CHAPTER 42: DECISION

842 15 0
                                    

"Anak, kumain ka muna oh. Mamaya kana tumulong sa amin ng Tatay mo." Malambing na saad ni nanay.

"Sigi po nay, basta wag po kayung mag-alala maghahanap ako ng trabaho para kahit papaano may panggastos parin tayu at pangtustus sa gamot niyo." Nakangiti kung saad.

"Ay sus! Wag kang mag-alala anak yung mga pinadala mo sa amin. Hindi payon na ubos may natira pa kaya wag kang mag-alala."

Napangiti nalang ako. Napakasuwerte ko talaga sa mga magulang ko.

"Basta nay, wag niyu ng isipin niyang pangagastos niyu hangang nandito ako. Tutulongan at tutulongan ko kayu." Nakangiti kung saad. 

"ikaw balaha, basta pahinga ka muna dyan at lalabas na ako para tulongan ang tatay mo." Isang tango lang ang isinukli ko kay nanay.



"Oh anak! Nandyan kana pala, tita grace mo pala. Naalala mo?" Isang tango lang ang isinagot ko.

"Mano po, tita." Magalang kong saad.

"Kay laki mona pala. Alexa, puwede ka ng dalhin sa ibang bansa."  Nagulat naman ako sa sinabi ni tita.

"Po?" Nagtatakang tanong ko.

"Eh kung  papayag yang nanay mo, eh gusto sana kitang dalhin sa ibang bansa para naman magamit mo yang pinag-aralan mo." Nakangiti saad nito. 

"Hay naku! Grace eh kung ako lang naman yung tatanongin payag naman ako iwan ko lang dito sa anak ko, alam mo naman hindi nitong gusto mapalayo sa akin." tila nang-aasar pa ang tono ni nanay. Habang si tatay naman napa iling-iling nalang.

"Nay naman!" Napanguso nalang ako.

"Anak, hindi naman sa ipinamimigay ka namin ng nanay mo, pero mas maganda talaga kung sa ibang bansa kasi hindi ka masyadong mahihirapan kumita ng pera. hindi katulad dito maliit lang ang kita." Napabuntong hininga nalang ako sa sinabi ni tatay.

"Tama ang tatay ko anak, wag ka sanang gumaya sa amin na walang pinag-aralan." Mahinahong saad ni nanay.

"Nay naman, niyu nga yang sabihin. kontento po ako sa anong meron tayu ngayon, wag po kayung mag-alala pag-iisipan ko po yan." Nakangiti kung saad.

Tumikhim naman si tita grace, saka ngumiti.

"Tama yan. Alexa, pag-isipan mo ng mabuti. Oh siya babalik ako dito bukas para malaman ang desisyun mo. Mauna na ako sa inyu may pupuntahan pa kasi ako." Malamyos ang tinig nito ngunit mababakas ang kaseryusohan.

"Mag-ingat ka, Grace." Pormal na sabi ni nanay. Isang tango lang ang iginawad ni tatay.



"ANO?" batid kung gulat din si Cassandra sa sinabi ko.

"Pinag-iisipan ko pa naman." Mahinahong saad ko.

"Alam kong nasaktan ka. Alexa, pero sana pag-isipan mo yan ng mabuti. Eh kung nandyan ka palang nga sa probensya eh hindi mona ako matawagan, paano pa kaya kung nasa ibang bansa ka." Ramdam ko ang pagtatampo sa boses nito.

Napabuntong hininga nalang ako saka nagsalita. "Wala kasing signal dito kaya hindi kita matawagan, pero wag kang mag-alala pinag-iisipan ko pa."

"Bakit mo pa pinag-iisipan kung papayag ka naman." Maldita talaga tong si cass.

"Cass." Malamyos kung saad.

"Hayaan mona mawawala din to."

"Alam mo naman hindi kita kayang babaan ng tawag hangang hindi tayo nagbabati." Nakangiting saad ko kahit hindi niya ako nakikita.

"Sigi na nga basta dadalaw ka dito ah, kung aalis ka talaga dalawin mo muna ako dito bago ka umalis." Ramdam kung nakanguso ito.

"Oo ba, basta wag ka ng magtampo dadalawin naman kita eh."

"Sigi na nga, oh siya ibababa ko mona toh may trabaho pa kasi ako eh, tumakas lang talaga ako." rinig ko ang mahinang tawa nito sa kabilang linya na ikinatawa ko na din.

"Mabuti pa at may gagawin rin ako." Nakangiti kong saad saka binaba ang tawag. 

Napabuntong hininga nalang ako saka niligpit ang aking higaan. Hindi ko kasi ito naligpit kanina.

"Anak! Lumabas ka muna dyan at may naghahanap sayo." Malakas na sigaw ni nanay.

"Sino daw po nay!" Pabalik kung sigaw.

"Lumabas kana lang anak." Napabuntong hininga nalang ako saka lumabas.

"Alexa." Base sa panlalaki nitong boses na napaka sarap pakingan. Alam ko kung sino toh.

"Anong ginagawa mo dito? Huh! Umalis ka dito!" Parang wala lang sa kanya ang mga tulak ko dahil hindi man lang ito natinag.

"Anak! Ano ka ba? Bakit mo inaaway ang boss mo?" Nagtatakang tanong sa akin ni nanay.

"Ma pa alisin mo yan. Hindi ko siya gustong makita." Ramdam ko ang paninigas nito sa kinatatayuan nito. "At ikaw naman! Ang kapal ng mukha mong pumunta dito, Layas!" Halos manlabas ang litid ko sa lakas ng sigaw ko.

"I'm sorry, Alexa. I didn't know, I didn't know what happened to you that day. I swear please believe me." Nakita ko ang pagbabago ng emosyon nito.

Habang ang mga magulang ko naman ay nalilito sa nakikita nila.

"Please, Alexa. Let me explain baby." Nakita ko ang gulat sa mga mukha ng mga magulang ko.

"Baby?" Nagugulohang tanong ng nanay ko.

"Ano ito Alexa? Nakipag relasyon kaba sa amo mo?" Kita ko ang galit at gulat sa mga mata ni tatay.

"Pa, makinig po kayu sa akin." Umiiling-iling ito. "Ngayon alam kona kung bakit ka bumalik dito, anong ginawa nila sayu doon sa maynila, Alexa sabihin mo sa akin."

Nakaramdam naman ako ng kaba, dahil napakabihira lang talaga magsalita ni itay. Ngunit kapag siya ay nagalit talagang napakahirap harapin.

"Tay, kumalma po muna kayu." Sinobukan kung hawakan ang kamay ni tatay.

"Wag mo akong pipigilan. Alexa, dahil mapapatay ko yang lalaking yan, kahit gaano payan kayaman hindi ako natatakot." Galit na galit na saad ni tatay. Saka sinubokang suntokin si Drake, pero pinigilan ito ni nanay saka pinakalma.

"Huminahon ka Ernesto!" Pagpapakalma ni nanay Kay tatay.

"Hindi Merlenda! Hindi ko ito matangap, hindi natin sinasaktan ang prensisa natin tapos sasaktan lang ng lalaking yan, Alexa magsabi ka nga ng  totoo, sabihin mo sa akin kung ano ang ginawa sayu ng lalaking yan." Napayuko nalang ako.

"Tay pumasok muna tayu. Nakakahiya na po ating mga kapitbahay." Nakayuko kung saad.

"Mabuti pa, at ikaw naman Ernesto. Huminahon ka at doon tayu sa loob mag-usap."  Seryusong saad ni nanay. Saka bumaling Kay Drake. "At ikaw naman ijo sumama ka sa amin. Doon ka magpapaliwanag sa loob."

"Opo." Magalang na sagot niya sa nanay ko. Napaismid nalang ako sa sariling laway, Saka naglakad.

"Alexa, I'm here to talk to you. Please hear me out." Mahinahong saad nito, saka sinubokang hawakan ang kamay ko pero inalis ko ang kamay nito sa kamay ko.

"Wala tayung dapat pang pag-usapan."  Hindi ko na siya pinansin pa saka nagpatuloy sa paglalakad.


A/N: Hi guys, sorry at ngayon lang ulit ako nakapag update ah? No worries dahil sunod sunod na toh dahil Plano kona tong tapusin at magsusulat ulit ako ng bago.

New novel alert.💛

HIS SEXYTARY (Montefalco's obsession)Where stories live. Discover now