CHAPTER 44: SECOND CHANCE

1.4K 33 13
                                    

"I thought you don't want to eat it." Nakangiting tanong sa akin ni Drake, habang bakas ang pang-aasar sa kanyang boses.

"Tigilan mo ako, Drake." Namumulang saad ko, habang pinipilit na itago ang mukha ko sa mga mata ng makasalanang lalaking nasa harapan ko.

"Okay, okay, don't be mad at me. I'm just happy that you eat it I thought you will throw it away." Mahinahong saad nito.

"Bakit ko naman itatapon to? Eh hindi lang naman ikaw ang nagluto nito kasama naman so nanay." Nakaismid na saad ko.

"Sigi, pasensya na pero sana mapatawad mo ako Alexa, I never mean what had happened to you, back when we were in manila." Sincere na saad nito. 

Pilit ko namang iniiwas ang mata ko sa mata niya, ayaw kung magtagpo ang mata namin. Mas lalo lang bibigat ang pakiramdam ko kapag nakikita ko ang mga mata niyang puno ng sakit.

"Let's not talk about it here Drake, baka marinig ka ni nanay."

"Kung yan ang gusto mo Alexa, basta wag kang mag-alala sa gumawa nito sayo, may kalalagyan sila." Mahinahong saad nito saka tumalikod.

Mahal ko parin talaga dahil bumibilis parin ang tibok ng puso ko sa tuwing nasa malapit siya. And this is dangerous for my heart.

Nabalik  ako sa ulirat ng marinig ko ang boses ni nanay. "Oh nak, hindi ka pa ba tapos kumain? Baka hindi kana maka tayo niyan ah mahirap na." Pabirong saad ni nanay na kinatawa ko nalang.

"Nay naman!" Napanguso nalang ako.

"Masarap ba ang luto ni Drake?" Mapaglarong tanong ni nanay sa akin.

"Nay."

"Ay sus! Nahihiya ka lang umamin eh! Wag ka nang mahiya magsabi anak ako lang to nanay mo." Sinamahan pa ito ng mga tawang mapang asar.

"Tumahimik po kayo nay! baka marinig kayo ni Drake, baka isipin non na nasarapan ako sa luto niya baka lumaki ang ulo ng lalaking yon." Hindi makatingin saad ko. Saka nagsimulang ligpitin ang mga pinagkainan ko.

"Bakit hindi nga ba masarap? Baka nga gusto mo pang magdagdag ng kanin eh, nahihiya ka lang." Tumatawang saad ni nanay.

"Nay! Naman magpahinga na po kayo wag niyu na po akong inisin." Nakanguso kung saad.

"Oh siya sigi, sigi, mauna na ako sayo anak." Nakangiti saad ni nanay saka naglakad narin pa balik sa kwarto nilang tayay.

Napangiti nalang ako sa kawala saka naglakad palabas ng bahay, hindi pa naman ako dinadalaw ng antok dahil   natulog lang naman ako buong araw. Naghanap nalang ako ng ma uupoan. Saka umupo, napakaganda talaga ng buwan at mga bituin. I feel like I could watch it all day.

Tahimik lang ako habang pinagmamasdan ang mga bituin na kuminang. Napalingon ako sa bakanteng upoan na nasa tabi ko ng maramdaman kong may umopo don.

"Alexa, bakit gising ka pa?" Mahinahong tanong sa akin ni Drake, habang nakatingin din sa langit.

"Eh ikaw bakit gising ka pa?" Pabalik kung tanong.

"Sagutin mo muna ako, ako ang unang nagtanong." Napaismid nalang ako sa sinabi niya.

"Eh sa ayaw kitang sagutin." Pabalang kung saad. Saka tumingin ulit sa langit.

"Feisty as ever." Nakangisi nitong saad, umismid nalang ako saka umiwas ng tingin.

"Pumasok ka na nga sa loob, ginugulo mo lang ako." Nakaismid kung saad, saka umiwas ng tingin.

"Ganyan ba talaga kalaki ang galit mo sa akin? Na ayaw mona akong makita?" Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa kanyang mga mata.

Napalunok ako sa nakit saka umiwas ng tingin, nang g-guilt trip bato. Pero no joke bakit ba ako na aapektuhan sa lalaking toh, dapat magalit ako but instead of getting mad at him nanlalambot ako.

"Hindi naman sa ganon." Imbes magtunog na iinis yun, naging isang malumanay na boses ang kusang lumabas sa  bibig ko.

"I'm sorry, Alexa. If I hurt you so bad, I'm so sorry for hurting you, I hope you can still forgive me." Malamlam ang mga mata nitong nakatingin sa akin. Saka hinawakan ang kamay ko.

This time I let him, I let him hold my hands, and I hate my self for that.

"This time, will do anything in my power to protect you and love you. Give me a second chance and I will prove my self to you that I'm the right person that your looking for." Nakangiti saad nito. Saka hinalikan ang mga kamay ko.

"Wag kang puro salita. Drake, gawin mo."

"I will prove my self to you. Alexa, mark my word." Nakangiti nitong saad saka binitawan ang kamay ko.

"Bahala ka sa buhay mo." Naiilang kong inilayo ang sarili ko sa kanya saka tumayo. "Mauna na ako sayo." Pagkatapos kung sabihin yun, walang lingon-lingon akong naglakad pa alis.

Dali-dali akong nagpunta sa kwarto ko Saka sinarado ang pinto. Napasandal nalang ako sa pintuan saka napahawak sa dibdib ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko.

Napapikit nalang ako saka pumunta sa higaan ko. Everytime I pictured his face I feel sureal. Nakikita ako ang nasa mata niya, pagkadesidedo, desidedo siyang patunayan ang sarili niya na karapatdapat siya sa pangalawang pagkakataong ibibigay ko sa kanya.

Dahil sa lalim ng iniisip ko hindi kona namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising nalang ako sa nakakabinging katok sa pinto ko. Parang zombie akong naglakad patungo sa pinto saka ito binuksan. Bangag ako sa kaka isip sa nangyari kagabi.

"Alexa." Ang mga nakapikit kung mata ay biglang bumukas dahil sa narinig kong boses.

"Bakit ka nandito sa pinto ng kwarto ko?" Matalim ang mga tingin ko sa kanya habang pasimpling sinusuklay ang buhok ko. Nakakahiya!

"Inutosan kasi ako ng nanay mong gisingin ka." Nakakamot pa ito sa batok

"Umalis kana, gising na ako ano pang hinihintay mo?" Pinilit kong magtunog masungit para pagtakpan ang kahihiyan ko.

"Okay, if that's what you want, by the way breakfast is ready, just go downstairs." Mahinahon nitong saad. Saka tumalikod na.

Okay what had just happened? My goodness Alexa! Another kahihiyan na naman. Paano ko siya haharapin ngayon? Sinungitan ko pa siya. Napabuntong hininga nalang ako saka napag desisyunan na bumaba na.

"Oh anak! Gising ka na pala." Nakangiti bati sa akin ni nanay.

Isang ngiti lang ang isinagot ko dito saka umopo na. "Nga pala nay, tulogan kona po kayu sa pagbibilad ng mga palay." Nakangiti kong saad.

"Naku! Wag kanang mag-alala doon anak, at nandoon na si Drake, nag represintang magbilad ng mga palay." Sinabayan pa ni nanay ng tawa.

"Nay naman! Bakit niyu naman po hinayaan, eh hindi naman yun marunong." Napanguso nalang ako. Ito bayong sinasabi niyang babawi siya.

Dali-dali naman akong tumayo saka sinundan si nanay. Halos hindi ako makahinga sa nakita

Maraming mga babae sa labas ng gate namin, dahil Kay Drake. Nakahubad lang naman ang hudas! Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi siya hot.

"Drake!" Malakas na tawag ko dito.

Lumingon naman it sa akin. Na para bang walang kasalanan.






HIS SEXYTARY (Montefalco's obsession)Where stories live. Discover now