Chapter 20: Hate This Feeling (Part 2)

232 1 1
                                    

Chapter 20: Hate This Feeling (Part 2)      

Nakatingin pa rin ako sa labas at pinapanood ang pagpatak ng ulan. Hindi ko na halos napansin ang mga nangyayari sa palagid hanggang sa may narinig akong tumatawag sa'kin.

"Nelle!" Parang tanga lang na slow motion akong lumingon sa tumawag sa'kin.

"Oh Kyla." Ang tangi kong naitugon.

"Hay nako Nelle, lutang ka na naman." Napapailing na sabi nya.

"Hindi naman eh." Tumayo na aku sa kinauupuan ko at lalapit na sa kanila.

"Sus! Hmp." At sa tono nya, sigurado, hindi sya naniniwala.

"Jeeeeaaann~" Biglang pumasok si Rizza at akmang yayakap sa'kin.

Sorry na nga lang sya, because Rence block me. Kaya ayun, sa kanya sya napayakap.

"How does it feel lit'le brat?" Nang-aasar na tanong ni Rence.

"Ang bad mo. Kung gusto mo ng yakap ko magsabi ka. Hindi yung nagnanakaw ka." Nakangising sagot naman ni Rizza.

Nahiya naman si Rence. Aba barado sya eh haha. Nakakatuwa! Buti na lang kaibigan ko sila. Kahit papaano ay nababawasan ang lungkot na nararamdaman ko kapag kasama ko sila. Lucky pa rin ako, right?

Pagkatapos ng asaran, diretso cafeteria na kami. Oh di ba, wala talaga akong kaalam alam sa mga nangyayari sa paligid kanina pa. Akalain mong lunch time na pala? Wala kayang nagturo? Hmm.

Sa cafeteria, habang kumakain, dun ko lang napansin na wala sya. Masyado ko bang inaliw ang sarili ko para di sya mapansin? O sya na mismo ang umiiwas dahil sa sarili nyang mga dahilan?

"Si Jervin?" Normal na tanong ko habang kumakain.

Nang walang sumagot tumingin ako sa kanila. Sina Francis, Marco at Ivan nag-shrug lang. Habang si Jayden at Rence ay mukhang wala din alam.

"Ayos lang kung hindi nyo alam. Napansin ko lang kase na wala sya kaya naitanong ko." Sabi ko sa kanila at ipinagpatuloy na lang ang pagkain.

Sa pag uusap namin kung anu-ano ang pumapasok sa utak ko. Hindi ko maabsorb ang mga pinag-uusapan nila dahil tanging si Jervin lang ang naiisip ko. Kung nasan ba sya? Sino ang kasama nya? Ang Ex ba nya?

Ewan ko ba, pero natutuliro ako! Nararamdaman ko na naman ang sakit maisip ko pa lang na magkasama ulit sila. Ano bang dapat kong gawin?

ELLAiNE's POV:

I know guys! Tanga ako dahil iniwan ko si Jervs tapos ngayon naghahabol ako sa kanya.

Alam ko! Alam na alam ko yun. Kaya nga nag-sisisi ako. Mahal na mahal ko si Jervin pero tinakot ako ng parents ko. Ayokong itakwil nila ako. Pero bakit ba katangahan ang pinairal ko kung pwede ko naman palang ipaglaban.

Shemay na buhay 'to. Kung ipinagpatuloy ko lang na ipaglaban ang relasyon namin. Eh di sana ....

"Yow~" Napatingin ako sa bumati sa'kin.

"Buti pumayag ka."

Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Dahil may gusto din akong linawin sayo." Sagot nya.

Umuulan ngayon. Sobra ang lakas kaya napagdesisyunan nya na doon ulit kami mag-usap, sa Green House.

Ng makarating kami sa loob nabalot kami ng katahimikan. Nakakabingi sa sobrang tahimik, kaya naman ako na ang nag-umpisa.

"Jervs." Tawag ko sa kanya.

"Start your explanation now." Sagot nya ng hindi manlang tumitingin sa direksyon.

Biggest Problem: To Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon