CHAPTER 14: How Sweet (Part 2)
Yawn!
Uwaaaaaaah~ Asan na ba ako? Ang huling naalala ko ay kasama ko si Niko. Tapos, tapos .......
Ah tama! Yung fake boyfriend ko na si Jervin ang naghatid sa akin, di ba?
Gawd! Kinikilig ako. Naalala ko bigla na buhat nya ko sa harap ng maraming students. Di ba? Yun ang nangyari di ba? Uwaaaaah~ Kakilig!
Pinagmasdan ko ang loob ng kwarto at napagtanto na ako ay nasa sarili kong room. Pinakiramdam ko ang aking sarili kung okay na. At sa tingin ko naman ay bumuti na ang pakiramdam ko.
Inikot ko ang buong kwarto hanggang sa maramdam ko na para bang may nakahawak sa kanang kamay ko.
Paksyet!
Si Jervin pala nasa tabi ko at hawak ang kamay ko. >#< My god! Pakiramdam ko nag-iinit ang mukha ko. Iiiiiiiiiiiieeeee kinikilig ako. XD
"Hoy! Ikaw huh. May paghawak ka pa sa kamay ko." Pagtataray ko habang tulog sya.
Napangiti ako dahil nakikita ko ang maamo nyang mukha. Ang gwapo pa din nya kahit tulog. Mukha syang mabait na prinsipe at hindi isang halimaw.
"Kung inalagaan mo ako, maraming salamat." I whispered and I kiss him on his forehead.
Hinayaan ko na lang syang matulog habang ako ay nanatili lamang na nakahiga. Pinagmamasdan sya habang naiisip ang isang bagay.
ANG TAPUSIN NA ANG GINAWA KONG KALOKOHAN.
Sa sobrang lalim ng iniisip ko hindi ko na namalayan na nagising na pala sya. Natauhan lang ako ng hawakan nya ang forehead ko at icheck kung okay na ako.
"You still have fever." Sabi nya.
"Yeah! Pero pagaling na naman eh. Ikaw ba nag-alaga sa'kin?" Painosente pa ako.
"Well, yeah! Teka lang huh. Ayos lang ba na gamitin ko saglit ang kusina nyo?" Tanong nya.
"Yup! Pero bakit?"
"Ipagluluto po kasi kita mahal na prinsesa." Sarcatic na sabi nya. Nag-pout naman ako.
"Pumunta ka na nga dun. Sapakin pa kita eh." Angil ko.
Kasi naman eh. Parang nang-aasar pa tsk. Grabe talaga 'tong tao na 'to eh.
JERVIN's POV:
Ang sarap ng tulog ko syet gabi na pala. Tapos gising na din si Jeanelle. Hindi pa tuloy ako nakapag-ready ng kakainin nya.
Dito na ko sa kitchen nila at nagluluto. Tutal naman ay may sakit sya, porridge na lang ang lulutuin ko.
Pagkatapos kong mag-luto bumalik na ulit ako sa kwarto nya. Naupo sa left side ng kama nya at inalalayan syang maupo.
"Ah." Utos ko sa kanya. Ngumanga sya kung baga.
"A-Ano yan? S-Susubuan mo a-ako?" Nauutal na tanong nya.
"Oo! Bakit may problema?" Tinaasan ko sya ng kilay.
"Pwede ba! Kaya kong kumain mag-isa nu." Nagyayabang na sabi nya.
"Eh ano namang pakelam ko. Dalian mo na at iinom ka pa ng gamot." Mataray naman na sabi ko.
Nakipag-matigasan pa sya pero sa huli wala na din syang nagawa. Pagkatapos nyang kumain ay pinainom ko na sya ng gamot.
Nung mga oras na pinapakain ko sya. Napapangiti ako dahil nakikita ko kung paano sya nahihiya sa'kin. Siguro nga gusto ko na sya talaga ayoko lang aminin.
BINABASA MO ANG
Biggest Problem: To Fall In Love
Novela JuvenilPaalala: Ang story po na ito ay ang ginawa kong fanfiction noon sa B2ST. K-Pop group! Kung kilala nyo, wave naman dyan haha. Try nyo po basahin. :D Di ko maisip kung ano ba talaga dapat title nung story. Nung unang post ko nyan, "I Don't Know How To...