CHAPTER 4: WANTED: FAKE BOYFRIEND
Pagkatapos namin bumili ng ice cream nila Kyla at Rizza naghiwahiwalay na din kami para umuwi. Halos ginabi na nga din ako.
Pagkauwi ko, yung mom ko nakaabang na agad sa living room namin. Tapos sabi nya may pag-uusapan daw kami. After nya sabihin yun nagpunta na agad ako sa room ko para magpalit saka ko hinarap mom ko.
"Mommy, ano po ba yung gusto nyong pag-usapan?" Mahinahong tanong ko sa kanya. Naupo din ako sa tabi nya.
"I just wanted you to know na kami ng dad mo ay nag-desisyon na ihanap ka ng fiancè." Nakangiting sabi nya sa'kin.
"Mom, uso pa ba yan ngayon?" Nakasimangot na tanong ko sa kanya.
"Aba oo naman. Mayaman tayo nak kaya uso pa sa'tin yan. Isa pa ayaw mo kaseng tumanggap ng suitor. Baka di ka makapag-asawa nyan kaya kami na naghanap para sayo." Explain naman nya sa'kin. Si mommy talaga hays.
"Mom, what if may boyfriend na ako? May suitor?" Nagbabakasakaling tanong ko sa kanya.
"If you have, then I'll tell to your dad na i-cancel yun. But," Binitin pa ko sa sasabihin nya.
"But?" Kinakabahan na tanong ko.
"You have to introduce that boyfriend of yours after my business trip." Sabi nya sa'kin.
"Eh mom, 1 week lang yung bisuness trip nyo eh." Naka-pout na sabi ko.
"So what? Boyfriend mo na naman di ba?" Patay tayo dyan tsk.
"O'sige na nga po." Wala na kong nagawa. Kase naman eh!
Pagkatapos namin mag-usap kumain na din kami ng dinner ni mom at hinayaan na akong bumalik sa room ko.
Hindi naman sa hindi ko pinoproblema yun kaya ako nakatulog ng maaga. Ano magagawa ko? Pagod ako sa gala kasama yung mga halimaw kanina eh.
Teka? Uwaaaaa~ wala palang exciting na mangyayari sa'kin ngayon dahil sa problema ko. TT_________TT
Sa sobrang aga ko siguro nakatulog, nagising din ako ng maaga. At grabe, ngayong umaga ko lang naramdaman na sobrang .....
DEPRESS PALA AKO.
I did my daily routine lang tapos naglakad na ko papuntang school habang iniisip pa rin kung anong gagawin ko.
Uwaaaaaaah~ Sino naman ang pwede kong ipakilalang boyfriend ko kunwari?
Should I asked Rence?
Nah-ah! Nakakahiya sa kanya. At saka parang hindi naman ata kami bagay. Choosy ko pa eh tsk.
Eh kung yung ibang member kaya ng Halimaw group?
Paksyet hindi pa naman ako ganun ka-close sa kanila eh. Uwaaaaaah~ anong gagawin ko? TT___TT
Hindi ko na tuloy namalayan na nasa loob na pala ako ng building at andito na agad sa tapat ng room namin. Kase naman eh!
Nung pumasok ako sa loob ng room namin, iisa pa lang yung classmate ko na nandun. Nakatanaw sya sa labas ng bintana. Hindi ko na rin sya kinilala pa, kase nadedepress na talaga ko.
"Good morning." Matamlay na bati ko sa classmate ko.
"Good morning? Eh ang tamlay ng boses mo." Sabi nung classmate ko saka humarap sa'kin.
"J-Jervin?" Nagulat ako ng makita sya. Hmp, should I ask him?
Habang nakatingin ako sa kanya at pinag-iisipan kung tatanungin ko sya bigla naman nag-ring cellphone ko. Ayun yung mom ko tumatawag.
![](https://img.wattpad.com/cover/1516620-288-k725753.jpg)
BINABASA MO ANG
Biggest Problem: To Fall In Love
Fiksi RemajaPaalala: Ang story po na ito ay ang ginawa kong fanfiction noon sa B2ST. K-Pop group! Kung kilala nyo, wave naman dyan haha. Try nyo po basahin. :D Di ko maisip kung ano ba talaga dapat title nung story. Nung unang post ko nyan, "I Don't Know How To...