Chapter 20: Hate This Feeling (Part 1)

240 1 0
                                    

Chapter 20: Hate This Feeling (Part 1)

Time to go to school now, hanggang ngayon hindi ko pa rin maibalik ang saya na meron ako noon. Feeling ko ang tamlay ko pa rin dahil sa lungkot. =____=

I did my daily life school routine tapos umalis na ako ng bahay. Mag-isa lang akong nag-lalakad ngayoun. Masyado ko yatang dinadama ang simoy ng hangin kaya ayan tuloy may nabangga ako tsk.

"Sorry, di ako tumitingin sa dinadaanan ko." I said na parang lutang ang isip ko at nakatungo lang.

"Are you okay?" May pag-aalala sa tono ng boses nya. Napatingin naman ako sa kanya, at nailang.

"J-Jervin." I muttered.

"Tell me Jeanelle, what happened to you last sa...." Hindi ko na sya pinatapos pa god. Nag-iinit ang ulo ko.

Ano bang gusto nya? Ipagsigawan ko sa harap nya na, OO JERVIN! OO NAKITA KO ANG LAHAT. NAKITA KO KUNG PANO KAYO NAGYAKAPAN AT KUNG PANO KAYO NAGHALIKAN.

Shit lang oh~ nakakabadtrip. Kailangan pa bang itanong? Hindi pa ba obvious? Malamang nakita ko at narinig. Nandun ako eh, nagpakita pa ko. Tengeneng buhay 'to.

I smiled at him, "Jervin ano ka ba naman, tsk. Yun pa rin ba ang iniisip mo? Ilang beses ku ba dapat sabihin sayo na wala akong nakita? Halika na nga pumasok na tayo." Hinigit ko na sya.

Mas okay na lang siguro na mag panggap ako na okay. Siguro naman mawawala din 'tong sakit na nararamdaman ko. Siguro naman, hindi na mangyayari pa ulet na makita ko sila. At siguro naman hindi na madadagdagan 'tong sa'kit na nararamdaman ko. Sana nga!

JERViN'S POV:

Nasasaktan ako. Nasasaktan ako na makita syang nagpapanggap sa harap ko na okay sya. Gusto ko pa rin syang tanungin, pero sa tuwing uungkatin ko yun inuunahan nya agad ako. Binabago nya agad ang usapan. Pero sa bagay, ano pa nga bang silbi kung malaman ko? Nangyari na. Pero higit sa lahat, alam ko na kailangan ko ng effort para maalis ang sa'kit na nararamdaman nya ngayon. Ang tanong nga lang, kaya ko ba? I mean, ewan ko hays.

Habang busy ako sa pag iisip at pagmamasid sa kanya, napansin ko na tumigil sya sa paglalakad. Hindi sya humarap sa'kin, pero may tinanong sya sa'kin.

"Jervin sino sya?" Saka sya humarap sa'kin. "I mean the girl that night."

"My Ex-girlfriend." Diretso kong sagot. Ano pang sense kung magsisinungaling ako. Alam ko na baka masaktan sya, pero mas masasaktan sya kung magsisinungaling ako at sa iba pa nya malalaman yun di ba? Hays.

"Bakit mo natanong?" Tanong ko.

"N-Nothing! K-Kaya pala sa unang tingin mukha kayoung p-perfect c-couple." Tumalikod na ulet sya at saka nagpatuloy ng sasabihin. "And I guess y-you two still l-love each other."

Ewan ko pero naasar ako sa komento nyang yun.

"At paano mo naman nasabi yun?" I tried to calm, afterall I don't have the rights to get mad at her.

"Kasi na....." Hindi ko na sya pinatapos sa sabihin nya at sinabi kong, "Hindi kami perfect couple, dahil ang alam ko wala ng mas peperfect pa sa'ting dalawa."

Medyo irita ako ng sabihin yan pero yan ang nararamdamanan ko. Natahimik sya kaya naman lumapit ako sa kanya. Hinawakan ko ang kamay nya, intertwined. Naglakad kami ng magkahawak kamay. Hindi ko na inisip pa kung anung sasabihin ng iba, basta gusto ko syang kahawak kamay.

JEANELLE's POV:

"Hindi kami perfect couple, dahil ang alam ko wala ng mas peperfect pa sa'ting dalawa."

Pauulet na naririnig ko sa isip ko ang sinabing yan ni Jervin. Natameme ako at para bang bumilis ang tibok ng puso ko. Feeling ko namula din ako at kinilig sa sinabi nyang yun. At mas bumilis pa lalo ang tibok ng puso ko ng hawak nya ang kamay ko.

Biggest Problem: To Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon