Chapter 24: Awkward~

232 3 1
                                    

Dedicated kay @mimaygel .. Haha thanks sa pag-aantay ng update ko XD .. Pero sa totoo lhan ayoko na 'tp i-update wahaha ~ pero sige, para sayo, I'll try to update .. Intay intay ka nga lhan XD .. Thankies ng madami ^_^

----------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 24: Awkward ~

"Hindi totoo yun Jeanelle, hindi ko na sya mahal dahil ikaw na ang mahal ko."


Nagising ako bigla dahil sa narinig ko. Hindi, naalala ko na sinabi yan ni Jervin. Pero kailan at paano?

Baka panaginip lang.


Pagkagising ko, mata ko kaagad ang binisita ko. You know naman kagabi, wala na akong ginawa kundi ang umiyak. Ewan ko ba naman sa sarili ko! Ang OA ko lang! Hindi naman dapat ako nagkakaganito ng dahil sa kanya. Hays ~


Okay naman yung mata ko kaya I did my daily routine na. Naligo, nagtoothbrush, palit ng uniform, kain, basta lahat ng ritwal ko pag papasok.


Nang makababa naman ako, si Kyla at Rizza agad ang nakita ko. Mukhang inaantay nila ako. Lumapit ako sa kanila at saka ngumiti.


"Good morning mga besties ko." Naglalambing na bati ko sa kanila. Nagpapanggap na parang walang problema.


Pwede na akong artista nu? Chos, haha-----hays~


"Good morning." Bati ni Kyla. "Ano bang nangyari sayo nung isang araw?" Nag-aalalang tanong nya.


"Oo nga naman Jean. Nag-inom ka pa, nag-alala kami ng sobra sayo." Nag-aalalang sabi din ni Rizza.


"Sorry Kyla and Rizza." Ang tangi kong na sabi sa kanila at niyakap ko silang dalawa.

Nahalata siguro nila na hindi pa ako handa na mag sabi sa kanila kaya naman niyakap na lang din nila ako. Gusto ko ng maiyak pero pinigilan ko. Ayokong makita nila ako na mahina at nasasaktan. Ayokong mas mag-alala sila.


"Let's go?" Yaya ko sa kanila ng may ngiti ng maghiwalay kami sa pagkakayakap.


Naglakad na kami papunta sa school. Nang nasa park na kami, nakita ni Rizza ang mga Halimaw na mukhang may hinihintay. At ng mapalingon naman sila sa direksyon namin, masaya silang kumaway sa'min kaya naman lumapit na kami.


At syempre, dahil pasaway ang mga mata ko, ayun hinanap sya ng mga mata ko at sobrang nailang naman ako ng magkatitigan kami. Sa sobrang awkward halos di ko na kaya ang makipagtitigan sa kanya.

"Good morning mga Halimaw." Di ko na lang inintindi ang pagka-awkward ko.


"Good morning." They said in chorus.


"How are you?" Alam kong sya ang nag-tanong. Syete ~


"I-I'm fine." Nauutal na sagot ko.


"Are you sure Jean?" Tanong ni Marco.


"Yup! No doubt." Naiilang pa rin na sagot ko.


Naramdaman ko na marami pa silang gustong itanong kaya naman bago pa mangyari yun, "Tara na nga."


Pagkasabing pagkasabi ko nyan naglakad na agad ako. Sumunod naman sila.

Nakakainis naman kasi. Bakit ba ang awkward? Bakit naman kasi nung nakita ko sya bumalik yung sakit na nararamdaman ko? Kainis talaga 'tong utak ko, nag-iinarte na naman.


Kainis talaga! >.<
Bakit ba sa halip na ayawan ko sya pakiramdam ko gustong gusto ko pa din sya? Bakit ganun? =O=

Habang naiinis ako sa kakaisip, bigla ko na naman narinig ang boses nya, "Can we talk later?"

Biggest Problem: To Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon