Chapter 25: Jealous [Part 1]

235 3 1
                                    

Hello Geleen Gonzales ^.^/ haha kaway kaway lang XD. Yun ba tingin mo? Wahahah XD Salamat ng marami sa mga comments mo ^_^ .. Oo nga pala, uhm, siguro mga 30+ lang 'to hehe.

Chapter 25: Jealous [Part 1]

After ng mga awkward moments ko with Jervin parang masa lalo akong nahirapan sa nararamdaman ko. Ang hirap kasi nasasaktan ako pero kahit na ganun mahal ko pa rin sya. Nakakainis sa pakiramdam pero hindi ko naman ito magawang pigilan. Sobrang hirap!

Sa kakaisip ko hindi ko na halos namalayan ang nangyayari sa paligid except sa isang bagay.

Ang dami dami ko naman pwedeng mapansin, bakit yun pa? Tsk!

"Guys where's Jervin?" Nabulalas ko na lang.

"Nakita ko syang umalis after nyang kumain." Sagot naman ni Jayden.

"Saan na naman kaya nagpunta yun?" Naiinis at pabulong na sabi ko. Kaya lang narinig pa rin yata ako ni Rence.

"I think he went to the front gate." Pilit na ngumiti sya sa'kin. Nakaramdam naman ako ng hiya.

"Tara Jeanelle, labas muna tayo." Biglang nagyaya naman nitong si Nikko.

Hindi na nya ako pinasagot pa at hinigit na lang ako bigla palabas ng room. Siguro napansin lang nya na nahiya akong mag-excuse. Kasi syempre obvious na lalabas ako para hanapin si Jervin. Nakakahiya.

Ayun ng makalabas naman kami at makalayo sa room ay humiwalay na sa'kin si Nikko. Ewan ko ba pero parang feeling ko medyo dumidistansya sya sa'kin. Hmm, I better talk to him later.

JERVIN's POV:

I am now here at the front gate looking at her smiling. Maganda talaga sya, ngiti pa lang nya sasaya ka na. Pero noon lang yun, noong mga panahon na in love pa ako sa kanya.

"Oy panget, anong kailangan mo?" Tanong ko kay Ellaine. Oo, sya ang pinuntahan ko at ang nagtext sa'kin kanina.

"Ito naman, dumadalaw lang, masama ba?" Naka-pout na sagot nya.

"Wag ka ngang pa-cute dyan." Pinisil ko  ang magkabilang pisngi nya.

"Bitawan mo nga." Sabi nya at gumanti sa'kin. "Kala mo huh." Ngumisi sya.

Ang kulet nya pa rin talaga. Nakaka-miss din talaga yung noon, nung kami pa. Pero ngayon, hanggang memories na lang yun dahil ang storya sa pagitan namin ay tapos na.

"Teka akala ko ba aalis ka na?" Nagtatakang tanong ko.

Binitawan ko na ang pagkakakurot ko sa pisngi nya, tapos inalis na din nya yung pagkakakurot sa'kin.

"Ang sakit." Mina-massage nya nag face nya saka ako sinagot. "Oo nga. Pero wag kang excited." Ngumiti na naman sya ng nakakaloko. "Makikibalita pa ako sayo eh. So kumusta? Nasabi mo na ba?" Sunud-sunod na tanong nya.

Napahawak ako sa batok ko bago sumagot, "Hindi pa nga eh. Ang hirap kasi at saka malabo pa talaga ang sitwasyon namin ngayon." Napabuntong hininga ako.

"What do you mean?" Naglalakad na kami papuntang garden. Kilala naman sya ng guard kaya nakapasok sya.

"Basta ang gulo pa. Madami pang dapat ayusin sa'min." Naupo kami sa bench sa may ilalim ng puno.

"Aba! At ume-LQ na agad kayo? Ganun?" Natatawa nyang sabi. Batukan ko nga, ayun nag-pout ulit. "Sadista ka na sa'kin ngayon huh."

"Ikaw kasi, ang kulet mo. Masakit ba?" Tanong ko, tumango sya at hinimas ko naman ang parteng binatukan ko.

Ganito talaga kami ka-close ni Ellaine. Naging friend naman kasi kami bago kami nagkaron ng relationship noon. Buti na nga lang at kahit na nagkalamat yung love story namin ay hindi pa rin nawala ang friendship sa'min.

Halos nagkulitan na kami after nun. Nagbalik tanaw sa mga dati naming memories. Hanggang sa napahinto na kami pareho.

"Goo on Jervin, sundan mo na. And I think I know na kung ano ang reason ng pagkakalabuan nyo." Pilya syang ngumiti sa'kin at saka yumakap. "I told ya Jervin, may something sya. You just need to make her confess and of course you should confess first. Let her know what you feel for her, malay mo she feel the same way. Sayang naman kung di nyo ipapaalam sa isa't isa ang nararamdaman nyo. At sayang ang effort ko sa pag-le-let go sayo kung di magiging kayo."

Pabiro nya akong binatukan at kumalas sa pagkakayakap.

"WT ..... ang haba ng speech mo Ellaine." Nagtawanan pa kami. "Sorry huh, una na ako. Thanks!"

Iniwan ko na sya at sinundan si Jeanelle.

Kainis naman! Bakit ba lagi nya kaming nakikitang magkasama? Author naman eh, pinapahanamak mo ako. Ayaw mo ba kaming magkatuluyan ni Jeanelle?

(A/N: Oo, mwahahahaha. Si Jeanelle ay para kay Nikko. Wahahaha XD)

Waaaaaaaaaaah! Hindi ako papayag. >_____<

JEANELLE's POV:

Nasa may garden ako ng school ng may mapansin akong dalawang tao na pamilyar sa'kin. Mula sa kinatatayuan ko ay kitang kita ko kung gaano sila ka-sweet. Ang saya saya nilang tignan.

Nakaramdam ako ng inggit at selos kay Ellaine pero hindi ko magawang magalit sa kanya. Kay Jervin ako naiinis.

At habang nakatingin ako sa direksyon nila ang daming tanong ang naglaro sa isip ko.

Katulad ng;

Sila na kaya ulit?

Hindi ba ako nagustuhan ni Jervin?

Ano ba ang meron sya na wala sa'kin?

Bakit sa kanya masaya si Jervin?

Hindi ba pwede na ako na lang?

At syempre, hindi din nawala sa isip ko yung mga "SANA."

SANA ako na lang si Ellaine. I mean ako na lang ang nasa pwesto ni Ellaine at nagpapasaya kay Jervin.

SANA ako na lang ang mahal ni Jervin. SANA talaga!

At kung anu-an pa ang naiisip ko. Masakit na makita silang magkasama at masaya. Pero bakit natitiis ko na panoodin pa sila? Bakit hindi na lang ako umalis? Ang tanga ko lang, diba? Nakakains!

"Jeanelle." Natauhan ako ng may sumigaw sa pangalan ko.

Bago ko hinarap ang tumawag sa'kin ay nakita ko na napansin na ako ni Ellaine at Jervin. Nginitian ko lang sila at saka hinarap ang tumawag sa'kin. Nang malaman ko na si Nikko yun tuakbo agad papunta sa kanya at niyakap sya.

Hindi naman siguro nya napansin si Jervin at Ellaine. Nakapwesto kasi ako sa tabi ng puna kanina. Siguro naman natakluban nun ang pwesto nila Ellaine at Jervin.

"J-Jeanelle m-may problema ba?" Naramdam ko ang pag-aalala nya at pagkailang.

"Wala naman. Bigla ko lang na-feel na gusto kitang yakapin." Tiningala ko sya at natawa ako nang makita na nagba-blush sya. Buti na lang nandito si Nikko. Yumakap ulit ako sa kanya at naramdaman ko na niyakap na din nya ako.

Nakakagaan ng loon pag nasa tabi ko si Nikko. Feeling ko ang bilis bilis gumanda ng mood ko.

Sana si Nikko na lang.

Biggest Problem: To Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon