Chapter 8: A Strange Feeling

345 3 0
                                    

 Dedicated sa kanya kasi binabasa nya 'tong story ko hehe. Thank you so much :))

CHAPTER 8: A Strange Feeling

Monday.

Okay may pasok na naman. Uwaaaaah~ parang nakakatamad, pero bumangon na rin ako. I did my daily routine na and this time, pagkatapos nun inantay ko pa ang mga besties ko.

Sa pag-iintay ko sa kanila kung anu ano na tuloy ang naisip ko. Na natapos na yung pag papanggap namin. Na ikakasal na ako kay

Jervin.

"Goooooood morning Jean." Ay naputol yung pag deday dream ko. Sayang ikakasal na kami eh.

Pero bakit ikakasal? Kala ko tapos na pagpapanggap namin? Langyang daydream yan.

"Rizza, nananaginip pa ata ng gising yang si Nelle eh." Sabi ni Kyla. Dun na talaga ko bumalik sa katotohanan.

"O-Oy h-hindi ah. Tara na nga!" Kinuha ko na yung gamit ko at nag-babye na kay mommy.

Habang naglalakad ako kasama sila. Hindi ko sya maaalis sa isip ko.

SINO?

Aba malay ko.

Tapos naalala ko bigla yung mga Halimaw. Hanggang ngayon kase wala pa din silang cellphone number sa'kin. Parang ewan lang kami nu.

"Oy Nelle, ayos ka lang ba? Lutang ka na naman. Di ka ba nakatulog ng maayos?" Nakakunot noong sabi ni Kyla.

"Ayos lang ako. Itatanong ko lang sana sayo kung may number ka ng mga Halimaw na yun?" Seryosong sabi ko.

Uwaaaah~ para akong bangag. Daig ko pa tuloy ang naka-drugs tsk.

"Wala eh! Kahiya naman kasing kunin. Baka kase mamaya kung ano pang isipin nila, lalo na yung si Ivan." Sagot nya sa'kin at naasar sa sarili nyang thoughts about Ivan.

Hay nako.

"Ah gnun ba. Sige I'll ask them na lang later." Yun na lang ang sinabi ko.

Ayan nakarating na kami sa school gate. Pagkapasok namin si Niko at yung dalawa agad nyang kaibigan ang nakita namin.

JERVIN's POV:

Monday.

May pasok na naman. Grabe makikita ko na naman sya. Walang araw na hindi ko nakikita pagmumukha nya. Nu ba yan? =________=

This time di namin kasabay na pumasok yung tatlong luka. Honestly, ngayon ko lang ulit na ramdaman na sikat nga pala kami sa school na 'to.

Pagkapasok namin ng school pinaligiran na naman kami ng mga babae. Nakakabingi nga sila eh, sigawan ng sigawan.

Habang itong mga ungas kong kaibigan ay busy sa pakikipag-plastikan sa mga 'to. Nahagip ng mata ko ang tatlong babae mula sa entrance gate. At alam ko na sila yun.

Sasabihin ko na sana sa tropa na nandun sila kaya nga lang napatigil din agad ako ng makita ko na nilapitan ni Niko at ng kaibigan nya ito.

Saglit na pinagmasdan ko sila at nakita na ngumiti sya. Mukhang nagkakatuwaan sila dun. Pssf.

Parang naasar ako bigla. Hindi ko alam pero nagsalubong ang kilay ko nang makita na napapatawa nya si Jeanelle ng ganun.

"Bakit ba di na lang nya tinanggap si Niko na fiancé nya?" Pabulong na sabi ko. "I think they can be a perfect couple." Nag-walk out na ko.

Biggest Problem: To Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon