CHAPTER 5: Transferees.
Monday na naman. May pasok na ulit. I did my daily routine pagkatapos bumaba na para naman mag-paalam kay mommy.
"Mom, alis na po ako." Paalam ko sa kanya.
"Oh hindi ka ba susunduin ni Jervin?" Tanong nya sa'kin habang busy sa harap ng laptop nya.
"Nope! But don't worry, aantayin naman nya ko sa labas ng school eh." Sagot ko. Lumapit ako sa kanya at nag-kiss tapos umalis na ko.
This time naka-bike ako papuntang school. Nakakatamad kaseng mag-lakad papuntang school ng walang kasabay. Para kaseng ang layo ng school sa pakiramdam ko pag walang kasabay.
Habang busy ako sa pagmamaneho ng bike ko, susyal naka-bike. Ayun nga tsk, nakita ko sa park yung 2 besties ko kasama ang mga halimaw. Bali kasi, sa pagitan ng bahay namin at ng school ay yung park.
Tumigil ako sa harapan nila nung nakita na din nila ko at bumaba sa pagkakaupo ko dun sa bike.
"Good morning Jean." Bati sa'kin ni Rizza, sabay yakap na naman.
Namiss ko yung yakap nya. Lately kase, di na nya ko masyadong nayayakap eh.
"Good morning sa inyong lahat. Nadadalas na ata ang pagsama sama nyo sa mga halimaw na 'to ah. Friends na ba ang lahat?" Nakangiting tanong ko, pero naka-cross arms ako.
"Nope! Yan kasing si Kyla at Ivan di magkasundo eh." Sagot ni Marco sa'kin.
"Pati na rin yang si Rence at Rizza." Dagdag ni Jayden sa sagot ni Marco.
"Ganun? Bakit naman? Dapat magkasundo sundo na kayo tutal lagi naman kayong nagkakasama sama eh." Medyo naka-simangot na sabi ko habang sila nakakatingin sa'kin na parang nagtataka. "Bakit ganyan kayong tumingin sa'kin?" Nag-pout ako.
"Kase you forgot something." Francis said.
"What is it?" Nagtatakang sabi ko.
"Ikaw ba at si Jervin friend na ngayon?" Tanong ni Francis. Nag-isip muna ako kung anung tamang sagot dun. Kaya nga lang may biglang sumagot sa tanong nya.
"Francis, alam mong imposible yun. Baka kung ano pang magawa ko dyan pag kinaibigan ako nyan." Sagot nya habang nakatingin sa ibang direksyon.
"Aba't ako pa talaga ang hinamon mo. Alam mo I'm not expecting you to be my friend naman eh. And don't expect na gusto kitang maging kaibigan." Pasigaw na sabi ko sa kanya.
"Alam nyo kayong dalawa, kakainin nyo din yang sinabi nyo. Baka nga hindi lang kayo maging mag-kaibigan eh. Baka mag-ka-ibigan pa kayo mas mabuti, di ba guys?." Mas lalo tuloy akong naasar dun sa sinabi ni Ivan.
Kung anu ano ang pinagsasasabi. Baliw! Baliw! Baliw! Never yun mang-yayari. As in >.<
Nag-lakad na lang kami papuntang school baka magka-rumble-an pa dito mahirap na. Inaalalayan ko na lang yung bike ko, unfair kase para sa kanila.
Pag dating sa school building naghiwahiwalay din agad kami at nagpunta sa kanya kanyang class room. Pagpasok namin sa room namin yung mga classmate namin may kung anung pinag-uusapan.
At naintindihan lang namin yung pinag-uusapan nila nung pumasok na ang advicer namin sa loob ng classroom namin. May kasama syang new student at nanlaki ang mata ko ng makilala ko kung sino ito. Sino pa ba?
Si Niko lang naman. =________=
"Rence palit tayo ng upuan dali." Biglang sabi ni Jervin kay Rence, napansin nya din pala.
BINABASA MO ANG
Biggest Problem: To Fall In Love
Fiksi RemajaPaalala: Ang story po na ito ay ang ginawa kong fanfiction noon sa B2ST. K-Pop group! Kung kilala nyo, wave naman dyan haha. Try nyo po basahin. :D Di ko maisip kung ano ba talaga dapat title nung story. Nung unang post ko nyan, "I Don't Know How To...