Chapter 1: First Day Of School

519 4 1
                                    

CHAPTER 1: First Day Of School

Ngayon, ako at ang aking 2 besties ay papasok na naman sa panibagong school, meaning transferee kami. Kung titignan naman ang school ay mukhang okay lang. At dahil bago kami sa school, we don't know anything about there. Kung sino ang sikat at kung anu-ano pa. Well, we don't care din naman kase.

I'll introduce myself na pala. My name is Jeanelle Eugenio. Mayaman kami at pinagmamalaki ko yun. My mom is a C.E.O ng isang building as a fashion designer. While my dad have his own business also. Only child lang din ako kaya naman lahat ng luho naiibigay sa'kin. Pero masaya ako kahit na wala akong kapatid, nandyan naman ang 2 besties ko, si Rizza Esquivel at Kyla Cabrera.

"Jean, good morning." Bati sa'kin ni Rizza sabay takbo palapit sa'kin at niyakap ako ng napaka-higpit.

"Good morning Nelle. Grabe yang si Rizza, excited na makita ka." Natutuwang sabi ni Kyla habang pinagmamasdan kami ni Rizza.

"Yeah! I know." Nakangiting sabi ko, tapos kumalas na sa pagkakayakap si Rizza sa'kin. "Good morning pala sa inyong 2. You guys ready?" Nakakalokong tanong ko.

"Yup!" They said in unison.

"Paalala lang Nelle, you should try to be nice na ngayon huh." Paalala sa'kin ni Kyla.

"Uhm... I'll try." Nag-wink ako sa kanya at ngumiti ng nakakaloko.

Dahil ready na kami, nag-paalam na kami sa mom ko. Then nag-start na kami maglakad papunta sa school namin. Walking distance lang kase sya at saka masaya naman maglakad dahil kasabay ko silang 2.

Sa paglalakad namin hindi namin namalayan na nakarating na pala kami sa school. Pumasok na kami sa entrance gate, at nang makapasok kami nakita namin ang mga babaeng nagkakagulo sa kung anong bagay. At sa kabaliwan nilang yun, nahaharangan na tuloy nila yung daan papasok sa building.

"Excuse me." I said as I pleased them kaso nga lang parang bingi ata tong mga to.

"Pwede bang wag kayong humarang sa daanan nakakaistorbo kayo." Malakas kong sabi na halos parang sigaw na rin.

"Hey Jean relax, take it easy okay." - Rizza.

"Tama sya Nelle. At saka baka may iba pa dyan na pwede natin daanan." Pilit na pinipigilan ako ni Rizza at Kyla pero di ako nakinig.

Like hello, nandito na kami sa daanan eh. Pero nang dahil sa kanila kailangan pa namin mag-hanap ng other way. Tsk, patay sa'kin tong mga to. Itinulak ko yung girl na nasa harapan ko na kanina ko pa sinasabihan ng 'Excuse me.'

"Hey! Bakit ka ba nanunulak?" Maarteng tanong sa'kin nung babae na mukhang hammer, POK!

"Bulag ka ba? Tanga! Di mo ba nakikita na nakaharang na kayo sa daanan. Nakakaistorbo yang pagharang nyo papasok ng building. Pwede bang MAKIRAAN?" Asar na sabi ko dun sa babae, tapos tumabi na sila.

Sa wakas nakadaan din. Pahirap naman kase yung mga yun tsk.

Habang naglalakad na kami, dun ko napansin ang 6 boys na siguro ay sila ang pinagkakaguluhan ng mga baliw na babaeng nakaharang sa daan.

"Nelle, nasa langit ba tayo? God ang gwapo nila." Kinikilig kilig na sabi ni Kyla sa'kin. Tignan mo tong babaeng to nabihag agad hmp.

"Talaga? Sus! Parang hindi naman eh." I said and rolled my eyes.

"Bulag ka ba Jean? They're damn handsome kaya." Amaze na sabi naman ni Rizza. Eh kung dukutin ko kaya mga mata nila.

They are damn handsome? Duh! Baka naman sila ang bulag. Kung iadmire nila parang artista ang nasa harapan.

Biggest Problem: To Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon