Chapter 37: Before Everything Happens [Part 2]

119 1 5
                                    

CHAPTER 37: Before Everything Happens [Part 2]

Wala naman choice si Mina at Jade kundi ang sagutin ang tanong ni Jeanelle about Ellaine, kung alam nga ba nila ang pati tungkol dito. Naisip nila na hindi naman kailangan na ikaila pa dahil ang purpose naman talaga ng usapan na ‘to ay ang ipaalam sa kanila ang lahat ng ginawa nila para sa anak nila. At syempre kasama na rin ang mapag-usapan ang nararamadaman ng bawat isa noong ginagawa nila ang lahat ng ito.

“Waaaaah! Jeanelle anak, halos mamatay ako sa sobrang sakit na malaman na nasasaktan ka noon. Nagalit din talaga ako kay Jervin noon pero isinantabi ko yun dahil alam ko at ramdam ko na may pagtingin sya sayo. Ang nakakainis lang, hindi mo man lang in-open sa’kin ang bagay na yun para mapagaan ko ang loob mo.” Nagmamaktol na sagot naman ni Jade sa tanong ng anak nya.

“Akala nga namin susuko na yang si Jade dahil sa nangyari sayo. Pero wala, determinado talaga sya na maging kayo nitong anak kong si Jervin. Ewan ko ba kung ano ang nakita ng mommy mo sa anak ko.” Natatawa at hindi makapaniwalang sabi ni Ram sa kanila.

“Ano ka ba naman Ram, wala ka bang tiwala sa pagkatao ng anak mo? Ang ganda ng pagkatao nya kahit na minsan may pagka-bad boy talaga sya. At isa pa pag nakakasama ko sya at si Jeanelle, nase-sense ko na may nararamdaman talaga sya para kay Jeanelle kaya tinutulungan ko lang sila.” Si Jade naman kung maka-reklamo kay Ram parang bata na spoiled. Yung tipong gagawin talaga ang lahat dahil yun ang gusto nya at yun ang nararamdaman nya na dapat gawin.

“Ano... Mom.” Pagkuha ni Jeanelle sa atensyon ni Jade. “S-Sorry kung hindi ako nag-open sa inyo nung mga panahon na yun huh. Hindi ko naman kasi alam ang totoong nararamdaman noon ni Jervin eh. At saka dahil nagpapanggap kami, akala ko kailangan maging perfect ang tingin nyo sa’min para kapanipaniwala. Sorry po.”

“Aww~ Okay lang anak, basta sa susunod na may mangyaring ganun mag-sumbong ka kaagad sa’kin huh.” Tumango naman si Jeanelle at muli niyakap nila ang isa’t isa.

“Pinaalala nyo pa yan huh. Tsk! Halos sumabog ako sa galit ng malaman ko ang nangyaring yun. Gusto ko ng sugurin si Jervin noon para masapak, pinigilan lang talaga ako ni Jade at tinulungan na kumalma.” He automatically clench his fingers na para bang bigla bigla ay naramdaman nyang muli ang galit na yun.

“Buti na lang pala at kayang kaya kang pakalmahin nitong si Jade.” Napatingala si Ram ng tumayo si Brix sa kinauupuan nya at nilapitan si Jervin.

“Kahit parte ng plano ni Jade ang pag-uusap natin nung una tayong nagkakilala, seryoso pa rin ako sa mga sinabi ko sayo noon. Di ba sinabi ko naman sayo na wag mong sasaktan at paiiyakin si Jeanelle?” Akmang susuntukin nya si Jervin sa mukha, nakatingin lamang si Jervin dito na para bang sinasabi na handa syang tanggapin ang suntok na yun kaya naman itinuloy ito ni Brix. Pero ang suntok na yun ay sa hangin lamang tumama, na halos 1 inch na lamang ang layo sa mukha ni Jervin.

“Sorry po kung nasaktan ko si Jeanelle ng mga panahon na yun dahil kahit ako hindi pa sigurado noon sa nararamdaman ko para sa kanya, ni hindi ko naisip na mahuhulog ako sa kanya dahil ang plano ko lang ay ang tulungan sya hanggang sa masabi nya sa inyo ang kasalanan nya. Pero ngayon, sisikapin ko po na tuparin ang usapan natin noon. Hindi po ako mangangako pero sisikapin ko na gawin ang lahat para matupad yun.” Seryosong sabi ni Jervin. Walang tensyon sa pagitan nila, ang dating lang ay para bang hinihingi na ni Jervin ang kamay ni Jeanelle sa ama at willing naman ito na ipagkatiwala ito sa kanya.

Brix patted his head and said, “I know! Ngayon pa na napatunayan namin kung gaano katapat ang pagmamahal mo para kay Jeanelle.”

Biggest Problem: To Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon