Tanong ko. Wala naman akong maalala na may program ngayon sa school or event eh.
"Sigurado kang nakalimutan mo?" Tanong ni Kyla habang iniiling iling ang ulo nya.
"Hala ka Jean. Eh di ba may participation ka dun sa event na yun? Yung acquiantance natin." Sabi naman ni Marco.
Saglit akong napaisip dun.
o___O Syeeeeeeeeet!
Nakalimutan ko nga yun. Patay! This friday night na yun ah. >.
"Ah oo nga pala. I forgot about it. Ang dami kasing nangyayaring kung anu ano sa'kin eh." Nakapanghalumbabang sabi ko.
"Mukhang hindi ka excited dun ah." Said Rizza.
"Excited ako nu. Masaya siguro yun lalo na at first time ko." Napapangiting sabi ko. Nag-iimagine kasi ako ng pwedeng mangyari.
"Ano namang masaya dun?" Biglang nag-salita si Jervin. Nag-smirk pa sya. Mayabang na smirk tss.
"Bakit? Masaya naman talaga yun ah di ba?" Tumingin ako sa lahat at humihingi ng magandang sagot. Echosero kasi 'tong Jervin na 'to.
"Alam mo kasi yang si Jervin ayaw sumama sa mga ganun. Lagi kasi syang pinagkakaguluhan ng mga babae." Sabi ni Jayden.
"Tama! Kahit kasi snobbero yan at medyo masama ang ugali, madaming nagkakagusto dyan." Said Marco.
Eh di sya na ang sikat at madaming admirer. Sus! Hmp.
"Ganun? Kayo? Nakakasama ba?" Yun na lang ang natanong ko.
"Yeah! Magaling kasi kaming mag-manage sa mga ganung bagay." May halong pagyayabang na sabi ni Francis at natawa pa sya ng bahagya.
"Eh di mabuti kung ganun. At least may makakasama kami. Pero dapat kasama din si Jervin eh." Napa-pout ako sa last na sinabi ko. Nakita ko na nagulat sila sa sinabi ko, nahiya ako pero mabilis din itong nawala.
Uwaaaah~ nasanay kasi ako na buo sila kapag ganitong may masayang events o pangyayari.
"May problema! Pag kasi nakita ng mga girls yang si Jervin ngayon, sigurado na magkakagulo na agad. Ipagpipilitan na sila ang gawing partner ni Jervin." Sabi ni Ivan habang nakapatong ang kanyang mga braso sa lamesa at nakabaon dito ang kanyang baba.
Pagkasabi ni Ivan nun napaisip na agad ako. Ang hirap naman ng ganung sitwasyon. Bakit naman kasi sya naging sikat dito sa school eh? Wala naman syang ginagawang kahit ano para maging sikat di ba? Uwaaah~
Lumabas ako ng glass house at naglakad lakad. Nag-iisip kasi ako ng pwedeng gawin para makasama si Jervin. Kailangan nyang makasama no matter what.
Hays!
o______O?
"Jervin ginagawa mo dito sa labas?" Hala nasa corridor pa naman kami.
"Kasi naman po umalis ka dun ng walang paalam." Tignan mo 'to ang sarcastic talagang sumagot.
![](https://img.wattpad.com/cover/1516620-288-k725753.jpg)
BINABASA MO ANG
Biggest Problem: To Fall In Love
Teen FictionPaalala: Ang story po na ito ay ang ginawa kong fanfiction noon sa B2ST. K-Pop group! Kung kilala nyo, wave naman dyan haha. Try nyo po basahin. :D Di ko maisip kung ano ba talaga dapat title nung story. Nung unang post ko nyan, "I Don't Know How To...