CHAPTER 35: The Engagement
JEANELLE’s POV:
Saturday.
Ito na ang araw na sinasabi ni Mommy na engagement day ko. Ito na din ang araw na tuluyan ko ng isusuko si Jervin T^T
Sigurado na ba talaga ako? Pwede pa naman akong umatras sa oras na maramdaman kong hindi ko kaya ang basta na lang sya isuko. Sigurado ako na magagawa ko ang umaway kapag kaharap ko na ang kung sino man na ie-engage sa’kin. Siguro nasabi ko lang talaga kay Mommy yun kahit hindi naman talaga ako sigurado sa gusto kong mangyari. Ang hirap kasi na basta ko na lang isusuko si Jervin.
“Jeanelle, handa na lahat ng kailangan mo para mamaya. Nanadyan na ang mga isusuot mo pati na rin ang mag-aayos sayo.” Kainis bakit naman kasi ang bilis ng araw eh, bakit sabado na agad ngayon? >T_T<
“Mom ang aga-aga pa naman eh. Kailangan na bang mag-ayos ngayon?” Nakasimangot na tugon ko sa kanya. “At saka pwede bang bawiin ko na lang ang pagtanggap sa engagement na yun?”
“Anong maaga pa? It’s already 6 in the evening. At saka di ba ang sabi ko, sa ayaw o kung gusto mo ipapa-engage pa rin kita.” Oo tama kayo ng narinig, gabi na talaga pero hindi pa rin ako kumikilos. Kaya nga ito ngayon si Mommy at todo na ang inis sa’kin sinasabayan ko pa ng pangungulit about sa pagayaw ko sa engagement na yun T.T
“Oo na po, sabi ko nga wala ng bawian eh. Sige na po magpapaayos na ako.” Naiiyak na sabi ko na lang.
Inayusan ako ng make-up artist. Simple lang at light ung make up kaya hindi ako naiilang. Maganda din ang ayos ng buhok ko, may maliit pang crown na nakalagay sa buhok ko. (Hanap ng magadang suot). Nang matapos ang pag-reready sa’kin, hinarap na ako ni Mommy. Kanina pa sya nakaayos at ako na lang talaga ang inaantay. Pass 7:30 ng makaalis kami ng bahay, tutal hindi naman malayo ung bothanical garden sa’min, hindi kami na-late. At nagulat talaga ako ng makita ko na ang daming tao sa bothanical garden. Parang pati ata iba naming kamag-anak nandun, pati na rin ang mga trabahador nila Mommy at Daddy. Ang akala ko kasi family lang namin at family ng guy ang magmi-meet.
Totoo ba ‘to? Iaannounce nila ang engagement na ‘to in public? Pero teka, kanino ba ako ieengage? Ni hindi ko man lang natanong si Mommy, dahil sa pag-iisip pa lang na ieengage ako at igigive up ko si Jervin halos mabaliw na ako. Ang malaman pa kaya kung sino ang taong yun? Kainis talaga.
Sa paglalakad namin papunta sa unahan, nakikita ko ang iba kong mga pinsan. Nginingitian nila ako at sinusuklian ko naman ang ngiting yun. Yung ibang mga tao hindi ko na kilala. Halos matunaw nga ako sa mga tingin nila eh, pero wapaks na lang ako. Wala na talaga ako sa mood hanggang sa makarating kami sa unahan. At talagang nanlaki ang mata ko ng makita ko sina Kyla at Rizza kasama ang mga Halimaw. Halos manlumo ako ng makita na nandun din si Jervin. Kung ganun inimbitahan din pala sila ni Mommy.
Nakipagtitigan lang ako sa kanila. Nababasa ko sa mga mata ni Kyla at Rizza ang pagtataka, na para bang nagtatanong kung ano ang nangyayari at kung kanino ako ieengage. Napakibit balikat na lang ako dahil kahit ako wala naman kaalam alam kung sino ang buset na lalaking yun. Iaalis ko na sana ang tingin sa kanila ng higitin ako ni Mommy papunta sa kinatatayuan nila.
BINABASA MO ANG
Biggest Problem: To Fall In Love
Teen FictionPaalala: Ang story po na ito ay ang ginawa kong fanfiction noon sa B2ST. K-Pop group! Kung kilala nyo, wave naman dyan haha. Try nyo po basahin. :D Di ko maisip kung ano ba talaga dapat title nung story. Nung unang post ko nyan, "I Don't Know How To...