Pinakuwento ni tatay ang lahat ng nangyari sa akin sa maynila. Kaya kinuwento ko naman lahat ng mga nangyari sa akin. Halos mahimatay si nanay dahil sa nalaman."Magsabi ka ng totoo, Alexa. may relasyon ba kayu ng boss mo?" Galit na galit na tanong ni tatay. Habang pilit namang pinapakalma ni nanay si tatay kahit umiiyak pinipilit parin ni nanay paamohin si tatay.
"Tumigil ka Menda, hindi mo ako mapipigilang bugbugin ang lalaking toh. Walang hiya siya at talagang pinahiya pa ng pamilya ng lalaking toh ang anak natin." Gigil na gigil na saad ni tatay.
"Tama na po tay, hindi po yan nakakabuti sa puso niyo." Naluluhang saad ko.
"Tama ang anak mo. Ernesto, kumalma ka wag kang magpadala sa galit."
Hindi ko mapigilan ang sarili kong lumingon sa gawi ni Drake, nakayuko lang ito at walang imik malayo sa drake na kilala ko. Yung mainitin ang ulo at napaka lamig magsalita.
"Kuhaan mo muna ng tubig ang tatay mo, Alexa." Mahinahong saad ni nanay.
"Opo nay." Magalang kung saad saka kumuha ng tubig.
"Please lang ijo, layuan mo ang anak ko. Nagmamakaawa ako sayo, ayaw kong masaktan ang anak ko." Malamyos na pakikiusap ni nanay.
Yan ang naabutan ko galing kusina. Nasa tabi lang ni nanay si tatay, Kita ko ang paghigpit ng hawak ni Drake sa kanyang cellphone. Hindi ko alam bakit.
"Hindi ko po magagawa yan, pero pangako ko po hindi ko po siya sasaktan." Magalang na saad nito.
Nakita ko ang paggalaw ng panga ni tatay. Hudyat na galit ito.
"Hindi sasaktan? Eh anong ginawa ng pamilya niyu sa anak ko, huh? Ganuon ba ang hindi sasaktan?" Galit na galit na tanong ni tatay.
Kaya nga hindi ko nalang sinabi sa kanila na malapit akong ma rape baka mas lalo lang silang magalit at baka atakehin sa puso si tatay.
"Wag po kayung mag-alala, papatunayan ko po sa inyu na karapatdapat ako sa anak niyu." Kita ko sa mga mata nito ang pagka desidedo.
"Wag kang puro salita, gawin mo!"
Hindi ko na mapigilang lumabas sa pinagtataguan ko.
"tay." Pagtatawag ko sa atensyon nila.
"Oh anak nandyan kana pala nasan na yung tubig na pinapakuha ko sayo?" Malamyos na tanong ni nanay sa akin.
"Ito na po nay." Magalang kung saad, saka nilapag ang pitsel at dalawang baso.
"Salamat anak." Isang tango lang ang iginawad ko dito.
Saka naglakad palayo. Hindi ko gustong makita ang mukha ng lalaking aking minahal. Pumasok ako sa aking kwarto na walang lingon-lingon.
"Hello! Lex, napatawag ka?" Ramdam kung nakangisi ang babae sa kabilang linya.
"May alam ka ba?" Deritsong tanong ko. Namayani ang katahimikan sa kabilang linya. Kaya nagsalita ulit ako. "Cass."
"Fine, fine, nagtanong siya sa akin kung nasan ka, pero hindi ko sinabi okay? Kaya be at ease but I think naghahanap ma yun ng paraan para mahanap ka." Parang nang- iinis na saad nito.
"Hindi ka nga nagkamali dahil nandito na siya sa probensya namin." Kalmadong saad ko.
"WHAT? I mean i expected that already, but I didn't expect that he will come that soon." Natatawang saad nito. Nakitango ko nalang. "Alam ko namang baliw na baliw siya sayo pero hindi ko inaasahan na pupunta talaga siya sayo ngayon." Rinig ko ang mahinang tawa nito.
"Iwan ko sa lalaking yon." Naiinis ako, naiinis ako sa sarili ko dahil sa nararamdaman ko ngayon.
Bakit ganito parin, Mahal ko parin siya kahit na masakit na.
"Hello, Lex nandyan ka pa ba?" Nagtatakang tanong nito sa kabilang linya.
"Oo, nandito pa ako" mahinahong kung saad.
"Parang malalim yata ang iniisip mo?"
"Wag kang chismosa, cass."
"Sigi na ibaba ko muna toh, tinatawag na ako ng boss ko." Nakangisi nitong saad. Saka binaba ang tawag.
hindi ko magawang lumabas dahil parang may pumipigil sa akin. Buong araw akong nagkulong sa kwarto ko kahit maliit at napaka init nagtiis talaga ako.
"Anak." Rinig ko ang boses ni mama sa pinto. "Lumabas kana dyan kakain na."
"Susunod po ako." Mahina kung saad sapat na para ma rinig ni nanay.
Inayos ko lang ang higaan ko saka lumabas. Akala ko umuwi na si Drake, ngunit nagkamali ako dahil nandito parin siya, puno ng pawis ang kanyang katawan.
"Nay, anong ginagawa ni Drake dito? Akala ko ba naka uwi na yan?" Nagtatakang tanong ko.
"Eh, gusto niya dawng patunayan sa tatay mo na karapatdapat siya sayu. Kaya ayon nag represintang mag sibak ng kahoy. Kawawa nga eh kasi parang hindi nito alam kung paano pero nagpumilit parin ito." Nakangiti kuwento sa akin nanay.
"Nay naman, bakit niyu naman hinayaan sana pinauwi niyo nalang." Nakayuko kung saad. Kahit na may parte sa akin na ayaw ko siyang pa uwiin.
"Anak, hayaan mona at wag kang magsalita ng masama sa kapwa mo, tandaan mo yan." Malamyos na saad ni nanay.
Napabuntong hininga nalang ako saka siya tinanguan, at saka nagpatuloy na sa paglalakad. Nakita ko ang pagtigil ni Drake, sa pagpupunas ng kanyang pawis.
"Bab- I mean Alexa." Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko siyang tinatawag ako. ngunit nagpatuloy ulit ako sa paglalakad na parang walang narinig.
"Alexa, please pansinin mo naman ako." Nagsusumamong pagmamakaawa niya sa akin. Saka hinwakan ang kamay ko.
"Hindi dahil nag presinta kang magsibak ng mga kahoy ay may karapatan ka ng hawakan ako?" Gigil kung tanong sa kanya, saka binawi ang kamay ko.
"I'm sorry." Nakayuko nitong saad. "By the way I help your mother cook, I hope you like it." Nakangiti nitong saad.
Hindi ko nalang ito pinansin saka nagpatuloy sa paglalakad.
"Oh anak nandito kana pala, kain na kana at handa natong mga pagkain." Nakangiti saad sa akin ni tatay.
"Saan po ba dito ang niluto ni nanay?" Kahit ayaw kong magtanong, tinanong ko parin, great, just great Alexa.
"Wag mong kainin yun anak, dahil baka nilagyan yun ng boss mo ng gayuma, hindi pa naman katiwa-tiwala ang mukha non." Nakabusangot na saad ni tatay.
Mabuti nalang at hindi niya na halata.
"Tay, Kumalma nga po kayo." Mahinahong saad ko. Saka siya nilapitan. "Ako na po dito, tay magpahinga nalang po kayo." Nakangiti kung saad.
"Oh siya at gusto ko naring magpahinga." Nakangiti saad ni tatay.
Napangiti nalang ako habang tinanaw ang papalayong bulto ni tatay. Tiningnan ko naman ang sinasabi ni tatay na pagkain. Adobong manok, mahirap to ah paborito ko pa naman toh. It won't harm if I taste just a little right?
Kaya pikit mata akong sumobo, marunong naman palang magluto ang mokong nayon. Dahil sa sarap ng adobong niluto niya hindi ko na namalayan na sunod-sunod na pala ang subo ko.
"I thought you don't want to eat it."
Dahan dahan akong lumingon kung saan nanggaling ang boses nayun.
Drake.
A/N: Hi akis! Magandang gabi sa inyung lahat, sorry ngayon lang ulit ako nakapag ud masyadong buesy sa school eh, but I'll make it up to you and as a promise here it is.
Cridets nga pala sa pic na nasa taas, btw siya ang ating napaka gwapong bidang lalaki. Ladies and gentlemen let's welcome Drake Montefalco are very bossy CEO.
Vote and comment will be much appreciated 💛💛
YOU ARE READING
HIS SEXYTARY (Montefalco's obsession)
Teen FictionC O M P L E T E D Drake Montefalco is ruthless when it comes on business, he came from a wealthy family and has a reputation for being a bachelor. everything he do is for he's own gain until he meet her secretary perhaps in he's eyes she's he's sexe...