Chapter 21: Love Drunk

228 1 0
                                    

Chapter 21: Love Drunk

[NORMAL POV]

"Hoy ikaw Jervin may sasabihin ako sayo." Sabi ni Jeanelle kay Niko. Dahil sa sobrang kalasingan nya ang tingin na nya dito ay si Jervin. Medyo may pagkakahawig din naman kasi talaga ang dalawa.

"Hindi ako si Jervin." Nasasaktan na sabi ni Niko. Dahil kahit galit si Jeanelle kay Jervin, makikita dito kung gaano nya pa rin kagusto ang makita ito.

"Wag mo nga akong niloloko." Pagtataray nya. Inilapit ni Jeanelle ang mukha nya dito at pinagmasdan ng mabuti. Natawa na lang sya ng marealize na hindi nga ito si Jervin. "Sorry huh." Ang tangi nyang nasabi at tumungga muli.

"Ano bang problema? Bakit kailangan mo pang maglasing?" Pinunasan nya ang tumtulong luha mula sa mga mata ni Jeanelle.

"Wala naman." Natawa sya sa sinagot nya habang patuloy sa pagtulo ang luha nya. "May sasabihin akong secret sayo, dapat isecret mo din huh." Sabi nya dito, ibinaling ang direksyon kay Niko at ngumiti. Habang si Niko ay tango lamang ang tanging naisagot. "You know what, I really love Jervin Rabaya." Nakangiti na sabi nya.

"Bakit kailangan pang isecret? Ano ba talaga ang problema? Hindi ka na ba nya mahal?" Nalilito at naiinis na tanong nya dito.

"Huh? Problema? Wala! Pero," Tumigil sya at iniiwas ang tingin sa kanya saka nagpatuloy, "I don't know what he really feel for me. Tapos hindi ko pa maipakita sa kanya ang tunay kong nararamdaman." At mas naiyak sya sa sinabi nya.

NiKO's POV:

Naguguluhan pa rin ako sa pinag-uusapan namin ni Jeanelle hanggang sa wala na. Pati puso ko nasasaktan na din ngayon dahil sa narinig ko.

"I don't know what he really feel for me. Tapos hindi ko pa maipakita sa kanya ang tunay kong nararamdaman." Naasar ako. Bakit? T@ngina! Bakit pinabayaan ko pang mangyari 'to? Anakngtucha naman yan oh.

"So anong ibig mong sabihin? Paanong hindi mo alam kung mahal ka nya? Paanong hindi mo maipakita sa kanya ang nararamdaman mo? Paano?" Napasabunot na lang ako sa buhok ko sa sobrang inis.

"Sorry Niko pero I lied to you pati na rin kay mommy." Umpisa nya. "Wala naman talaga kaming relasyon ng gagong yun eh. I just asked him to pretend dahil ayoko ng engagement." Sabi nya sa'kin at patuloy pa din sa pag-iyak.

Sa narinig ko halos gumunaw ang mundo ko. T@ngna lang di ba? Tama naman pala ang hinala ko. Tama talaga pero syet wala akong ginawa para patunayan yun. Hindi ko nagawa ang lahat para mapaghiwalay sila. Wala akong ginawa para maging sa'kin na lang sya. T@ngna ang bobo mo Niko Hernandez, sobra.

"And now you are telling me na mahal mo na sya? Na hindi mo kaya na mawala sya? Na nasasaktan ka ngayon dahil sa kanya? Ganun ba?" Sinusubukan kong kumalma kahit na sa loob ko halos gusto ko ng magwala at suntukin ang pader sa sobrang sakit na nararamdaman.

"Syet lang Jeanelle. Mahal na mahal kita pero hindi mo ako pinagbigyan ng pagkakataon. Alam mong lahat gagawin ko para sayo pero hindi ko nagawa sa pag-iisip na okay lang dahil masaya ka sa taong mahal mo at mahal ka. Tapos ngayon malalaman kong..... Ah syet lang talaga! Syet! Syet! Syet!"

Hindi ko pala kayang pigilan. Sobrang sakit. Kaya bago pa ko masiraan dito lumabas na ko. Tinawagan ko si Jervin at sinabi sa kanya kung nasan si Jeanelle. Sa huling pagkakataon pumasok ulit ako at pinagmasdan lang sya. Sobrang lungkot nya talaga, at nasasaktan ako sa nakikita ko.

Ito lang pala ang kapalit ng pagpaparaya ko sa taong akala ko totoong minamahal sya. Kung alam ko lang na masasaktan sya hindi na lang sana ako pumayag na iurong pa ang pagiging fiance ko sa kanya. Kung alam ko lang. T@ngna!

JERVIN's POV:

Pagkatawag sa'kin ni Niko ininform ko na din ang iba. Pagkarating ko naman sa bar, nakita ko sya sa loob. Parang sobrang lungkot nya na parang nasasaktan at galit. Hindi maintindihan pero saka na yan, si Jeanelle ang kailangan ko ngayong makita at makausap.

"May problema ba? Where's Jeanelle?" Tanung ko sa kanya habang naghahabol sa paghinga.

"Wala naman. Pumasok ka sa loob, nandun sya. Iuwi mu na agad sya. After nun kita tayo sa park. May importante lang akong sasabihin sayo." Seryoso nyang sabi. He patted my shoulder tapos umali na sya. Ako naman pumasok na sa loob ng bar.

Nang makita ko sya. Nakahiga na sya dun sa couch. Mag-isa lang sya at mukhang lasing na lasing sya. Lumapit ako sa kanya at saka sya inalalayan maupo. Ang akala ko natutulog sya pero bigla syang nagsalita.

"Oh Niko nakabalik ka na." Sinasampal nya ng pabiro ang pisngi ko at nakangiti. "Ngayon alam mo na ang secret ko. You better keep it as a secret okay. Ako lang at ikaw ang nakakalam na mahal ko si Jervin. Kaya patay ka sa'kin pag may ibang nakaalam."

Natulala ako sa narinig ko mula sa kanya. Totoo ba ang narinig ko? So, slow nga din talaga ako? Tsk! Nyemas naman oh ~ Bakit hindi ko man lang nahalata? Bakit hindi ko naramdaman? Kung alam ko lang sana.

"Let's go now." I said and help her to stand.

"Don't wanna go home pa Niko. Marami pa akong gustong sabihin sayo tungkol sa boastful jerk na yun eh. Also, I still want to drink." Namumungay na ang mga mata nya sa kalasingan. Hinayaan ko na maupo muna sya, pero syempre hindi ko na sya pinapainom.

"Ano pa bang gusto mong sabihin about him?" Tanong ko. Gusto ko din malaman. Ayos lang sa'kin kahit na ang tingin nya sa'kin ay si Niko basta malaman ko lang ang nararamdaman nya.

"Niko," pag-uumpisa nya. "That Jervin," hindi sya makapagsalita ng deretso dahil sa kakahikbi. "Niko ~ nasasaktan ako. Sobra akong nasasaktan dahil sa kanya. Pakiramdam ko mamatay ako sa sobrang sakit."

"B-Bakit? A-Ano ba ang nagawa nya para masaktan ka ng ganyan?" Tanong ko sa kanya habang pinipigilan ang inis ko sa sarili ko.

"Hindi ko alam. Siguro dahil sa nakita ko. I saw him and her ex-girlfriend kissing. Ang nakakainis pa, feeling ko mahal na mahal pa rin nila ang isa't isa." Pinunasan ang luha nya na walang humpay sa pagtulo. "Natatakot ako na mawala sya. Pero hindi ko alam ang gagawin dahil hindi naman sya sa'kin. Hindi naman nya ako gusto."

Patuloy lang sya pag-iyak at paglalabas ng hinanakit nya. Wala akong nagawa kundi ang yakapin lang sya. Nararamdaman ko na mas nadoble ang sakit na nararamdaman nya ngayon kumpara nung una nya kaming nakita. Naiinis talaga ako ~ Fvck!

"Hindi totoo yun Jeanelle, hindi ko na sya mahal dahil ikaw na ang mahal ko." Bulong ko sa kanya.

Nakatulog na sya kaya naman binuhat ko na lang sya hanggang parking lot. Ibinaba ko sya sa passenger seat at saka ipinatong sa kanya ang suot kong jacket.

Habang nasa byahe papunta sa bahay nila, sinusulyapan ko sya lagi. Sobra ang lungkot na nakikita ko sa kanya. Ramdam na ramdam ko kung gaano sya nasasaktan. Nakakainis bakit ngayon pa nangyari 'to. Kung kailan naman handa na akong ipakita sa kanya ang tunay kong nararamdaman. Napaka-wrong timing naman talaga ng pagkakataon.

"Kung sana lang nasabi ko kaagad sayo na mahal kita." Pinatay ko na ang engine ng sasakyan ko at bumaba. Bubuhatin ko na sana si Jeanelle ng bigla syang mag-salita.

"Mahal kita Jervin." Napangiti ako. Sana sa susunod na sabihin nya yan gising sya at magkaharap kami.

"Mahal din kita Jeanelle." I kiss her in her forehead saka sya binuhat at ipinasok sa bahay.

Nang makapasok kami sa bahay lahat ng maid doon ay nag-alala sa kanya. Nag-sorry na lang ako sa nangyari. Inalagaan ko lang sya ng saglit at umalis na din agad.

Ngayon naman pupunta ako ng park para harapin si Niko. Well, may gusto daw syang pagusapan namin. Ano naman kaya yun?

XOXO

♥мεαии εcнizεи♥

COPYRIGHT © 2012

DONTKNOWTRUELOVE ®

ALL RIGHTS RESERVED

Biggest Problem: To Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon