CHAPTER 33: The Conversation
JERVIN’s POV:
=====================
FLASHBACK
=====================
Nang makauwi at makapagpahinga sa pagod ko sa ginawa kong pagluhod, makakatulog na sana ako ng biglang mag-ring ang phone ko. Halos wala na akong lakas para sagutin yun pero kinuha ko pa rin dahil baka si Tita Jade yun, at hindi naman ako nagkamali. Agad ko itong sinagot at nag-umpisang makipag-usap sa kanya.
“Hello po Tita Jade.”
“Hello Jervin, okey ka na ba? Nakapagpahinga ka na? Kung oo, meet me at the restaurant kung saan tayo unang kumain kasama si Jeanelle.”
“P-Po? Ah opo okey na po ako. Ngayon na po ba?”
“Hindi naman. Mamayang 7PM meet me there, okay?”
“O’sige po Tita Jade. Salamat po.”
“Sige. Bye!”
Medyo cold pa rin talaga si Tita Jade, pero at least nakuha ko ng mapagbigyan na kausapin sya. Sana maging okey na ang lahat after ng usapan namin. Sana maintindihan nya kami.
After ng usapan na yun nag-ayos na ako ng sarili ko. Nagtaka pa sina Francis ng makita ako na bihis na bihis at pinigilan nila ako dahil hindi naman talaga ako okey. Ang totoo kasi nyan nilalagnat ako pero binaliwala ko lang. Sayang kasi ang pagkakataon. Wala din nagawa sina Francis sa pagpigil sa’kin.
Ngayon nandito na ko sa restaurant kung saan una ko silang nakasama, si Tita Jade at Jeanelle. Sa restaurant kung saan halos matuwa ako dahil sa pagtitig sa’kin ni Jeanelle na ikinataranta nya ng marealize yun. Yun din ang araw na nag-date kaming dalawa dahil sa kagustuhan ni Tita Jade na parang ginusto ko na rin naman. Nakakatuwa lang habang naiisip ko ang mga yun.
“Kanina ka pa ba dito?” Natauhan ako ng may magsalita sa harapan ko. Tiningala ko naman ito at nakita si Tita Jade.
“Hindi naman po.” Ang tanging naisagot ko.
Naupo sya sa katapat ng inuupan ko at saka ulit nagsalita, “Teka Jervin, okey ka lang ba talaga? You look not feeling well.”
“Nako wag po kayong mag-alala, okay po ako.” Nakangiti ko pang sagot dito.
“Kung yan ang sabi mo. So di na ako magpapaligoy ligoy pa. Mag tapat ka nga sa’kin, mahal mo ba talaga si Jeanelle?” Seryoso lang ang mukha nya habang nagtatanong.
“Yes Tita Jade, I do really love Jeanelle. Wala pong halong pagpapanggap o pagsisinungaling ang nararamdaman ko para sa kanya.” Seryoso at diresto ko rin na sagot sa kanya.
“You know how much I like you for Jeanelle, Jervin. Pero bakit ka pa pumayag sa kagustuhan nya na magpanggap kung gusto mo naman pala sya?” Nalulungkot na tanong naman nya sa’kin. Para bang disappointed sya sa’kin.
“Hindi ko rin po alam Tita Jade. Ang totoo nyan hindi ko naman po talaga sya gusto noong una, at nung tanungin nya ako na magpanggap ay hindi rin po ako pumayag. Pero nung dumating na yung araw na kailangan nya yung tulong, natauhan na lang ako sa harap ng bahay nyo at nagpakilala bilang boyfriend nya. Wala naman po akong intensyon na lokohin kayo o patagalin pa yung kasinungalingan dahil alam ko na hindi magiging maganda ang resulta ng ginagawa namin kung mabubuking nyo kami. Kaya naman po binibigyan ko si Jeanelle ng panahon na magkalakas ng loob na sya mismo ang magsabi sa inyo ng totoo para mas mabuti kaysa sa iba pa manggaling.” Mahabang paliwanag ko dito.
BINABASA MO ANG
Biggest Problem: To Fall In Love
Teen FictionPaalala: Ang story po na ito ay ang ginawa kong fanfiction noon sa B2ST. K-Pop group! Kung kilala nyo, wave naman dyan haha. Try nyo po basahin. :D Di ko maisip kung ano ba talaga dapat title nung story. Nung unang post ko nyan, "I Don't Know How To...