CHAPTER 31: Sacrificing Own Happiness
Habang si Mommy at Niko ay kumakain, nakatingin lang ako sa kanila at inaabangan kung ano ang mangyayari. Ni hindi ko nagalaw ang pagkain ko sa pag-iisip sa mangyayari after nito. Tahimik ang lahat at walang nagsasalita na mas nakapagpalakas ng kaba ko. Hindi ko naman magawa na tanungin si Mommy dahil sa takot na marinig ang sagot nya na siguradong hindi ko tatanggapin.
Pero kahit anong pigil ko na sana wag na lang dumating yung oras na mag-uusap usap kami ay wala akong magawa. Nagtungo kami sa living room at doon nag-uusap si Mommy at Niko nang bigla akong mapansin ni Niko sa kinauupuan ko.
“Jeanelle okey ka lang ba? Hindi ka nagsasalita at hindi mo rin ginalaw ang pagkain mo kanina.” Maririnig sa tono ng boses nya ang pag-aalala.
“Wag kang mag-alala sa kanya Niko. I bet hindi lang nya gusto ang nakahain kanina.” Pagsagot ni Mommy sa kanya saka ito nginitian.
“By the way Tita Jade, ang lakas po ng ulan. And someone is waiting for you, I bet.” Pagbabago ni Niko ng usapan. Nagtaka naman ako kung sino ang taong yun, at bakit di nilalabas ni Mommy. Hindi kaya? o_O
“I know who’s that someone, at wala akong balak na harapin sya.” Cool lang na sagot ni Mommy at saka ininom ang juice na nasa tapat nya. “Just let him be, aalis din yun.”
“I don’t think so Tita, kasi kung aalis sya, sana kanina pa habang hindi umuulan,” Tumigil saglit si Niko at tumingin sa’kin pero ibinalik din ang tingin kay Mommy. “And also, that someone is special for Jeanelle.”
Sa sinabi nyang yun isang tao lang ang naisip ko. Anong ginagawa nya dito? At saka umuulan. May payong ba sya? Baka basang basa na sya, baka magkasakit sya.
Puro pag-aalala sa kanya ang pumasok sa utak ko. Halos gusto ko ng maiyak sa pag-aalala. Nakakainis sya, pinapahirapan nya ang sarili nya. Pero bakit natutuwa ako na may ginagawa sya para sa’min? Adik talaga yun, pero mahal na mahal ko.
Habang nalulunod ang utak ko sa kakaisip sa kanya, narinig ko bigla ang sinabi ni Mommy kay Niko na ikinawala ng saya sa loob loob ko.
“Wag mo ng alalahanin yun Niko. Ang pag-usapan na lang natin ay ang engagement mo kay Jeanelle. Excited ka ba hijo?” Masayang tanong sa kanya ni Mommy.
Napatulala na lang ako sa narinig ko mula kay Mommy. Paano na ‘to? Wala na ba talagang atrasan ang engagement na yan? Ready na ang pagbuhos ng luha ko ng makuha ni Niko ang atensyon ko sa pagtawa nya. Lumingon ako sa kanya at saka nya ulit ako nginitian, isang matamis na ngiti.
NIKO’s POV:
“Wag mo ng alalahanin yun Niko. Ang pag-usapan na lang natin ay ang engagement mo kay Jeanelle. Excited ka ba hijo?” Masayang sabi sa’kin ni Tita Jade. Pero alam ko na mas gusto nya si Jervin para kay Jeanelle.
BINABASA MO ANG
Biggest Problem: To Fall In Love
Teen FictionPaalala: Ang story po na ito ay ang ginawa kong fanfiction noon sa B2ST. K-Pop group! Kung kilala nyo, wave naman dyan haha. Try nyo po basahin. :D Di ko maisip kung ano ba talaga dapat title nung story. Nung unang post ko nyan, "I Don't Know How To...