Chapter 30: His Determination

185 0 0
                                    

CHAPTER 30: His Determination

JERVIN’S POV:

===========================

FLASHBACK

===========================

Habang dumadaan ang mga araw mas nagiging pursigido ako na makuha ulit si Jeanelle. Lagi akong napunta sa bahay nila kahit na hindi ko naman sya nakikita. Alam ko naman kasi sa sarili ko kung bakit ito nangyayari. Nalulungkot lang ako na malaman na ikinukulong nila si Jeanelle dahil sa nangyari. Kung sana lang hindi ko na sya tinulungan sa kasinungaling nya.

Pero hindi ko naman maiwasan na hindi magpasalamat dahil sa kasinungalingan nya. Dahil kung hindi dahil dun, hindi ko sya mas makikilala at matutunan na mahalin. At hindi ko na rin makakalimutan na sya ang dahilan kung bakit nawala ang sakit na nararamdaman ko about Ellaine.

Araw araw akong napunta sa bahay nila para lang i-please si Tita Jade. Halos magmakaawa na ako sa tuwing inaantay ko sya na dumating sa harapan ng bahay nila. Pero wala! Para lang akong invincible na hindi nya nakikita at napapansin.

“Tita Jade, please naman po. Kausapin nyo po ako, bigyan nyo po ako ng chance na makapagpaliwanag sa inyo.” Pakikiusap ko pero dinaan nya lang ako. “TITA JADE! PLEASE!” Halos sumigaw na ako dahil sa layo nya sa’kin.

Hindi man lang nya ako nilingon. Isa ‘to sa nagpapahirap sa’kin. Nakakainis lang na dati ang lapit lapit ko sa Mommy nya pero ngayon ni tignan ako hindi na magawa ni Tita Jade. Feeling ko tuloy wala ng pag-asa, pero hindi ko hahayaan na mawala yun ng tuluyan.

Okey lang. Kung ngayon hindi nya ako kakausapin at papansinin, marami pang susunod na araw. At sisiguradhin ko na sa araw araw na yun ay makukuha ko rin ang atensyon nya.

===========================

END OF FLASHBACK

===========================

After class dalidali akong umalis ng school at dumeretso nang muli sa bahay nila Jeanelle. Hindi ko na rin nagawang magpaalam pa kay Rence at Jayden dahil tumakbo na agad ako palabas ng school. Nang makarating naman ako sa tapat ng bahay nila agad kong nakita ang maid ni Jeanelle. Napalingon sya sa kinatatayuan ako at nginitian ako ng may halong lungkot.

Oo may gate sila, pero nakakapasok naman ako sa bahay lang talaga hindi. Habang nag-aantay ako naisip ko na ngayon, sisiguraduhin ko na makukuha ko ang atensyon nya. Halos mag-2 weeks ko na din syang pini-please. Sana lang talaga matulungan ako ng determinasyon ko ngayon. Ayoko ng magtagal pa ang paghihirap at lungkot ni Jeanelle sa loob. Kaya hangga’t maari gusto ko na ito maayos agad.

At ngayon araw na ‘to ko ibibigay ang lahat ng makakaya ko.

Sa ilang oras na pag-aantay ko sa wakas nakita ko din si Tita Jade na papadating na. Mula sa sinasakyan nya ay bumaba sya at nakita ko ang pagkagulat sa mga mata nya ng makita nya ako.... ULIT!

“Jervin? What are you doing here? AGAIN.” Tanong nya na para bang wala talaga syang idea kung bakit at ano ang pakay ko sa kanya.

“Tita Jade you know what I’m here for. Tita please naman hayaan nyo akong mag-explaine.” Lalapit sana ako sa kanya ng pigilan nya kaagad ako.

“No Jervin. I don’t have much time for your explanation. I’ve heard enough from Jeanelle.” Nag-umpisa na syang maglakad palayo ng may sabihin pa ulit sya, “Umuwi ka na Jervin. Wala na rin naman mapapala sa ginagawa mo.”

“Pero Tita ayoko po. Hindi po ako aalis hangga’t hindi nyo ako binibigyan ng pagkakataon na makapgapaliwanag. At isa pa po, hindi ako naniniwala na pinakinggan nyo si Jeanelle sa gusto nyang sabihin sa inyo.” Malakas na loob kong sabi sa kanya. Napaharap naman sya sa’kin at napa-smirk. At least nakuha ko ang atensyon nya.

“Jervin! Jervin! Jervin!” May tono ng pagkainis ang pagbanggit nya sa name ko. “Paano mo naman nasabi na hindi ko sya pinakinggan? Nagkakausap ba kayo?”

“Hindi po, pero alam ko na hindi nyo pa sya pinapakinggan. Dahil kung alam nyo na ang dahilan, alam ko na hindi nyo na ikukulong at papahirapan pa si Jeanelle. Dahil di ba nga, mahal na mahal nyo sya at malaki ang tiwala nyo sa kanya.” Walang takot na pagpapaliwanag ko sa kanya. Pero sobra ang kaba sa pag-iisip kung magagawa ko nga ba talaga na mapagbigyan nya sa explanation ko about sa’min ni Jeanelle.

“Wag kang umasta na para bang alam na alam mo na ang lahat. Paki-usap, umalis ka na Jervin bago pa mas lumalim ang galit na nararamdaman ko sayo, sa inyo rather.” Nakatingin lang sya sa’kin. Hindi ko mabasa ang expression ng mukha nya, pero makikita na seryoso sya sa pagpapaalis sa’kin.

Pero dahil sa kagustuhan ko na mapagbigyan na makausap sya ng maayos about sa’min ni Jeanelle, kinain ko na ang pride ko. Ayoko na talagang patagalin pa ‘to. Gustong gusto ko ng syang makita at makasama ulit kaya wala na akong pakilam sa pride ko. Lumuhod ako sa harap ni Tita Jade at saka ito tiningala.

“Tita Jade please, I’m begging you. Hayaan nyo po akong mag-explain para sa’min. Mahal na mahal ko po si Jeanelle.” Nanginginig ang boses dahil pakiramdam ko nagbabadyang tumulo ang mga luha sa mata ko. Ang bakla pero naiiyak ako dahil nahihirapan ako na makuha sya ulit. Pero kahit gaano pa ko mahirapan, kung makukuha ko naman sya, alam ko magiging masaya ako.

“J-Jervin k-kahit anong gawin mo hindi kita pagbibigyan. W-Walang kwenta yang pag l-luhod mo.” Alam ko din na nabigla si Tita Jade sa ginawa ko. Hindi ba nya inaasahan? Oh well, bahala na. Basta ako pursigido para sa anak nya, para sa mahal ko.

“No matter what happen Tita Jade hindi ako aalis dito hangga’t hindi nyo ako pinagbibigyan. Hindi ko po isusuko agad ang relasyon namin ni Jeanelle.” Ngumiti ako sa kanya pero hindi na nya ako sinagot pa at umalis na ng tuluyan sa harapan ko.

At kahit wala na sya sa harapan ko, nanatili lang ako na nakaluhod. Nag-aantay na baka sakaling hindi nya ako matiis at lumabas syang muli para kausapin na ako.

JEANELLE’s POV:

Nakahiga lang ako sa kama ko ng marinig ko ang pagbukas ng pintuan ng kwarto ko. Hindi ko ito pinansin hanggang sa marinig ko ang boses ng taong nagbukas.

“Umiiyak ka na naman ba?” Ang unang tanong ng mommy ko at naramdam ko naman ang pag-upo nya sa dulo ng kama ko. “Kumain ka na ba ng dinner mo?”

“Mommy bakit pala pati sina Kyla pinagbawalan nyo na puntahan ako?” Ang sagot ko sa tanong nya.

“Kung hindi ka pa kumakain, halik na sa baba at sumabay ka sa’kin.” Tumayo sya sa harapan ko at tinanggal ang kumot ko. Hindi nya ako pinilit na tumayo pero nakatingin sya sa’kin at nag-iintay sa pagtayo ko.

Hindi nya ako sinagot at wala naman akong nagawa ng yayain nya akong kumain sa baba. Naglakad ako kasabay sya at hindi kami nag-iimikan hanggang sa makarating kami sa dining area. At sobra naman ang gulat at kaba ko ng mula sa kinatatayuan ko ay nakita ko si Niko sa dining area.

Bakit sya nandito? Wag mong sabihin na itutuloy na talaga ni Mommy ang engagement namin? Ayoko! Paano na si Jervin? Hindi ako papayag na basta basta na lang maechepwera ang nararamdaman naming dalawa. Ayoko na masaktan sya ng dahil dito at ayoko din na mas lalo pa akong masaktan.

Someone.....

Mukhang successfull naman ang plano natin. Nagkahiwalay na sila. Isa na lang ang kulang.

Biggest Problem: To Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon